Monday, March 9, 2009

Pera ang Ugat ng Hiwalayang Pops Fernandez at Jomari Yllana?

Pinanood ko kagabi ang Valentines concert ng dating mag-asawa na si Pops Fernandez at Martin Nievera na Missing You at produced ng kanyang boyfriend pa noon na si Jomari Yllana sa GMA. Hindi maikakaila na malalim ang pinagsamahan nina Pops at Martin dahil makikita mo rin sa kanila ang magandang rapport at konting kilig. Iniisip ko tuloy habang pinapanood sila na hindi kaya nagselos si Jomari kay Martin habang pinapanood ang dalawa lalo na noong magbasahan sila kunyari ng "vows"nila? Kasi kung ako yung boyfriend ni Pops at makita ang ka-sweet-an nila ay makakaramdam pa rin ako ng konting selos.

Magaganda ang mga song numbers na inihain nila sa mga nanood ng concert pero parang may kulang. Hindi ko alam kung TV atmosphere lamang iyon at baka iba naman talaga kapag nasa concert ka na mismo. Para sa akin kasi ay medyo dull, pero hindi naman boring, ang stage. Kulang sa energy sina Pops at Martin kumpara sa nakita ko sa kanila noong araw kapag nanonood ako ng mga concerts nila.

As usual, heto pa rin ang comment ko kay Martin at Pops. Magaling si Martin kaso hindi ko siya masyadong magustuhan kasi sobrang OA siya madalas sa galaw at pagkanta. Hindi ko alam kung aware ba dito si Martin o kung may nakapagsabi na sa kanya. Kay Pops naman ay okay lang. Eversince naman ay hindi si Pops ang pinakamagaling na mang-aawit para sa akin dahil flat ang boses niya sa aking pandinig. Hwag kayo magalit sa akin ha kasi opinyon ko lang ito.

Pero overall, maganda ang concert.

Balikan natin si Jomari at Pops dahil after that concert ay biglaan silang naghiwalay. Siguro naman hindi iyong sweetness nina Pops at Martin sa stage ang naging dahilan.

Nagsimula bilang bulung-bulungan hanggang maging blind items ang totoong dahilan ng hiwalayang Pops at Jomari. Kahapon sa column ni Jun Nardo sa Abante ay pinangalanan na niya ang controversial showbiz sweethearts na naghiwalay dahil sa pera.

Hindi man deretsahan pero ang pagpapahiwatig diumano ni Jomari sa nawawalang pera na umabot sa milyon ang naging ugat ng tampuhan nila na humantong sa isang mapait na hiwalayan.

Si Jomari umano ang nakipaghiwalay tulad ng pakikipaghiwalay niya kina Aiko Melendez at Ara Mina. Mukhang may problema ata kay Jomari. Bakit lagi siya ang nakikipaghiwalay sa mga nobya niya? Baka mamaya marami na ang matatakot makipag-relasyon sa kanya sa takot na baka mahiwalayan.

May kulang daw o hindi mabalanse sa kita at gastos ng concert at mukhang isinisi daw ni Jomari ito kay Pops o pilit niya ito hinahanap kay Pops. Nasaktan daw si Pops dahil sa kabila ng effort niya na matulungan si Jomari ay ganun pa rin ang naging panghusga niya. Sa totoo lang daw ay maraming serbisyo na ginawa ni Pops na kung tutuusin ay ginagawa ng isang tao na dapat binabayaran. Libre na nga raw ang serbisyo niya pero mukhang pinagbibintangan pa rin daw siya.

Si Pops ang mas nasasaktan sa naganap na hiwalayan. parang nakikita ko na naman sa kanya ang pait na naranasan nina Aiko at Ara. Nakita ko rin noon na sila ang mas nahirapan nang makpaghiwalay sa kanila si Jomari.

Baka bata pa si Jomari sa larangan ng pag-ibig na pabugso-bugso ang damdamin. Nakakaloka dahil mabait naman si Pops at parang never na nagkaroon ng problema sa kanya sa usaping pera.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO