Monday, March 9, 2009

Rumesbak naman si Annabel Rama kay Wilma Galvante

Nagpahayag na naman si Annabel Rama ng mga masasakit na salita laban sa Vice-President ng Entertainment ng GMA network na Siete. Sa mga ipinahayag ni Annabel mahahalata mo talaga na kulang na kulang siya sa breeding o kagandahang loob. Kailan kaya matitikman ni Annabel ang matinding karma sa mga pinaggagawa niya?

Ang hindi nalalaman ni Annabel na epekto ng ginagawa niya ay sinisiraan niya ang credibilidad na pinaghirapan kunin ng Kapuso network. Dahil sa kagaspangan ng ugali niya ay napi-picture ng publiko na ang GMA ay istasyon ng mga palaaway at walang respeto sa mga opisyal ng istasyon. Nakakatawa na ipinagmamalaki ni Annabel na kaibigan niya ang mga Gozon pero bakit hindi niya pinoprotektahan ang negosyo ng mga Gozon?

Maraming mga bata ang loyal sa kapuso dahilsa mga fantaserye nito, pero ang ipinapakitang ugali ni Annabel ay nakakasira sa kanilang paghanga.

Marami akong kaibigan na loyal sa Siete pero nag-iiba na ang ihip ng hangin kapag nagsasalita na sila pagkatapos nang pang-aaway ni Bisaya. Kung dati solid ang kanilang pananampalataya, ngayon makakakita ka na ng puwang na kung sundutin mo lang ay tuluyan na silang mawawalan ng gana sa Kapuso.

Ang tanong ko, alam din kaya ito nina Felipe Gozon at ang anak niyang si Annette? Bakit hindi nila pagbawalan o itikom ang bibig ni Annabel? Bakit nila hinahayaan si Annabel na siraan ang pangalan ng Siete na pinaghirapan nilang buuin?

Kung sakali mabasa niyo ito Atty. Gozon at Annette, sana masagot niyo ito dahil ang tanong na ito ang malimit na nasa isip ng mga Kapuso viewers.

Kung bakit unti-unti nang lumalapit ang ratings ng Kapamilya sa ratings ng Kapuso sa Greater Manila Area ay dahil sa pang-aaway na ito ni Bisaya. Aminin man natin o hindi ay apektado talaga ang network dahil sa kabastusan ng talent manager na ito.

Isa pa sa gusto ko malaman ay kung gaano nahihiya na ngayon ang mga anak at asawa ni Annabel? Ano kaya ang reaksiyon nina Eddie Gutierrez, Ruffa, Richard, Raymond at kung sino pa na ang nanay o asawa nila ay kinakakitaan ng kawalan ng pinag-aralan sa mga press releases niya o interviews niya? Sigurado akong hiyang-hiya sila at nagiging paranoid kapag tinitignan sila ng iba pang mga artista dahil sa halimbawang ipinapakita ni Annabel. Pero natural lang na magsinungaling pa rin sila on TV at sabihin na ang nanay nila ay mabait. Sino namang anak ang hindi magsasabi niyan? Example ito nung kasabihan na "she has the face only a mother can love".

Sabi nga nila, you learn your values, behaviours and actions sa bahay mo kung saan ka lumaki. Malaki ang influence ng parents sa paglaki ng isang tao. Ang tanong, kung ganito kawalan ng breeding si Annabel, hindi kaya totoo ang mga napapabalitang nambumbog o naniko si Richard, naging rebelde at maldita si Ruffa at naging maharot na bakla si Raymond sa California? Hindi natin masisisi kung mag-isip ngayon ang mga tao na ang mga balitang ito ay totoo dahil nakikita nila sa ugat kung ano ang ugali ng naging pundasyon nila sa paglaki.

Sabi nga nila walang usok kung walang sunog!

Ugali ito ni Annabel na hindi dapat idamay ang mga anak at asawa. Pero hindi natin mako-control ang iniisip ng mga tao. Napatunayan ko ito dahil sa mga nakausap ko ay ito rin ang tinatanong nila which I think universal.

Sa sitwasyon na ito, nasa panig ako ni Wilma Galvante. Natural lang na sumagot si Wilma sa mga interviews dahil binanatan siya ni Annabel sa TV. Dapat lang na ipagtanggol niya ang sarili niya dahil kung tahimik lang siya, lalo lang siya kinakaya ni Annabel.

Narito ang huling text ni Annabel kay Wilma na very proud ba ipinasa sa mga reporters. Ipinagmamalaki pa ni Annabel na minumura niya si Wilma sa text. Ang tanong ng Siete Contra Dos, ugali ba ito ng isang taong may bait sa sarili at may pinag-aralan?

Kayo ang humusga at basahin dito:
"Napanood ko na rin ang interview mo. Ang kapal talaga ng mukha mong pangit. Talagang duwag ka, puro GMA network ang mga sinasabi mo. Nagmalinis ka pa, 5 years mo na akong kinukutungan. Ngayon ka pa nagrereklamo dahil may mas mataas pang nagbibigay sa iyo kaysa sa akin. Ikaw ang luka-luka.

Kaya ka naman galit sa akin dahil wala ako ibinigay sa iyo ni piso last time na nasa States tayo para manood ng Pacquiao fight. Na-shocked ang lahat sa airport bigla mo na lang akong binati. Alam ko na ang ibig sabihin nun. Datung ang kailangan mo, dollar. Pero sori na lang, wala ka na maaasahan sa akin, maski ipitin mo pa mga talents ko. Doon ka humingi sa mga alaga mo.

Bakit di mo ma-explain ng mabuti tungkol sa bigayan ng pera? Bakit ka parang nabubulol? PAti pautang binanggit mo, wala namang ako pinapautang sa GMA or sa mga EP. Pag ako ang nagbigay, wala ng singilan.

Sabi mo abusada na ako,a ng dami ko demands. Siyempre, ang laki ng investment ko. Minsan lang kita di binigyan, iniipit mo kaagad mga talents ko. Sinusubukan lang kita kung hanggang saan ang pagiging mukha mong pera. Suwapang, sugapa sa limelight. Feeling mo ikaw si Mrs. Gozon o Mrs. Duavit. Grabe ang pagiging ilusyanada mo, ang pangit mo naman sa TV. Pwe, wag kang mangarap.

Wala ka respeto sa akin, mas wala ako respeto sa iyo.Ilalabas ko unti-unti ang mga baho mo. Tingnan ko lang di ba mandidiri ang mga GMA employees at mga boss sa iyo. Dapat sa iyo itali ka na dyan sa gitna ng parking lot. Nagkamali ka na ako pa ang kinakalaban mo. Di kita uurungan, wag mo ako takutin sa lawyer. Dahil maski sino iharap mo, lalabanan kita.
Malaki na talaga ang sira sa ulo ni Annabel. Masyado siya naniniwala sa sarili niya na maganda siya. Di ba kahawig nga raw niya si Mura? Sino naman ang maniniwala sa mga sinasabi niya kung sa text pa lang na ito ay marami na ang inconsistency. Sabi niya na "kapag nagbigay na siya ng pera ay wala na singilan" pero "inamin rin niya na abusada siya at maraming demands dahil malaki ang kanyang investment". Nakakahiya Ruffa, Eddie, Richard at Raymond. Sobra!

So natatakot pala siya sa mga lawyers dahil sinasabihan niya si Wilma na wag siyang takutin sa mga lawyer, walang masama kung magdemanda na si Wilma Galvante. Kung mapatunayan si Annabel na isang foul mouth ay manunumbalik ang credibilidad ng Siete sa publiko na dinungisan ni Annabel.

Wag lang mangyari ang napanood kong pelikulang banyaga na ang isang tao ay pinatay ng isang ordinaryong tao na loyal sa isang negosyo na lagi niya sinisiraan.

Ganun yung pelikulang napanood ko at grabe naman kung talagang mangyari sa totoong buhay. nakakatakot! Pero wag na wag niyo gagawin yun ha!

Ulitin ko lang na may petition to boycott Zorro para ipakita kay Annabel na hindi siya kawalan sa GMA. Layunin ng petition huminto si Annabel sa paninira sa GMA 7.

You can sign your name here http://www.thepetitionsite.com/1/boycot

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO