Thursday, April 16, 2009

GPTV Updates: Gee Ann Abraham and Rachelle Ann Go are Unbeatable

Narito na uli ang updates sa mga nangyayaring botohan sa ating site para sa araw na ito.

WEEKLY ELIMINATION: Katulad ng mga nagdaang tatlong linggo ng eliminasyon para sa Search for the Goddess of Philippine TV at sa complete list na rin ng 100 Top Female Young Stars of the Philippines, malinaw na may malakas na leader na naman sa pang-apat na batch na kasalukuyang nakasalang sa ngayon sa katauhan ni Gee Ann Abraham.

Simula pa noong unang araw ng eliminasyon ngayon linggo, si Gee Ann na ang naguna. Malayo na ang kanyang agwat sa pumapangalawa sa kanya na isa pang Kapamilya actress na si Angel Locsin. Si Gee Ann ay may 11,812 votes habang si Angel naman ay wala pa sa kalahati sa botong 3,688.

Ang dalawang dalagang nabanggit ay ang mga tanging representatives ng Dos sa linggong ito. Ang nasa pangatlo hanggang pangsampung pwesto ay puro mga Kapuso talents na.

Sina Jennica Garcia, Maxene Magalona at Nadine Samonte ang tatlo pang nasa Top 5 samantala ang mga nasa Lower 5 na nanganganib matanggal ay sina Julia Clarete, Carlene Aguilar, Aicelle Santos, Yasmin Kurdi at Nikki Leona Dacullo.

Magtatapos ang botohan na ito sa Lunes, 20 April 2009.

POLL DADDY: At para naman sa separate poll kung saan manggagaling ang 15% sa final scores ng sinuman ang mapalad na makapasok sa Final Top 10, nangunguna pa rin dito si Rachelle Ann Go sa botong 665,769.

Nasa pangalawa at pangatlong pwesto naman sina Laarni Lozada at Marian Rivera na may mga botong 564,604 at 382,778 ayon sa pagkasunod-sunod.

Ang mga pito pang nasa unofficial Top 10 ay sina Jewel Mische (348,468); Jennylyn Mercado (113,931); Jonalyn Viray (110,690); Toni Gonzaga (109,355); Gee Ann Abraham (98,029); Jackie Rice (93,406); at Iza Calzado (89,683).

Ang mga wala sa Top 10 pero anytime ay pwedeng makapasok ay sina (in no particular order) Aicelle Santos, Lovi Poe, Jennica Garcia, Shaina Magdayao, Sarah Geronimo at Angel Locsin.

Kung hindi nabanggit ang pangalan ng inyong idolo, ibig sabihin na malayo pa kanilang hahabulin.

Magtatapos ang ating 15% poll sa 29 April 2009, sa araw na ilulunsad ang race to Final Top 10 ng magiging Top 25.

ANNOUNCEMENT: Uulitin namin na magkakaroon ng extension ang  elimination ng Batch 3 ng 10 hours mula 7pm hanggang 5am (Philippine time) sa 28-29 April 2009.

Gagawin natin ito dahil nagsara ang ating botohan ilang oras bago sa nakatakdang deadline.

Hinihiling namin ang mga fans nina Marian Rivera, Toni Gonzaga, Erich Gonzales, Maja Salvador, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Jewel Mische, Ryza Cenon at Ehra Madrigal na piliting isalba ang inyong mga idols sa Top 5 upang makapasok sila sa Top 25.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO