Thursday, March 26, 2009

Ang Reaction nina Bayani Agbayani at Boyet Fajardo sa mga Isyung Kinasangkutan

SHOWBIZ NEWS FOLLOW-UPS: Nagbigay na ng pahayag ang dalawang personalities na pinag-pipiyestahan sa youtube ang mga kapalpakan na nagawa sa news program ng Dos na TV Patrol World. Si Bayani Agbayani ay nakuhanan ng video o audio habang nagmumura sa mga taong nakabangga samantala si Boyet Fajardo naman, isang fashion designer, ay nakuhanan ng CCTV habang inaalipusta ang isang cashier ng Duty Free Philippines.

Parehas na inako ng dalawa ang kanilang pagkakamali  pero may mga statements sila na hindi makakatulong para patawarin sila ng publiko, bagkus lalo lang magpapatindi ng galit nila.

Sabi ni Bayani na nagawa lang naman daw niya ang magmura dahil minura din siya ng isa sa sakay ng sasakyan na nabangga. Mismo kay Bayani nanggaling na nagsimula siyang manakot nang sabihan siya na  "sa Crame na lang dapat dinala ang kaso". 

Pero malinaw sa video na napanood namin na bago pa mag-dialogue ang lalaking kaaway ni Bayani ay matagal nang nagmumura at nanakot ang komedyante. Umako ka na rin lang Bayani, dapat hindi ka na nagsalita pa ng bagay na sa tingin mo pwede ka pang ituring na biktima. Akuin na lahat ang pagkakamali at sigurado mapapatawad ka ng lubusan ng publiko.

Sa statements naman ni Boyet, humingi siya sa cashier na nakilalang si Marvin Fernandez ng paumanhin on air pero mukhang tumagilid siya nang sabihin niya na "sana ay mapatawad na rin siya dahil parehas lang sila ng biktima ni Marvin sa isyung ito"

Naku, Boyet. Paano ka naging biktima dito? Kung sa tingin mo ay biktima ka ng galit ng publiko at ang panawagan nilang i-boycott ang iyong clothing line, sa tingin ng Siete Contra Dos ay epekto lang ito ng iyong pambibiktima. Hindi mo pwede sisihin ang publiko dahil nasaktan din sila sa ginawa mong pagtrato sa isang ordinaryong tao na sa tingin nila ay representation ng maliliit sa lipunan. Ah, kami pala iyon. Para mo na rin kasi kaming minaltrato sa ginawa mo kay Marvin.

Kaya imbes na tawagin mo na ikaw ay biktima din. Akuin mo na lang ang kasalanan ng buong-buo at matuto sa naging karanasan mong ito.

Talagang dinadamdam din ni Boyet ang galit ng publiko dahil napapaluha siya habang kinukunan ng interview. Pero mukhang idedemanda ka nga ng pamunuan ng Duty Free.

Minsan, we learn our dues the hardest way. Nakakalungkot man pero dapat may natutunan kasi tayo dahil these things make us a better person.

Sa nangyaring ito kina Bayani at Boyet (double B pala mga ito as in Bad Boys), ang aral na napulot natin dito ay tumahimik na lamang kapag alam natin na nasa height tayo ng ating emosyon. Nakakabulag ang emosyon at dahil dito nakakagawa tayo ng mga bagay na pagsisihan sa huli. Sabagay, hindi naman pwede magsisi sa umpisa.

**********
Nagbigay na rin ang pahayag ng ABS CBN tungkol sa panlalaglag sa kanila ni Manny Pacquiao. Matatandaan na inakusahan ni Manny ang Dos na siyang nagdikta ng sasabihin niya sa TV at ipinalabas ang interview kahit may usapan silang i-embargo muna ito.

Natural na pasisinungalingan ito ng Dos dahil malaking kasiraan nga naman sa pangalan nila ang statement na ito ng boxing champ. Kami rin dito sa Siete Contra Dos ay naguguluhan na rin at masyado yata namin ini-internalize ang bawat palitan ng press release.

Ayon kay Karl, mukhang may tama at laman ang naging pahayag ng ABS CBN. Depensa kasi ng Dos na ipinalabas ang interview ng Miyerkules pero hindi naringgan ng pagtutol si Manny sa mga sumunod na araw. Kinabukasan ay nagpahayag si Manny na mananatili ang pasya niya na sa Dos ipalalabas ang laban. Ganundin noong sumunod na araw (2 days after the first announcement), sinabi niya na hindi siya naapektuhan dahil may nag-aayos sa Manila sa kanyang mga problema. Dapat pa lang daw ay umalma na si Manny sa mga oras na iyon.

Ayon sa Dos, kung may nilabag sila na kasunduan kay Manny tungkol sa paglabas ng interview, bakit hindi niya sinita ang TV Patrol World o ang management about the breach?

Oo nga naman, di ba? 

Pero tulad nga ng isinulat na ng Siete Contra Dos Team sa nakaraang blog entries, pinakamalaking dagok ang ibinigay nito kay Manny kumpara sa anumang entity na nadamay. Kaya Manny, kung sakali nagbabasa ka sa aming munting blog, hwag ka na lang tumakbo pa bilang Congressman dahil mas malaki ang chance na matatalo ka. Gumawa ka na lang mg maraming foundation kung gusto mong makatulong talaga sa mga kababayan mo.  Huwag mo kami kalimutang kunin bilang staff mo kung maisipan mo nga. LOL.

**********
Napanood namin ang interview ni Laarni Lozada sa Showbiz News Ngayon mula sa head up ng isang fan. Salamat sa iyo Ms. M. Tama ang aming Pusang Gala (Ikaw yun Ms. M) na magkakaroon ng interview nga si Laarni sa SNN at naisulat na namin dito sa blog natin bago pa nai-ere sa telebisyon.

Matagal nang naipalabas ito (18 March 2009) pero narito ang transcript ng naging panayam:
Kris A : At eto isa pang nakakatense na banggaan. PDA scholar Laarni Lozada and Bugoy Drilon. Ayun sa balita nagkakairingan na daw d umano, mas marami kasi exposure si Bugoy simula pag labas nya sa PDA, gayong Grand Star Dreamer na si Laarni Lozada nag rerebelde na, ahh ohhh, usap-usapan kaklaruhin mismo ng SNN.

VOICE OVER:  Magmula noong hanggang ngayon ito pa rin daw ang intriga na status ni Laarni Lozada at Bugoy Drilon at ang issue, si Laarni nag rerebelde na raw at ayaw na mag trabaho dahil na e-insecure daw ito na mas na papaburan sa trabaho at exposure si Bugoy, akusasyon ekslusibong nilinaw ni Laarni sa SNN.
LAARNI: Sa ngayon po kasi medyo focus po muna ako sa pag aaral ko, kasi po this April ga graduate na po ako, so ang dami kong inaasikaso na graduation requirements kaya siguro konti nawala ako.

SNN : Hindi mo sinipot ang valentines concert nyo na kung saan kasama ka dapat, ano ang nangyari?

LAARNI: Nagkasakit na po ako. Noong time po na yun kasi di ba sobrang dami din namin na mga out of town shows, so sicuro di ko na nakayanan yung katawan ko bumigay.

SNN : Wala din daw katotohanan ang mga issues na may tension at inggitan sa pagitan nila.

LAARNI: Ah yung friendship namin ni Bugoy at talagang talagang hindi mawala yun.

SNN: So hindi totoo yung intriga na parang mas dahil visible ngayon si Bugoy na nag rerebelde ka at ayaw mo mag work ?

LAARNI: Naku po hindi totoo yun, alam nyp po ba na sobrang natutuwa po talaga ako dahil syempre successful po si Bugoy, kung ano po yung success nya ay para na rin success ng lahat yun.
***********
Gusto naming linawin na malaya ang lahat ng aming mambabasa na mag-submit ng article o opinyon para sa kanilang iniidolong artista. Sisikapin naming mabigyan ang mga ito ng puwang sa aming blog.

Meron din kaming panawagan, dahil medyo busy ang ilan naming mga kaibigan at dahil dalawa lang kami ni Karl na nagsusulat, bukas po kami na tumanggap ng kahit sinong interesado na maging author din dito. Magsabi lang kayo sa pamamagitan ng comment form sa ibaba ng site. Pero kung may sarili kayong blog, pwede niyo rin kami imbitahan.


Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO