Tuesday, March 17, 2009

Binibining Pilipinas 2009 Review - Part 2

Mahigit isang linggo na ang nakalipas nang koronahan ang mga titleholders sa Binibining Pilipinas 2009 pero ngayon pa lang namin tatapusin ang Part 2 ng aming simpleng review sa nangyari noong coronation night.

Para sa mga bago lamang sa aming blog, bago kayo magpatuloy, we suggest you to read first our Part 1 of this write up by clicking this title; Binibining Pilipinas 2009 Review at ang "Kabastusan"ni Richard Gomez bilang judge.

Hindi lang kami ang nakapansin kundi karamihan din sa mga beauty afficionado na ang mga nanalo ay may mga kamukhang artista o di kaya prominenteng mga tao. Ang second runner up na si Regina Hahn ay hawig kay Regine Tolentino. Si Rich Asuncion naman na first runner up ay hawig nina Dawn Zulueta at mas magandang Imee Marcos.

Si Melody Gersbach naman na Binibining Pilipinas- International ay hawig nina Donna Cruz at Shirley Fuentes. Si Binibining Pilipinas-Universe na si Pamela Bianca Manalo ay hawig ni Carlene Aguilar at si Francine Prieto at Anne Curtis naman ang hawig ni Binibining Pilipinas-World Marie Ann Umali.
CROWNING MOMENTS: Unang tinawag ang pangalan ni Regina bilang second runner up at casual lang ang kanyang reaksiyon. Posibleng na-disappoint ang dalaga dahil nasa isip niya siguro na mapantayan ang performance ng kanyang nanay na si Chiqui Brosas noong Bb Pilipinas 1975.

Hindi ako nagulat na runner up lamang si Regina dahil sa kanyang edad. Hindi na siya pwede sa Miss World at Miss International dahil lagpas na siya sa age limit. Sa Miss Universe na lang siya pupuwede dahil 26 ang age limit sa beauty contest na ito. Dahil sa hindi impressive performance ni Regina sa evening gown competition at okay lang na performance sa swimsuit, kahit panalo siya sa question and answer, sang-ayon ako na runner up ang pinakamabuti para sa kanya. Dapat kasi sumali noong mas bata siya.

Kalmado rin si Rich Asuncion nang tawagin siyang first runner up. Mukhang na-anticipate na ito ng dalaga dahil tanggap na niya siguro nang oras na iyon na hindi maganda ang kanyang naging performance sa Q&A. Sa post-pageant interviews ni Rich, nabanggit nga niya na aminado siyang nagkulang siya sa Q&A at happy daw siya sa kanyang nakuha. Hindi nawalan ng pag-asa ang dalaga at balak pa niyang sumali uli sa susunod na taon. Iyan ang tamang attitude at bilib kami sa kanya sa bagay na iyan.

Napatakip ng mukha si Melody nang tawagin siyang Bb Pilipinas-International. Sa kanyang reaksiyon, posibleng inihanda na ng dalaga ang sarili na kung hindi siya tatawagin sa kahit ano mang title ay okay lang sa kanya. "Bahala na" ang naging attitude ng Fil-German kaya siya nagulat nang marinig ang pangalan.

Kabaligtaran ni Melody si Pamela Bianca noong tawagin siyang Bb Pilipinas-Universe. Punong-puno ng kaba at tensiyon ang mukha ng dalaga bago mabanggit ang kanyang pangalan. Para siyang hihimatayin sa nerbiyos at maaaninag sa kanya ang kanyang matinding determinasyon na sana tawagin ang kanyang pangalan. Kaya noong marinig ang kanyang pangalan ay nahirapan siyang maka-recover. Makikita na anytime ay sasabog ang kanyang luha na pilit niyang pinipigilan.

Ganundin ang reaksiyon ni Marie Ann noong tawagin siyang Bb Pilipinas-World. Larawan siya ng umaasang manalo kaya noong tawagin ang pangalan ay parang nabunutan ang tinik sa dibdib at natarantang pumagitna para maputungan ng korona. Sa oras na iyon, nakalimutan ni Marie Ann ang kanyang mga katabing finalists at parang hinabol ang korona at baka bawiin pa ito sa kanya. Mangiyak-iyak din siya pero mas graceful lang ang naging treatment ni Marie Ann sa pressure kaysa kay Pamela Bianca. Kung halata ang huli, ang una naman ay nagpupumilit hindi mahalata.

OPINION: Bagay si Melody bilang representative natin sa Miss International dahil ang kaputian niya ang pinapaboran ng mga judges na karamihan ay mga Japanese. Wala akong tutol dyan.

Kung physical beauty lang ang pag-uusapan, mas maganda sana kung si Marie Ann ang ipadala sa Miss Universe kaysa sa Miss World. Siguradong kakabog ang ganda ng dalagang Batanguena sa Bahamas. Pero kung iisipin natin na malaking factor din ang pagiging witty sa Miss Universe, tama lang na si Pamela Bianca ang ipadala. Natataranta kasi si Marie Ann when it comes to question and answer. Pero dapat na maging confident pa lalo si Pamela Bianca para mapansin naman siya sa international pageant na ito.

Okay na rin na sa Miss World si Marie Ann dahil hindi naman masyadong binibigyan ng bearing ang question and answer sa pageant ni Julia Morley. Ang maganda kay Marie Ann, kahit saang pageant mo siyadalhin ay magiging stand out ang kanyang gandang Filipina-Lebanese.

Balik tayo kay Pamela Bianca, sa ating kasaysayan ng beauty pageant sa Pilipinas, mukhang ang dalaga ang pinakamatangkad so far sa mga naging o magiging representative natin sa Miss Universe sa tangkad na 5'10 1/2". Pero kailangang niyang i-tone down ang kanyang katawan para lalong maging seksi siya lalo na sa swimsuit competition.

Kung mabibigyan ng magarang evening gown at national costume si Pamela Bianca, naaamoy ko na siya na ang magwawakas sa 9-year drought ng ating bansa sa Miss Universe. Si Miriam Quiambao noong 1999 ang huling nakapasok sa Top 10 at sana manalo naman na tayo this time.

ISSUE: Sa naganap na Q & A, napansin namin na ang bawat kandidata na napasama sa Top 10 ay parang may nakahanda ng question para sa kanila. Mukhang may naka-enumerate na na katanungan sa lahat ng 23 na kandidata ng gabing iyon. Bakit namin ito nasabi? Kapag binabanggit kasi ang judge na magtatanong pagkatapos pumili ng "tree" ang finalist, ang mga judges na ito na tinawag ay aligaga sa pagbuklat ng kung ano sa harap ng table nila. Hindi ipinakita sa camera kung anong ginagawa ng mga kamay ng mga judges bago magsalita sa microphone pero halatang meron silang hinahanap.

Sa katunayan, dalawang beses ko rin napansin na may itinuturo si Madame Stella Araneta sa mga table ng judge na nasa spotlight. At noong magtanong ang kanyang brother na si Artemio Marquez, mukhang may inabot pa ang may-ari ng Binibining Pilipinas na papel sa kapatid.

Posibleng nangyari nga ang obserbasyon ko dahil nang tanungin ko ang mga kaibigan ko na sumali na sa mga past Binibini ay inamin nga nila na bago ang finals ay binibigyan na sila ng mga listahan ng mga questions na posible daw itanong sa kanila. Listahan lang daw iyon at in fairness, ay hindi naman daw sinasabi kung aling question ang itatanong mismo sa kanila.

Well, sana nga ay maging tagumpay tayo sa mga international pageants sa taon na ito dahil karangalan din natin kung sila ay manalo. Hiling namin na suporathan natin sila at hwag pintasan below the belt sa mga forums and discussions.

NOTE: The picture used in this article is made by a poster of Philippines Beyond forum.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO