Re-Introducing the Second Batch of the Second Face Off of our Search for the Goddess of Philippine TV
Tatlong Kapamilya at pitong Kapuso muli ang mga artista nating susunod na isasalang sa Second Batch ng Second Face Off/Elimination para sa Top 25 ng ating search for the Goddess of Philippine TV.
Maaga pa lamang ay ipinakikilala na namin sila upang mamarkahan na ninyo ang inyong kalendaryo. Kritikal ang nangyayaring weekly face off/elimination sa ngayon dahil mas mahigpit na ang ating botohan at dahil na rin sinasala na natin ng maayos ang mga artistang matatawag talaga nating popular hindi lang sa Pilipinas kundi na rin sa mga Filipino communities sa iba't ibang sulok ng mundo.
Magsisimula sa Lunes, 30 March 2009, sa ganap na7 pm (PST) ang botohan para sa mga sampung artistang ito. Meron lang tayong isang linggo para iligtas ang sinuman sa kanila sa posibleng eliminasyon dahil magtatapos ito sa susunod pang Lunes, 06 April 2009 sa oras na 7 PM (PST).
Ang mga artistang ito ay sina Rachelle Ann Go, Kristine Hermosa at Roxanne Guinoo para sa Kapamilya. Ang mga Kapuso naman ay sina Maricris Garcia, Kris Bernal, Glaiza de Castro, Heart Evangelista, Rich Asuncion, Francine Prieto at Carla Abellana.
Dalawa ang galing sa Batch 2 ng Unang Face Off - sina Rachelle Ann at Roxanne. Apat naman ang galing sa Batch 3 - sina Glaiza, Heart, Kris at Rich. Dalawa uli ang galing sa Batch 4 - sina Maricris at Kristine. Sina Francine at Carla naman ang galing sa Batch 5. Samantala, wala ni isa ang napili ang sa Batch 1.
Random kasi sa pamamagitan ng bunutan ang ginawa naming pagpili. Isinulat namin sa papel ang pangalan ng bawat artista, pinaghiwalay ang Kapuso at Kapamilya, saka kami bumunot ng 3 mula sa Kapamilya at 7 naman mula sa Kapuso.
Inuulit namin na bago kayo bumoto sa Poll Daddy ay siguraduhin niyo muna na makakaligtas ang mga idolo niyo sa weekly face off/elimination dito sila mahuhusgahan kung magpapatuloy sila ng laban o hindi.
Sa mga nagtatanong kung bakit dalawa ang poll natin for Goddess of Philippine TV, gusto lang namin gawin fair ang laban. Ang layunin namin ay para i-distribute ang pang-gagalingan ng mga boto at hindi concentrated lamang. Dito ay napag-aaralan namin mismo ng pahapyaw ang lawak ng fan base at behaviours ng mga taga-hanga na katulad natin.
Para naman sa mga taga-hanga ng iba pang artista na nasa Top 50 pero wala pa sa Batch 1 ng Second Face Off (Kasalukuyan nakasalang) at Batch 2 (Susunod na isasalang), dumaan lang kayo araw-araw sa blog natin para sa mga detalye.
Maraming salamat muli sa inyong lahat at Mabuhay tayo kahit lumalala ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Hangad namin na maging matiwasay pa rin ang ating pamumuhay.Magpakatatag tayo sa mga panahong ganito at hwag nating hayaan na mawalan tayo ng bait sa sarili kahit sobra na tayong naaapektuhan. Isipin lang natin na matatapos din ito, hindi man sa lalong madaling panahon pero darating din ang araw na iyon. (Para na kami nangangampanya dito, huh!)