Raymond Gutierrez, Ninakawan ng Halik si JC Tiuseco?
Pag-usapan natin muli ang controversial kissing scene nina Raymond Gutierrez at Carla Humphries sa Lago del Ray sa Camarines Sur na una kong isinulat dito. Wala na sana ako balak sundan pa ito ng isa pang blog entry pero dahil may nakita akong isang anggulo ay minabuti ko uli makisawsaw sa isyu. Talaga naman makisawsaw ang term, huh? Feeling close ako!
Nagpahayag na nga ng kanyang saloobin si Raymond sa kanyang programa sa Siete na Showbiz Central. Hindi siya nag-deny or nag-confirm kung hinalikan nga ba niya si Carla dahil ayon sa kanya "hindi na dapat iyon pa binibigyan ng atensiyon at importansiya".
"Sa dinami-dami ng nabasa ko at napanood ko about sa isyung ito, isa lang ang nakapukaw sa akin pansin. Iyon ay ang pag-sangkot sa isyung ito ang usaping droga!"
Nahilo ako doon sa totoo lang.
Nasubaybayan ko kung paano nag-umpisa itong balitang ito bilang blind item ng isang reader ng PEP, pagkatapos ay ipinalabas ang video sa TV Patrol World hanggang kumalat na ito sa mga blogs at write ups sa mga tabloids.
Ito lang ang masasabi ko, sa lahat ng nabasa at napanood ko, hindi ko naringgan o nabasa ang pagdawit ng droga sa kanya. Sa comment lang na iyan ni Raymond ko unang narinig na meron pa lang insinuation na high on drugs siya kaya nagawa niyang makipaghalikan kay Carla na isang tunay na babae.
Para mapatunayan kong tama ako sa aking akala na kay Raymond nga unang narinig ang usaping droga, nagbasa ako ng mga comments ng mga internet users sa maraming articles or blog entries about this incident. You know what I have found out? The public is echoing on what I know. Kay Raymond din daw nila unang narinig ang usaping droga. Unless may isa sa inyo na makakabasa nito at gustong patunayan na mali nga ako. I'll gonna take it.
Naguluhan din kami kung bakit hindi rin idinahilan ni Raymond sa Showbiz Central kung ano ang sinabi niya sa shout out niya sa Friendster account niya. Sinabi niya na hindi niya hinalikan si Carla. May sinasabi lang daw siya sa kanya ng malapitan.
Well, ang opinyon namin dito sa Siete Contra Dos, meron lang mga detalye sa isyung ito na gustong mapagtakpan o mailihis ni Raymond. Ang masasabi lang namin, lumaki o nagka-interes ang publiko na pag-usapan ang kissing scene na ito hindi dahil sa naka-drugs man o hindi si Raymond pero ito ay dahil sa katanungan sa tunay na sexual preferences niya.
Natural lang na maghalikan ang isang babae at isang lalake pero bakit nagulat ang publiko na ang kahalikan ni Raymond ay si Carla? Ang sagot dyan ay dahil matagal nang naniniwala ang mga tao na Raymond is gay. Nagtaka lang sila dahil bakit siya humalik sa isang girl. Ibig ba sabihin nito ay bisexual siya? Pwede sa babae at pwede sa lalaki?
Pwede naman sabihin ni Raymond na "What's wrong with the news? Babae si Carla at lalaki ako. Natural lang iyan!" Tapos na sana ang usapan.
Pwede naman sabihin ni Raymond na "What's wrong with the news? Babae si Carla at lalaki ako. Natural lang iyan!" Tapos na sana ang usapan.
Kung ikaw ay isang tunay na lalaki, ikaw ba ay ide-deny mo na hindi mo siya hinalikan at may ibinubulong lang? O sasabihin mo ba na kaya mo lang siya hinalikan ay dahil lasing ka? Gawain ng mga "paminta" iyan. Ang "paminta" ay gay lingo na tumutukoy sa mga baklang umaastang tunay na lalaki at ayaw pang magladlad.
Naniniwala kami dito sa Siete Contra Dos na gustong mailihis ni Raymond ang isyu by dragging the word drug on this para hindi na maungkat pa ang naibalita sa blind item na maliban kay Carla ay hinalikan din daw niya ang isang male actor na natural na nagulat sa ginawa niya. Damay din dito ang isang pang matangkad na male actor na pinagnanasaan daw talaga ni Raymond.
So, sino itong male actor na hinalikan din ni Raymond sa Lago del Ray at ang isa pang male actor na pinagnanasaan niya?
Ayon sa tsismis, take note on the word tsismis, si JC Tiuseco, first Survivor Philippines winner, daw ang pobreng lalaking ninakawan ni Raymond ng halik maliban kay Carla. Huh!! Ang swerte naman ni Raymond kung ganun nga at naunahan pa niya ang mga artistang babae natin!
Ang tanong, nasa Bicol nga ba si JC Tiuseco that time?