Wednesday, March 11, 2009

Binibining Pilipinas 2009 Review at ang "Kabastusan" ni Richard Gomez bilang Judge

Tatlong araw nang tapos ang coronation night ng Binibining Pilipinas 2009 pero ngayon lang kami mangangahas maglabas ng aming review sa naganap na beauty pageant. Simply lang ang review namin dahil, 1.) hindi ko natutukan ang buong palabas dahil sa trabaho, napanood lang namin ang mga important segments, at 2.) huli na para magbigay ng comments kaya pahapyaw na lang ito, isiningit lang namin ito sa trabaho. Baka kasi matanggal ako sa work eh tanggalan pa mandin ngayon dahil sa global economic crisis.

STAGE: Maganda ang stage at humanga ako sa tatlong wide screen ba iyon or projector lang bilang backdrop. Maganda siya panoorin sa TV pero napansin ko lang na kulang ang ilaw. Parang madilim. Hindi ko alam kung sa laptop ko lang ito dahil sabi naman ng iba kong kaibigan ay okay naman daw ang lighting.

INTRODUCTION OF THE CANDIDATES: Isa sa pinakagusto ko sa isang beauty pageant ay parteng ito. Talaga naman nagpumilit ang mga 23 kandidata na iakyat ang boses nila on their throats para lang maisigaw ang mga lugar na nire-represent nila.

Mataas ang energy ng contestant 1 na si Vanessa Johnson kaya naman hirap na hirap si candidate 2 Carishiela May Kuijpers na pantayan ito o di kaya talunin. Dahil sa effort niyang palakihin ang boses, pati ilong niya tuloy ay tumataas. Sayang at hindi nakapasok si Carishiela sa Top 10. Bet ko pa naman siya.

Ang kapansin-pansin sa segment na ito ay si Priscilla Mae Navidad. Dahil Priscilla is deaf, ganun talaga ang boses niya at naawa ako sa kanya nang talaga namang pilitin niyang maisigaw din ang kanyang introductory speech. Pero lalo gumanda ang Pinoy Big Brother housemate sa ayos niya noong finals. Napakaganda niya at sana sumali uli siya sa susunod na taon. Bigyan niya ng focus ang pag-aaral sa catwalk at pakikisalamuha dahil parang napakamahiyain niya kaya hindi siya napansin.

Isa pa sa obserbasyon ko sa parteng ito ay ang tataas ng mga noseline na karamihan sa kanila. Kapansin-pansin ito sa screen ng laptop ko.

SWIMSUIT COMPETITION: Sa taped swimsuit competition na napanood ko, stand-out talaga si Richell Angalot aka Rich Asuncion. Talaga naman pinaghandaan ni Rich ang pageant na ito. Siya ang pinakamagaling sa akin sa part na ito at kitang-kita mo ang poise niya habang naglalakad in her yellow bathing suit. Sa pagrampa nila sa stage, siya rin ang pinakamagaling. Overall, mapapansin mo talaga siya at napaka-swabe ang kanyang galaw.

Aside from Rich, okay rin ang performance nina candidate 11 Regina Hahn, candidate 17 Marie Ann Umali, candidate 15 Pamela Bianca Manalo at candidate 24 Abegail Lesley Cruz. Napaka-slim ang katawan ni Regina. Ang maganda sa kanya ay ang mahaba niyang leeg.

Parang clown si candidate 4 Gizelle Rivamonte, lalo na noong nagpo-pose siya in her bikini. Hindi maganda tignan ang kanyang hand movements. Samantala, si Carishiela ay okay rin naman ang performance dahil isa siyang model, pero kulang na kulang siya sa "it" factor or vavavavoom performance. Kulang siya sa landi factor.

EVENING GOWN COMPETITION: Stand out sa parteng ito ang first 3 candidates na sina Vanessa Johnson, Carishiela at Richell kasama na rin ang Best in Long gown winner na si Marie Ann Umali. Nakita ko na ang pangit ng lakad ni Regina. Overall, nakulangan ako sa performance ng karamihan sa kandidata. Tapos si Wilma Doesn't pala ang nag-coach sa kanila kaya sana naman ay na-train sila ng mas matagal ni Wilma dahil magaling talaga ang modelong ito. Pakiwari ko ay isang araw or dalawang araw lang niya sila na-coached. Sana sa darating pang Binibini, dumami ang involved na mga models na talaga naman handang tumulong.

As usual, gawa lahat ng Cumbia Boutique ang mga gowns kaya para silang pinaglumaan. Bakit kasi hindi nila gawin na bawat kandidata ay may naka-assign na isang fashion designer talaga para labanan' din ito ng mga fashion designers. Ang ganda sana kung ganito nga ang mangyayari.

QUESTION AND ANSWER: Pagkatapos ma-announce ang Top 10, nanghinayang ako sa ibang hindi napili at sana maisipan pa uli mag-join dahil with proper training, gowns and swimsuits, naniniwala ako na lalo sila gaganda sa ating paningin.

Candidate 11 Regina Hahn was asked by Judge Bernd Schneider. "How will you promote the best in Filipino woman?"
"I believe The best way I can promote the Filipino woman is by being a good example. If I am blessed with the opportunity to win the crown, I will be a good example in the international pageant by showing the women what the true Filipina is which is a woman with good values, good morals - a woman who put God first in everything. Thank you."
Confident si Regina dito at parang sanay na nga siya magsalita infront of an audience. Napansin ko lang na parang may s-sound problem siya pero hindi ito isyu.

Candidate 23 Barbara Salvador was asked by Arturo Marquez. "What makes you angry, and speaks up and be heard?"
"For me, something that is most..something that can never be accepted from me would be rude people and dishonest. That would be something that I would really hate because for me these are the kind of people who doesn't deserve my respect and if I would want to speak up to them and tell them that they are doing something wrong. And that is what makes me angry.Thank you."
Halatang nag-iisip muna si Barbara sa umpisa. Ipinakita niya iyon sa mga judges sa mga gestures niya. Pero ang kahanga-hanga ay ipinakita rin niya kung paano labanan ang nerbiyos na umaatake sa kanya. Sa kabuuan, naging poised siya sa pagsagot.

Candidate 9 April Love Jordan was asked by Chief Justice Artemio Panganiban. "Well, one day in the future, you may meet Mr. Right and Mr. Right may asks the right question and you may wish to give the right answer, can you give to us the best picture of your dream wedding?"
"Thank you very much for that nice question sir. The best picture of my dream wedding would always be my dream guy and my dream guy is someone like my father. I would always wish to marry someone like him and my father is someone who is very selfless that's why in my dream wedding it doesnt have to be that extravagant as along as I love the person that I will marry and that someone will be my Mr. Right and that would be my dream wedding."
Halata rin na kino-construct ni April Love ang kanyang sagot. Ipinakita niyang nag-iisip siya. Pero nilandi niya ang kanyang pagsagot. Sa hulihan ng kanyang sagot ay parang sinaksakan ng baterya, naging sobrang confident at binilisan ang pagsalita. Mapapansin mo talaga ang sudden shift of energy.

Candidate 22 Priscilla Mae Honorio was asked by Muhammed Naeem Khan. "What did you expect to gain when you joined this pageant and did you get it?"
"The moment I joined Binibining Pilipinas I knew that this would be a great experience for me. I met lots of friends and I learned a lot of things from it and I am very happy that I am here today and yes I gained everything that I wanted to gain from this pageant and I'm truly blessed to be here and thank you so much for appreciating all our talents and beauty."
Matinis ang boses ni Priscilla pero okay naman itong pakinggan. Parang nakaka-engganyo nga dahil halata rin na confident siya. Wala ka masyadong mababasang kaba sa boses niya.

Candidate 5 Diana Arevalo was asked by Alcides Prates. "What do you want people to understand about beauty and about being beautiful?"
Good af...Good evening everyone. What I want the people to understand about beauty is that it is not physical, that it is being compassionate to yourself and to others, speaking out yourself and living your life according to your purpose. Knowing your purpose, reaching your maximum potential and sowing seeds for the benefits of the others . Thank you
Mukhang isang Indian beauty queen si Diana. Confident siya sa sagot niya at eloquent. Isa lang ang napansin ko, na-focus kay Gloria Diaz ang camera at habang sumasagot si Diana ay nakikinig siya pero nagkaroon ng shift ang expression ng mukha niya nang simulan ni Diana ang huling sentence ng sagot niya na, "Knowing your purpose......." Siguro iniisip ni Gloria na tumigil na sana siya doon kasi nasagot na niya yung tanong ng judge. Kasi kung magpatuloy pa siyang magsalita ay baka mas marami pang makitang mali sa kanya. Less talk less mistake kumbaga sa mga Q & A na ganito at straight to the point.

Candidate 20 Melody Gersbach was asked by Casimiro Ynares III. "Do people think you are not intelligent just because you are beautiful?"
Thank you for this question sir. Well, for me beauty is not only the physical, it is beauty of the intellect, beauty of our inside and I see that people misjudge those who are beautiful . We are beautiful within which shines through, for myself, through a beautiful smile. Thank you.
Hindi ako aminado sa mga judges na ganito ang unang salbo bago magtanong. Bilang isang judge, ipakita sana nila na wala silang preferences at ang pag-appreciate sa kandidatang tinatanong nila ay hindi maiiwasan na isipin ng mga tao na pagpabor sa naturang kandidata.

Balik tayo kay Melody, medyo ni-nerbiyos siya pero bigla rin niya naitago. Halatang napa-isip siya pero noong magsalita na siya ay naging tuloy-tuloy na ang flow of thought niya. Maikli ang sagot niya at straight to the point. In a pageant like this, tama lang ang ginawa ni Meldoy.

Candidate 3 Richell Angalot was asked by Betsy Westhendorp (di ko sure ang name ng judge) "What is your lucky number and what is its significance to you?"
"Well my lucky number is 11 because its... its a memorable time for me in the month of el.... in the month of el...11 because i had my first boyfriend in the...ah... 11 of the month and I first fall in love and I understood love and I knew what love is and I'm really happy that I've experienced it because it makes me a better person. That's all. Thank you.
Sa lahat ng mga finalist, si Rich ang may pinaka-shaky na sagot. Siya ang pinaka-nawalan ng poise o pinaka-unprepared. Halatang na-caught off guard siya. Hindi niya inasahan ang tanong na iyon at maaaring natakot din siya sa mukha ng matandang judge na titig na titig sa kanya habang dilat na dilat ang mga mata. Kumbaga, napaka-uncooperative ang facial expression ng judge na kung talagang makita mo siya ay masisindak ka na at manginginig pa. Iyan ang nangyari kay Rich.

Pero bilib ako na despite of this ay nakapagbigay pa rin ng interesting na sagot si Rich na kulang lang sa delivery with conviction. Malaki ang nagawa kay Rich ng training niya sa Starstruck at mahahalata mo talagang pinipilit niyang makapagbigay ng sensible answer habang nilalabanan ang nerbiyos. Hindi nga lang naka-recover ng mabilis si Rich na labis na ikinabahala ni LJ Reyes na nasa audience.

Kung ire-rephrase natin ang sagot niya, ganito iyon - "My favourite number is 11 because it is on the eleventh month of the year when I first fell in love. In that day, I was able to to love and be loved. This made me a better and happy person." At dinagdagan pa sana niya na ganito, "It's because in that day, I was able to realize that I am a REAL lady who can love and be loved by my man. I was able to realize the essence of being a woman." Bongga sana di ba?

Magaling si Rich dahil hindi siya natalo ng nerbiyos kahit na-mental blocked na siya. Sa sagot niya, mahahalata mo na nagtatalo ang isip niya kung sasabihin ba niya na 11th of the month or 11th month of the year. Tapos lalo pa siyang ni-nerbiyos kung paano i-justify ang number 11. Magaling siya sa akin dahil nakapagbigay pa rin siya ng interesting answer kahit lumulubog na siya sa nararamdamang hiya. Alam ko sa isip niya ay nawalan na siya ng pag-asa at naisip na niya na it was the end of her quest. Para sa akin lumaban siya at iyon ang importante. The show must go on kumbaga.

Candidate 17 Marie Ann Umali was asked by General Alexander Yano. "Marie Ann, good evening. Here's my simple question, what is your idea of fun?" (Maririnig mo na tumawa si Richard Gomez pagkatapos marinig ang tanong ng judge.)
"Well my idea of fun is when you're being.. when you're leading a positive outlook in life and you're happy for what you are and confident on who you are and what you are, then.. then, therefore, it is my idea of fun... by being yourself. "
Halatang nerbiyos na nerbiyos si Marie Ann habang sumasagot. Maaring may connection ito sa kanyang past Q & A noong 2006 kung saan binatikos siya sa mga forums. Binansagan siyang bobita or hindi matalino. Posibleng ito ang tumatakbo sa isip niya kaya hindi mo siya makikitaan talaga ng confidence.

Posible rin na narinig niya ang nakaka-insultong pagtawa ni Richard habang tinatanong siya. Kaya Richard kung ikaw ay nagbabasa, you know what to do next time dahil unethical ang ginawa mo lalo na at pressured ang mga dalaga. Posibleng natural lang sa iyo iyon at wala ka intensiyon pero bagayan mo ang sitwasyon. Mataas ang pressure that night kaya at hindi makakatulong ang iyong pagtawa na parang nang-iinsulto.

Balik tayo kay Marie Ann, halata na parang ang iniisip niya ay basta makasagot na lang pero impressive ang kanyang idea. Magaling ito at kung nagkaroon lang siya ng conviction ay perfect sana na siya sa Q & A. Kumulot na nga ang boses niya sa huli at maririnig mo ang malalim niyang hininga na parang nawalan na ng pag-asa at pagkatapos sumagot nakita rin ang facial expression niya na parang talunan. Kumunot ang noo niya at nawala bigla ang mga ngiti, nakabawi agad, ngumiti pero parang nanginginig ang mga labi na parang maiiyak.

Overall, magaling ang sagot ni Marie Ann.

Candidate 1 Vanessa Johnson was asked by Regine Velasquez. "Hi Vanessa, what is the best job in the world?"
"Well for me, the best job for me would be something that has to do with passion and I haven't had the opportunity to have that job yet which would be fashion design and merchandising but I truly have a passion for fashion and it give you something that you love to do and that you are very passionate about then that would for me the best job in the world."
Kabaligtaran ng dalawang dalagang nauna sa kanyang sumagot, overflowing with confidence si Vanessa dahil lumaki siya na English na ang salita. Iba kasi ang confidence na naibibigay kung gamay mo na ang isang bagay. At kung confident ka ay naibibigay mo ang iyong best.

Ito ang dahilan kung bakit hindi ko maintindihan na bawal sumagot sa wikang Filipino dahil ang layunin naman ng pageant na ito is to get the best lady to represent our country in the international pageants. Kaya dapat din lang na tulungan natin sila to come up with their best at isa na dito ay ang pagpayag na magsalita sila sa wika na komportable sila. Tama ba ako?

Balik tayo kay Vanessa, may landi factor ang kanyang sagot at impressed talaga ako. Pero despite this strength of hers, hindi niya masyado nagamit on her advantage dahil so-so lang ang kanyang sagot. Maganda ang idea niya pero kulang siya ng mga striking or powerful lines na nagdiin sa gusto niyang isagot. Sana sumali pa rin siya sa mga susunod na taon kasi pakiramdam ko ay kakabog din siya sa international pageant with the proper training.

Candidate 15 Pamela Bianca Manalo was asked by Richard Gomez. "Hi Bianca, you're very beautiful and stunning tonight. (Laughs). In the future, if ever you get to have a son what would you teach him about women.
If in the future, if I would have a son what I would tell him about woman.. women is he should respect them like uh he respects his mother because every woman begins.. uh.. can be a mother and if you show that respect to every woman then you know.. uh.. how to respect yourself also. Thank you.
Medyo ni-nerbiyos si Pamela at halata iyon ngunit hindi lang kasing-grabe sa ibang kandidata. Habang sumasagot siya ay nag-stammer siya pero hindi mo masyado mahahalata dahil sa malakas na hiyawan ng audience. Na-save siya dito kumbaga. Buo ang idea ni Pamela kaya nagkaroon siya ng confidence. In fact, habang sumisigaw at nagpapalakpakan ang audience ay pinipilit niya na sapawan sila para masagot na niya ang tanong ni Richard.

Ang sagot ni Pamela, katulad ni Regina, Melody at Priscilla, ay classic example na short but powerful at less talk less mistake na dapat ginagawa ng mga kasali sa mga pageants para mas malaki ang chance na manalo. Kaya nga Manalo ang apelyido niya, huh!

Sa segment na ito, nangibabaw sina Regina, Pamela, Priscilla, Vanessa at Melody.

Medyo mahaba na ang blog entry ko na ito at dahil kulang na rin ako ng oras ay itutuloy ko ito sa mga susunod na araw. Abangan ninyo iyan at matutuwa ako kapag mag-iwan kayo ng inyong comments about this. Salamat sa inyo

Click here to read the second part of our review.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO