Tuesday, April 14, 2009

Nangangamoy Gimik ang Pag-amin ni Aubrey Miles sa Kanyang Anak

Ang pag-amin ni Aubrey Miles sa matagal niyang lihim ang naisip niyang pinakamabuting paraan para manumbalik ang matamlay na niyang career pagkatapos manganak sa unang baby nila ng hunk na si Troy Montero. Ang tanong, makakatulong kaya ito?

Nangangamoy gimik ang pag-amin ng magandang sexy actress na nagkaroon siya ng anak bago pa siya inilunsad na sexy star ng Regal Films. Totoong nagkaroon siya ng anak sa isang starlet na kasamahan niya dati sa Best Friends na pumalit sa That's Entertainment ni Kuya German Moreno. Ang ama ng bata ay si JP Obligacion. Inamin mismo ito ni Aubrey sa beteranong host na si Boy Abunda.

Karamihan na sa showbiz ay alam ang sekretong ito bago pa man nagkaroon noon ng sagutan sa ere sina Aubrey at Cristy Fermin. Naalala pa namin kung paano umiyak at dumepensa si Aubrey kapag tinitira siya ni Cristy sa mga shows nito at columns sa mga tabloids. Deretsang pinabulaanan ito ng dalaga.

Pero hindi namin masisisi si Aubrey dahil gusto niyang alagaan ang kanyang career noong mga panahong iyon. Dito nga naman siya kumukuha ng pera para mabuhay ang anak na lalake na ngayon ay 8 years old na. Pero hindi rin namin, gino-glorify ang ginawa ni Cristy. Masyado kasing agresibo noon ang kolumnista at wala naman siyang dahilan para ibunyag ang lihim ng actress.

May karapatan si Aubrey kung ano ang gusto niyang ilihim lalo na at wala naman siyang inapakang tao sa panahong iyon. Kagustuhan naman ng lahat ng partidong sangkot ang kanyang ginawang denial kaya wala tayo sa posisyon na nakawan siya ng bagay na ayaw niyang maisa-publiko. Ito ang hindi naunawaan noon ni Cristy.

Pero ang malaking katanungan ay makakatulong ba ang pag-amin na ito ni Aubrey para bumango muli ang kanyang pangalan? Kakamuhian ba siya ng mga fans na naniwala noon sa kanya. Isipin kaya ng mga fans na sila ay naloko?

Sinabi ni Boy na si Aubrey mismo ang tumawag sa kanya upang ipaalam na sa publiko ang matagal na niyang lihim. Pagkukusa daw ito ng dalaga na naging representative ng Pilipinas sa first edition ng Amazing Race Asia.

Pero bago pa lumabas ang balitang ito, usap-usapan na rin sa showbiz ang kanyang pagbabalik-telebisyon at pelikula. Marahil lumabas ito para magkaroon ng ingay ang kanyang muling pagpasok sa showbiz.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO