Wednesday, March 18, 2009

Bakit Nakansela ang Concert ni Charice sa Dubai?

Sa palagay ko ay bongga ang naging promotion ng concert sana nina Charice Pempengco, Kyla at Parokya ni Edgar sa Zabeel Park ng Dubai, United Arab Emirates noong gabi ng 12 March 2009 o Huwebes kaya kami sobrang nagtaka nang malaman namin na hindi ito natuloy.

Kung meron kayong account sa friendster at lagi nagtse-tsek doon, napansin niyo marahil ang almost half-page advertisement ng concert na ito with Charice picture on it. Halos lahat yata kasi ng mga Filipino ay may friendster account kaya mainam ang ginawa ng producer na ibalandra ito sa homepage ng naturang social-networking site.

Nabalitaan lang natin na kanselado ito pero hindi natin alam ang naging dahilan. Pero maswerte kami dito sa Siete Contra Dos dahil biglang nagbigay ng mahalagang inpormasyon  ang aming Palakang Kokak (Iyan ang tawag namin sa aming spy o informant simula ngayon mula sa suggestion ng isang kaibigan para maiba naman daw.) na nakabase sa Deira, Dubai.

Ayon kay Palakang Kokak, ang una daw naging problema ng concert na ito ay  ang hindi pagdating ng mga guests maliban kay Charice. Hindi raw nabigyan ng visa sina Kyla at ang Parokya ni Edgar kaya hindi sila nakalipad ng Dubai. Ang producer daw ay hindi Pinoy kundi isang Indian at kulang daw ang naging coordination.

Nabatid din na hindi nakakuha ng permit para magtanghal sa Zabeel Park sina Charice at ang kanyang grupo hanggang sa huling oras bago ito magsimula sa nakatakdang pagsisimula. Dahil dinumog daw ng mga tao na nakabili na raw ng mga ticket ang nasabing parke sa may bukana ng Sheikh Zayed Road malapit sa Karama, nagulat daw ang mga pulis. Ang ending hinuli ang naturang producer.

Kung ano na ang nangyari sa perang ibinayad ng mga tao sa ticket ay hindi na alam ni Palakang Kokak. Pero sabi niya na pwede naman siguro magsumbong o magreklamo ang bawat isa na bumili sa mga pulis kung gusto nila maibalik pa ang mga ibinayad nila. Pero kung gagawin nila ito ay baka matagalan pa para lang sa ilang daang dirhams. Pero malaki na yan, huh, lalo na at 13 pesos ang bawat isang dirham!

Sobra daw nalungkot ang batang mang-aawit at dahil sa awa sa mga taong lumiban na sa kanilang trabaho at nagbiyahe pa ng pagkalayo-layo tulad ng Abi Dhabi, Fujairah, Ras Al Khaimah at ilang pang emirates, nakipag-picture na lang daw si Charice sa lahat ng gustong kumha ng kanyang larawan.

Nang mabalitaan namin namin na gaganapin nga ang concert sa naabing park, ang unang katanungan sumagi sa isip ko ay bakit sa isang open space gagawin ito. Nakapunta na rin kasi ako sa Dubai at alam ko na ang Zabeel Park ay isang public park at open talaga ito. Bakit kasi hindi ginawa sa isang gym na kung saan madalas gawin ang mga concerts doon. Diyan pa lang ay kaduda-duda na!

Marahil ay hindi na ito naisip pa ng ating mga kababayan na nagtatarabaho sa UAE dahil sino naman ang hindi excited manood sa isang magaling na batang mang-aawit at tinaguriang Child Wonder? Lumilikha ng pangalan si Charice sa international music scene kaya isang pribelihiyo ang makita siyang bumibirit ng mga kantang pinasikat nina Whitney Houston, Mariah Carey at Celine Dion to name a few.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO