KC Concepcion, Nawala na sa Top 10; Alamin ang mga Pagbabago sa Botohan sa Mister Poll
GPTV Updates: Malapit na uli magwakas ang ating eliminasyon para sa panglima at huling grupo ng mga babaing artista natin sa ngayon at meron na lamang halos tatlong araw para bumoto dahil magsasara na ito sa ganap na 11:59 PM sa Biyernes.
Mukhang mabibigo kami sa aming unang akala na malakas ang grupo na ito ng mga Kapamilya artists at mukhang pinapatunayan din ng mga Kapuso fans ang isang hamon na gawin itong landslide victory for all the artists of GMA. Dahil Siete Contra Dos ang tema ng ating search, talong-talo na nga ng mga mas masisipag na fans ng Siete ang mga medyo reluctant pa na fans ng Kapamilya. Sa 20 na bilang ng mga artista natin na naglalaban-laban, ang upper 10 ay okupado ng mga Kapuso contract stars samantala ang lowest bracket naman ay puro Kapamilya artists.
Ang pagkakalaglag ni KC Concepcion sa Top 10 ang nagbigay-daan upang ma-okupa ng mga Kapuso ang lahat ng pwesto sa Top 10. Si KC ay nasa pangatlong pwesto kahapon pero bigla siyang bumulusok ngayon at nasa panglabing-isang pwesto na lamang siya.
At dahil halos tatlong araw na lamang ang natitira sa ating eliminasyon, posibleng lahat ng talent ng Dos sa grupong ito ay tuluyan ng mae-eliminate at mawalan na ng tsansang matawag na Goddess of Philippine TV. Kung hindi maalarma ang mga Kapamilya loyalists at kapag tuluyan namang magpakita ng aggresiveness at determination ang mga Kapuso loyalists, sigurado na ang Top 10 sa araw na ito ang siya rin aabante sa Top 50 ng ating Top Female Young Stars of the Philippines sa Biyernes ng gabi.
**********
Pagdating din ng Sabado, 21 March 2009, sa ganap na alas-dose ng madaling araw, malalaman na rin natin ang kung sino ang mga artista ang makakasama sa Top 50 Female Young Stars in the Philippines. Kasabay nito ay makikilala na rin natin kung sino naman ang mga artista na nasa bottom 50 o 'yung Top 51-100 Female Young Stars of the Philippines.
Yung mga makakapasok sa Top 50 ay magpapatuloy sa isa na namang face off o elimination round para malaman natin kung sino ang papasok sa Top 25 Female Young Stars of the Philippines. Magu-grupo uli sila sa limang grupo at bawat grupo ay isasalang ng isang linggo uli para hingin ang inyong suporta. Kukunin natin ang Top 5 bawat linggo at sila ang bubuo sa Top 25 Female Young Stars of the Philippines. Yung lowest 25 sa limang linggong ito ang magiging Top 26-50 Female Young Stars.
Simula Lunes naman ay ipapakilala namin kung sino ang mga artistang nasa Top 51-100.
**********
Sa iba pang mga balita, patuloy pa rin ang pamamayagpag kung sino ang talagang sikat sa ating botohan sa Mister Poll. Malinaw na kung sino ang may malalawak na fan base at mga dedicated na mga taga-hanga ang nangunguna dito. Sila yung mga artista na ang paghanga nila sa kanilang idolo ay talaga namang ipinapakita rin nila sa gawa at hindi sa salita lamang.
Sa mga nagdaang mga araw, nakita ko na naguna si Marian Rivera pero naungusan siya ni Rachelle Ann Go. Sa ngayon ay si Laarni Lozada uli ang nasa taas ng totem pole. May botong 13,247 si Laarni. Ang nasa pangalawang pwesto ay si Rachelle Ann na may botong 13,015. Pangatlo si Marian Rivera na may 11,183.
Ang dalawa pa na nasa Top 5 ay sina Aicelle Santos na may botong 5,800 at si Gee-Ann Abraham na may botong 5,469.
Ang iba pa na bumubuo sa Top 10 ay sina Bea Alonzo - 3,380; Maricris Garcia - 3,369 votes; Jonalyn Viray - 1,094 votes; Angel Locsin - 798 votes at si Jewel Mische - 670 votes.
Ang botohan na ito ay ang magiging basehan ng 15% ng overall scores ng mga artistang mapalad na makakapasok sa Final 10.
Para sa mga fans na sumusuporta sa kanilang idolo sa Mister Poll, gusto lang namin na ipaalam na pansamantalang isasara namin ang botohan sa Sabado ( 21 March 2009) sa ganap na alas-dose rin ng madaling araw. Magbubukas uli siya sa Lunes (23 March 2009), hindi na sa Mister Poll kundi sa THIRD COLUMN na ng blog namin sa baba lang ng weekly elimination. Ang layunin naming kung bakit pansamantala naming isasara ang botohan at ililipat sa isang widget sa blog namin ay para linisin ito at tanggalin ang mga artistang nasa bottom 50 dahil hindi naman na sila pwedeng iboto pa. Ang tanging maiiwan na lamang ay ang mga nasa Top 50 na siyang magpapatuloy ng laban. Sobrang malaki na rin kasi ang bilang ng botong natanggap namin kaya bago mag-crash ang site ay gagawan na namin ng solusyon. Sa ngayon ay may 54,838 votes na simula 14 February.
Pero kung anuman ang botong nakuha ng mga artista natin sa Mister Poll ay siguradong documented iyan at isasama namin sa mga botong makukuha nila sa bago nitong bahay.
Batid namin na marami sa inyo ang nag-post ng URL ng botohan natin sa Mister Poll sa inyong mga forums at social-networking accounts sa kagustuhang mangampanya, pinapayuhan namin kayo na baguhin niyo na lamang ito.
Maaari niyo kaming sulatan dito sa Siete Contra Dos kung may gusto kayong itanong o maliwanagan. Maraming salamat sa inyong suporta at walang sawang pagmamahal hindi lang sa mga paborito ninyong mga artista kundi para na rin sa amin dito sa Siete Contra Dos.
Mabuhay tayong lahat.