Thursday, April 16, 2009

Richard Gutierrez, Naniniwalang May Malaking Tao na Gusto Siyang Pabagsakin

Balikan natin ang mga gulong kinasaasangkutan ng Gutierrez family lalo na ang demanda ni Richard Gutierrez sa website na PEP.

Gumana muli ang katabilan ng aming Pusang Gala dahil mayroon daw siyang naulinigan mula sa mga pag-uusap ng ilang malalaking pangalan sa Philippine showbiz.

Kaya pala daw sobra na lang ang pagpupursige ni Richard at suportado pa siya ng kanyang buong pamilya na mai-demanda ang PEP dahil malakas ang kutob nila lalo ng kanyang ina na si Annabel Rama na may isang malaki tao na nasa likod ng pagkaka-ulat na nagkaroon ng away at tutukan ng baril ni Richard sa dating TGIS hottie na si Michael Flores.
Isang grupo daw ang gustong mai-bagsak ang career ng binata ayon sa aming Pusang Gala at alam ba ninyo kung sino ang malakas na pinagdududahan ng mga Gutierrez? No other than .....Wilma Galvante. Yes it's Wilma daw na kaaway naman ni Annabel.

Ang gusto lang daw malaman ng mga Gutierrezes ay ang malaman ang pagkatao ng dalawang  taong source ng PEP na nagbalita sa kanila tungkol sa away umano. Iyon daw ang ikinagagalit nila dahil naniniwala sila na may taong nag-utos sa kanila para gawin ito laban sa binata.

Ang head nga raw ng GMA Entertainment section ang pinagdududahan nila sa ngayon at malakas daw ang kanilang pakiramdam.

Pero sa aming pananaw, mukhang malabo itong sapantahang ito dahil kung gagawin nga naman ni Wilma, siguradong siya ang magiging primary suspect dahil ongoing din ang away niya kay Annabel. Siguradong alam niyang madidiin siya dito kaya wala siguro itong katotohanan.

At hindi lang iyan, si Wilma rin ang nakipaglaban na makuha ang rights ng Zorro, pagkatapos manganib ito na hindi na maipalabas pa sa Pinas dahil sa dami ng problema noon, mabigyan lamang ng magandang palabas itong si Richard.

Pero baka nga totoo rin. O, sige abangan natin kung mabubunyag ba ito sa paglipas ng araw.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO