Monday, March 9, 2009

Remembering Francis Magalona

Marami ang nagulat nang ibalita ni Vic Sotto sa Eat Bulaga noong Biyernes ang maagang pagpanaw ni Francis Magalona dahil sa sakit na leukemia or cancer of the blood. Isa na ako doon sa nabigla. Hindi ko inaasahan na ganun kabilis ang kanyang kamatayan kahit anticipated ko na doon din patungo dahil mahirap talaga lunasan ang isang leukemia lalo na kung na-detect ito nang huli na. Pitong buwan lang nabuhay si Francis mula nang ma-diagnose siya sa kanyang sakit. Pitong buwan lang siya nakapaghanda bago tuluyang nagpaalam. Pero sa loob ng pitong buwan na ito, sigurado ako natanggap na niya ang kanyang kapalaran ng maluwag sa dibdib kung pagbabasehan natin ang mga blog entries na isinulat niya at mga kuwento ng kanyang mga mahal sa buhay.

Simula siguro nagkaroon ako ng malay na mayroon palang tinatawag na showbiz sa atin at maging aware sa mga kaganapan dito, isa na si Francis sa mga inidolo ko. Ang unang nagustuhan ko sa kanya ay ang kanyang baby face na sa kabila ng kanyang edad ay mukha pa rin bata. Katulad ni Francis ay meron akong mataas na level of patriotism or nationalism. Sobrang mahal ko ang aking Pilipinas at nakita ko iyan kay Kiko, palayaw ni Francis, kaya madali ko siyang nagustuhan bilang celebrity. Sobrang nabubuhay ang aking damdaming makabayan kapag napapakinggan ko ang mga kanta niya ukol sa ating bayan at makita siyang nagsusuot ng mga damit, sapatos o sombrero na may tatak ng pagka-Pilipino.

Hindi ko rin makakalimutan na minsan sa istorya ng paghanga ko kay Kiko ay medyo lumayo rin ang loob ko sa kanya dahil sa isang pangyayari na wala naman siyang kinalaman. Nabahiran kumbaga ang paghanga ko sa kanya. Bata pa kasi ako noon kaya madaling matangay ang aking damdamin sa mga nababalitaan o naririnig - tama man o hindi.

Nangyari iyon nang magkaroon kami ng educational trip sa Tagaytay, Cavite at Taal sa Batangas. Bilang isang opisyal ng Sangguniang Kabataan, nagkaroon ako ng pagkakataon na makapunta sa mga lugar na hindi ko inaasahan. Isa sa lugar na iyon ang rehabilitation center ng mga drug addicts na kung saan high profile daw ang mga dinadala. Ewan ko ba kung bakit kami napunta sa ganitong lugar at kung bakit sa ganito pa kami dinala considering na high risk daw ang pagpasok namin sa compound nila dahil anytime pwede magka-riot na madalas mangyari dahil mga tigasin daw talaga ang mga nare-rehab doon.

Isang forum ang dinaluhan namin noon sa loob ng rehabilitation center. Pili lang ang mga papasok dahil hindi raw pwede ang marami. Magsasalita daw ang mga self-confessed drug addicts na nakabawi na sa bisyo nila para mag-iwan sa amin ng aral tungkol sa kasamaan ng droga at upang ibahagi na rin daw namin sa mga kabataan nasasakupan namin bilang opisyal ng SK.

Habang binibigyan kami ng briefing sa tamang asal habang nasa kulungan at kung sakali man magkaroon ng biglaang riot, binigyan din kami ng idea o profile ng ilan nilang mga kliyente. Isa sa pangalan nga na nabanggit nila ay ang kapatid daw ni Francis na nasa loob pa that time, isang dating direktor ng mga action movies at anak ng sikat na direktor din. Nabanggit din na minsan daw ay naging client nila si Francis Magalona.

Iyon yung naging dahilan kung bakit bumaba ang aking paghanga sa singer/actor. Aaminin ko na nadala rin lang ako ng emosyon dahil bata pa nga ako that time na madaling maniwala sa mga naririnig.

Kung sakali man totoo, ang mahalaga ay nagpakita si Francis ng pakikipaglaban at nadaig niya ang masamang bangungot na ito. Ang mahalaga ay marami siyang na-inspire sa atin ngayon dahil sa kanyang abilidad sa iba't ibang larangan ng sining.

Bumalik lang ng tuluyan ang paghanga ko kay Francis dahil nalaman ko na ang kanyang magulang na sina Tita Duran at Pancho Magalona ay mga artistang sobrang hinangaan din ng aking mahal na ina noong kabataan niya. Habang marami ako kuwento kay Kiko, marami rin kuwento ang aking ina sa magulang niya.

Isa sa talagang nagpabalik ng aking paghanga kay Kiko ay ang isang episode ng Eat Bulaga. Sa abroad ko ito napanood at may segment na hinahamon ang mga hosts ng show sa mga bagay na hindi pa nila nagagawa. It's like helping the hosts move out of their comfort zones. Hindi na masyado malinaw sa akin ang segment na iyon pero ipinakita si Kiko bilang isang ama ng walo niyang anak. Ipinakita doon kung paano niya sila inaalagaan sa loob ng bahay at kung paano niya itinuring ang mga bata na parang kaibigan lamang.

That segment was so moving na nakita ko kung paano naging mabait na ama at asawa si Francis kahit sulyap lang iyan sa telebisyon. Simula noon ay sobrang hanga na ako sa kanya kaya naman noong mabalitaan ko siya last year na na-diagnose ng sakit na cancer sa dugo, bigla akong nalungkot dahil alam kong hindi madali ang sakit na ito. Isa sa naging kakilala ko ang namatay sa leukemia at batid ko ang hirap na pinagdaanan niya.

To you Francis, may you rest in peace. You will always be remembered. We love you.

NOTE: Francis Magalona would get a posthumous Presidential Medal of Merit for promoting patriotism through music, Malacañang announced on March 8. The National Commission for Culture and the Arts executive director, Cecile Guidote-Alvarez, said Mrs. Arroyo would bestow the medal on Magalona for his contributions on "patriotism". The awarding rites is awaiting confrimation.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO