Tuesday, March 10, 2009

JC de Vera, walang bayag

Ayon sa huling balita na nasagap ng Siete Contra Dos, sobrang tuwang-tuwa si JC de Vera nang magpasya ang kanyang controversial manager na si Annabel Rama na manatili siya bilang Kapuso artist. Ito raw ang gusto ni JC kaya sobrang nagdiwang daw siya nang malamang hindi na siya ililipat sa Kapamilya. Napagdesisyunan daw ito ng kanyang manager pagkatapos makipagpulong sa presidente ng Siete na si Felipe L. Gozon.

Pero kung pagbabatayan natin ang reaksiyon ng mga manonood, negatibo ang naging epekto ng mga isyung kinasangkutan ni JC. Imbes na pag-usapan siya para lalong mapa-ibig ang publiko, mas marami ang nagkokomento ng hindi maganda partikular sa inasal ni JC habang nasa sentro siya ng lahat ng ito.

Kinalap ng Siete Contra Dos ang reaction ng mga tao at dahil nakita namin na mas marami ang hindi nagkagusto sa naging paninindigan ni JC between Annabel Rama-Wilma Galvante world war 3, interesado kaming subaybayan ang susunod na project ng binata. Gusto namin makita kung apektado rin ba ang ratings ng magiging TV shows nito pagkatapos magkaroon ng closure ang kanyang problema.

REAKSIYON NG PUBLIKO:

Balikan natin ang naging stand ni JC habang mainit ang isyu nila. Nagsimula ang lahat ng mapabalita na hinihiram ni Alfie Lorenzo si JC sa kanyang manager para maging leading man ni Judy Ann Santos sa gagawin ng dalaga na soap sa Dos. Gusto ni Annabel na magtrabaho muna si JC sa Dos dahil magtatapos na rin ang contract niya with GMA ngayong buwan na ito. Pero duda ng iba na baka hindi na siya babalik pa sa GMA at tuluyan nang maging Kapamilya.

Ang sabi ni JC, mas gusto niyang manatiling Kapuso dahil sa network na ito siya nakilala. Masaya siya sa Siete at lahat ng kaibigan niya ay nandito. Para sa kanya, pagtanaw ng utang na loob ang hindi paglipat ng bakod.

Ang reaksiyon ng publiko, gusto nila ang gesture ni JC at ninais nilang hwag na nga lumipat pa sa Dos.

Ang sumunod na pangyayari, biglang tinanggihan nina JC at Annabel ang mga offer sa kanya na follow up shows ng La Lola - ang Obra at Ngayon at Kailanman, isang afternoon soap. Dahil dito ay nabigyan sila ng legal reminder sa kontrata niya.

Ang sabi ni JC ayon sa kanyang manager, totoo daw na magiging supporting role lang siya kay Marvin sa Obra kaya hindi rin daw siya masaya kasi nagbida na raw siya sa La Lola. Wala silang rason kung bakit nila tinanggihan ang Ngayon at Kailanman.

Ang reaksiyon ng publiko, sa puntong ito ay nagsimula nang maging nega si JC sa ilan. Ang rason nila ay masyado siyang demanding. Bakit hindi raw siya magpasalamat dahil binibigyan pa siya ng trabaho sa kabila ng katotohanan na ang daming artista ang uhaw magkaroon ng show. Si Jericho Rosales nga daw ay naging suppport sa Betty La Fea, si JC pa kaya?

Biglang nanakot si Annabel na ililipat niya na talaga si JC sa Dos dahil ayaw nila ang mga shows na ibinibigay sa kanya. Pero ang sabi ng GMA ay kailangan nila tuparin ang mga provisions na nakasaad sa kontrata ni JC. Dahil pinirmahan nina JC ang kontrata, nakasaad dito na prerogative ng network na i-extend ang contract ng one year upon its expiration. Legally speaking, JC is still a Kapuso for one year as long as he received and signed a copy of the notice. Ang sabi ng GMA, pinirmahan na ni JC ang notice kaya prerogative ng GMA kung mananatili pa siyang Kapuso for a year. Sumagot si Bisaya na hindi raw pinirmahan ni JC ang notice.

Ang sabi ni JC, hindi pa raw niya pinipirmahan ang notice pero sinabi niya na natanggap nga niya ito at nasa magulang niya ang copy.

Ang reaksiyon ng publiko, nagsimula na silang magduda sa tunay na intensiyon ni JC. Dati ay sinasabi niyang gusto niyang manatiling Kapuso pero nang ipinaglalaban ng Siete na Kapuso pa rin siya by virtue of a provision in his contract ay sinalungat naman nito by saying na hindi naman niya pinirmahan ang notice. Nagkaroon ng haka-haka na gimik lang ito nina Bisaya at JC para makuha ang gusto nilang show at mapataas ang kanyang talent fee.

Naging mainit ang alitan ni Wilma at Annabel dahil sa kawalan ng breeding ni Bisaya. Dumating sa punto na parang wala ng magiging solusyon ang problema nila at tuluyan ng ililipat nga si JC. Nahati na ang mga tao kung sino ang kakampihan nila - kay Bisaya ba o kay Wilma.

Ang sabi ni JC, rerespetuhin niya ang magiging desisyon ng kanyang manager at kung ano man ang kanyang sasabihin ay igagalang niya.

Ang reaksiyon ng publiko, big turn off si JC. Nakita siya bilang isang immature na tao na hindi makapagdesisyon sa sarili. Tinawag siyang walang bayag, childish, weakling, sissy, etc dahil hindi man lang siya magkaroon ng sarili niyang paa para tumayo. Big turn off lalo na sa mga girls and gays na nagpapantasya sa kanya dahil umiyak lang daw ang alam niya kapag may problema. Sunud-sunuran lang daw sa manager na humahawak sa kanyang leeg. Sabi nga nila kung gusto raw talaga niyang maging Kapuso dapat gumawa siya ng paraan.

REAKSIYON NG SIETE CONTRA DOS:

Malinaw na nabahiran ang loyalty ni JC sa Kapuso network na nag-build up sa kanya. Kung noon ay naniniwala ang publiko na kahit anong mangyari ay mananatili siyang Kapuso dahil nag-wish pa siya noon na kung sakaling ilipat siya ng manager niya sa Dos, sana ay gumawa ang Siete para manatili siya.

Gumawa nga ang Siete ng paraan at iyon ay i-extend ang kanyang contract pero sinalungat ito ni JC sa pagsasabing hindi niya ito pinirmahan.

Ngayon, malinaw na marami ang nadismaya sa ipinakita ni JC at kahit hindi niya aminin ay nakita ng publiko na mas panig siya kay Annabel na manager niya kaysa sa network na nagpasikat sa kanya.

Dahil sa nakita natin sa kanya noong kasagsagan ng kanyang laban, ang JC na inakala ng publiko na mature at lalaking-lalaki ay nabahiran ng pag-aalinlangan. Nakita ng publiko ang kanyang kahinaan.

Maliwanag na habang nasa pangangalaga siya ni Annabel, ang nakitang kahinaan niya ang unang maaalala ng tao. Titignan siya bilang takot na takot kay Bisaya, sunud-sunuran, walang desisyon, childish at hindi marunong magsalita. Kaya ang masasabi ng Siete Contra Dos, mas makabuti na sa lalong madaling panahon, kailangan na magpalit ni JC ng manager dahil forever siyang damay sa nega image ni Bisaya hanggang nasa kamay siya nito.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO