Tuesday, March 17, 2009

Billy Crawford and Britney Spears of France Had a Relationship

Nabasa namin sa PEP na umamin na nga si Billy Crawford na nag-live in sila ng kanyang choreographer na si Maryss of Paris sa dance program niya noon sa Siete na Move. Para sa mga hindi nakakaalam, walang dudang habulin ng mga dalagang French si Billy dahil naging sikat siya sa France. Naging saksi kami kahit paano sa mga babaing nagtitilian para kay Billy at masasabi namin na talaga namang pinagpantasyahan ang binata ng mga kababaihanng Pranses.

Early 2000 nang makilala si Billy sa France at sumikat ng husto ang kanyang kanta na umabot sa United Kingdom, Germany, Netherlands at mga iba pang bansa sa Europa. Hindi namin lubos maisip na mukhang iniwan na ito ni Billy at mukhang wala na siyang balak pang balikan ang career para buhayin.

Sa ngayon, unti-unti nang namamatay ang alaala ng singer sa France dahil matagal na rin siyang hindi napapanood sa telebisyon. Hindi namin maintindihan si Billy kung bakit hindi pa siya bumalik ng France dahil sigurado namang mas tatangkilikin siya dito kaysa sa Pilipinas. Pero kung sakali nga na magpasya siya, maibabalik pa kaya ang kanyang dating kasikatan. Pero alam namin na meron pa ring fan base si Billy dahil nababasa namin ang mga forums tungkol sa kanya.

Nangarap mag-concentrate si Billy sa US pero mukhang nabigo ang singer. Hindi raw masyado bumenta ang kanyang album na ni-release noong 2004, 2005 and 2008. Pero nandyan pa rin siya at nagpupursige na lubusan nang makilala sana balang araw. Isa kami sa umaasa na sana nga maging malaking pangalan na si Billy sa music industry sa buong mundo dahil isa siya sa tunay na masasabi nating international singer na meron tayo.

Dahil nabanggit natin si Maryss of Paris, alam ba ninyo na bago minahal ni Billy ang dalaga ay umibig muna siya sa tinaguriang Britney Spears of France na si Lorie? Sikat ang real and reel loveteam nina Billy at Lorie noon na talaga namang pumatok sa mga manonood.

Para makita ninyo kung paano sila tinilian ng mga babae sa France, panoorin ang VIDEO na ito. Kuha ito sa concert ni Lorie at surprise guest si Billy. Di ba nakakakilig ang video na iyan dahil halatang in-love ang ating binata. Sa huli ay naghalikan pa nga sila na labis ikinatuwa ng audience.

Si Lorie ang nakipaghiwalay kay Billy. Kawawa naman si Billy dahil heartbroken siya. Iniwan siya dahil sa isang lalaki na naging third party.

Sobrang sinubaybayan ng buong France ang love affair nina Billy at Lorie. Naging target din sila ng mga paparazzi dahil hindi umamin noon ang dalawa na magkasintahan. Sabi nila na magkaibigan lang sila. Hayun, nahuli sila ng mga paparazzi habang nagde-date. Narito ang ilan sa mga pictures nila. Just click on the pictures for larger viewing.
Isa rin sa hindi ko makalimutan at sobrang hinangaan kay Billy ay noong ipagtanggol niya ang kanyang nanay na Filipina sa French television. Sa mga forums kasi ay sinisiraan siya at tinawag ang kanyang nanay na katulong o pokpok. Nakakalungkot pero ito ang madalas sabihin ng mga racist na ibang lahi sa atin at hindi dyan nakaligtas si Billy.

Halos mapaiyak ako nang sabihin niya na "gawin niyo na ang lahat sa akin, sabihin niyo na ang gusto ninyong sabihin sa akin, hwag niyo lang idamay ang nanay ko dito."

O di ba, nakaka-touch ang sinabing iyan ni Billy? At batid ko na maraming mga magulang na nakapanood sa interview na iyan kay Billy ang lalong humanga sa kanya dahil sa kanyang pagmamahal sa ina.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO