GPTV Updates: Sarah Geronimo at Ruffa Mae Quinto, Nalaglag na sa Top 10
GPTV Updates: Hindi mapigilan ang pag-arangkada ni Maricris Garcia. Nalaglag sina Sarah Geronimo at Ruffa Mae Quinto sa Top 10 sa eliminasyon ng linggong ito at nanganganib na tuluyan nang hindi sila makakapasok sa Top 50 kapag patuloy ang hindi pagdating ng kanilang mga boto. Maxene Magalona, patuloy ang pagtaas ng kanyang pwesto.
Iyan ang mga signifant changes sa ating weekly elimination sa ating search for the Goddess of Philippine TV. Ipinapaalala namin na magtatapos ang elimination ng batch na ito sa ganap na 11:59 pm (Philippine time) sa Sabado. Ang Top 10 ay papasok sa Top 50 at ang Lowest 10 ay tuluyan ng mawawalan ng pag-asa para sa solong titulo ng Goddess of Philippine TV sa taong ito.
Ang mga kasalukuyang nasa Top 10 ay sina Maricris Garcia, Kristine Hermosa, Iza Calzado, Maxene Magalona, Isabel Oli, Angelika dela Cruz, Shaina Magdayao, Nikki Dacullo, Angelu de Leon at Nadine Samonte.
Ang mga nanganganib ma-eliminate ay sina Ruffa Mae Quinto, Sarah Geronimo, Iya Villania, Nina Jose, Valerie Concepcion, Say Alonzo, Jamila Obispo, Desiree del Valle, Neri Naig at Kristel Moreno.
Sa kabilang poll naman sa Mister Poll, nangunguna na uli si Marian Rivera pagkatapos mag-reyna ng ilang araw din ni Laarni Lozada.
Gusto lang namin na ipaalam na ang botohan sa Mister Poll ay independent sa weekly elimination natin na makikita sa third column ng ating blog. Ang botohan sa Mister Poll ay magagamit lamang sa Final Top 10. Kung sino man na artistang babae ang makakapasok sa Final Top 10 ang magiging valid ang votes nila sa separate poll na ito. 15% ng kanilang final score ay manggagaling sa Mister Poll.
Ang current Top 10 ay sina (in order) Marian Rivera - 4,375 votes, Laarni Lozada - 3,774 votes, Rachelle Ann Go - 2,463 votes, Aicelle Santos - 1,113 votes, Gee Ann Abraham - 1,100 votes, Jewel Mische - 601 votes, Angel Locsin - 593 votes, Kim Chiu - 512 votes, Maricris Garcia - 432 votes at Toni Gonzaga - 189 votes.
Dahil hindi nakalusot sa weekly elimination si Kim Chiu na nasa Top 10, ang 12th placer na si Riza Santos ang magiging 10th placer technically dahil nakapasok siya sa Top 50 last week. Ang 11th placer sa Mister Poll na si Anne Curtis - 157 votes, ay eliminated din katulad ni Kim Chiu na hindi nakalusot sa kanilang weekly elimination.
Asahan ninyo na sa 21 March 2009 ay aayusin namin ang Mister Poll para tanggalin na ang mga eliminated female youngstars at itira lamang ang Top 50.
Sa araw din na iyon ay aming huhusgahan ang mga na-eliminate o Lowest 50 sa listahan natin ng 100 Top Female Young Stars. Ia-announce namin ang pwesto kung saan sila sa 51st - 100th positions batay sa number ng votes na nakuha nila during their elimination week combined with their votes at Mister Poll. Abangan po ninyo iyan.