PEP, Nag-sorry sa Paglalathala sa Kwento ng Away nina Richard at Michael
Nagbigay ng PEP ng isang apology letter para sa kanyang mga readers tungkol sa nai-report nilang away nina Richard Gutierrez at Michael Flores sa isang restaurant sa Pasay City. Isa ang Siete Contra Dos sa pumik-ap ng istoryang ito at nagbigay din agad ng unang reaction o judgement.
Ayon kay Jo-Ann Maglipon, ang editor-in-chief ng PEP, humihingi sila ng paumanhin dahil sa paglalathala sa isang artikulo na hindi pa nai-imbestigahan ang tunay na nangyari. Iyon lang ang naging dahilan ng lady executive.
Pero sa kanyang apology letter, hindi rin niya pinabulaanan o inamin kung sangkot nga ba sa gulong ito sina Richard at Michael. Hindi rin nila pinabulaanan o kinumpirma kung may gulo nga ba na nangyari.
Basta ang inihihingi nila ng paumanhin ay ang paglalathala sa isang nabalitaan na wala pang kaukulang imbestigasyon.
Hindi kaya ito ay isang attempt para sa isang news black-out? Totoo kaya ito sa panig ng PEP o posible lang na na-pressure sila from an outside force? May kinalaman ba dito ang GMA 7, Annabel Rama at ilan pa sa kampo ni Richard? Pero knowing Jo-Ann Maglipon, isa siyang matapang na writer at isa sa mga may crediblity sa showbizlandia.
Hopefully, makakuha tayo ng mga inside informations.
**********
Mamaya ay malalaman na natin ang unang limang artistang babae natin ang papasok sa prestigious Top 25 ng ating Search for the Goddess of Philippine TV.
Nalulungkot kami sa mga limang matatanggal dahil nakitaan rin namin ang effort ng mga fans nila para sila ay matulungan pero ganyan talaga ang laban sa isang popularity contest. Meron may mas determinado at meron naman kulang. Pero alam naman na natin na it's universal na kung sino ang mas determinado ang karaniwang nananalo.
Nagpapasalamat kami sa lahat.
Ito'y pakiusap na rin sa mga fans na nag-iiwan ng mga comments. Please let's all be civil in giving our opinions. We all agreee to disagree but please say it in a nice word. Refrain from name calling and using foul words.
Kung hindi niyo man makita ang inyong comments sa blog entry kung saan niyo sinulat, ibig sabihin ay hindi siya approved dahil sa hindi siya umaayon sa aming pakiusap.