Kinakalaban ni Richard Gutierrez ang Siete
Kalat na ang nangyaring pagsampa ni Richard Gutierrez ng kasong libelo sa mga staff ng PEP na ayon sa kanya ay sumisira sa reputasyon niyang matagal na niyang inaalagaan. Tumataginting na 25 milyon pesos ang hinihinging damages sa korte. Ang mga kasama sa demanda ay sina editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon, managing editor na si Karen Pagsolingan at ang writer na nagsulat ng balita na si Ferdinand Godinez.
Sari-saring reaction ng publiko ang natanggap namin dahil sa laki ng kabayaran na hinihingi ni Richard. It's a common notion kasi na masasalamin ang pagpapahalaga o tingin ng isang nagdedemanda sa kanyang sarili sa halaga ng perang hinihingi sa kinasuhan.
OA, as in over-acting, at over-kill daw masyadong itong si Richard, ayon sa isang kaibigan. Masyado mataas ang tingin sa sarili dahil dalawang oras lang naman daw ang itinagal ng write up sa website ng PEP. Isa pa ay nag-apologize naman ang EIC na si Jo-Ann at nakalagay ito sa PEP mismo ng halos dalawang linggo. Hindi lang iyan, nagpatawag pa ng press conference si Jo-Ann para humingi ng paumanhin. Ayon pa sa kanya, sakali man na manalo si Richard, siguradong hindi raw ibibigay ng korte ang halagang hinihingi kundi bababaan pa ito.
Iba naman ang pananaw ng isa naming nakausap, business is business still for the Gutierrez family daw. Sa panahon ng krisis, napakagandang paraan nga raw para pagkakitaan ang demandang ito. Kung payagan nga naman ng korte na magbayad ang PEP ng 25 M kung sakaling matalo sila, Richard will be laughing his ass to the bank. Dagdag pa niya na kailangan daw malaki ang hingin ng aktor para kung sakaling matalo ang kanyang inang si Annabel Rama sa 7 million suit ni Wilma Galvante, meron sila pambayad and at the same time ay may kita pa rin. Idinahilan ng aking kausap na valid ang kanyang iniisip dahil nagpasabi raw ang Gutierrez family na sarado sila sa amicable settlement.
Karapatan ni Richard ang magdemanda kung sa tingin niya ay imbento ang nasulat tungkol sa kanya pero naniniwala rin kami dito sa Siete Contra Dos na OA ang amount na hinihingi sa korte. Hindi naman apektado ang endorsements ni Richard at mga shows niya dahil nag-apologize naman agad ang PEP.
Naiintindihan din namin ang side ng PEP na hindi sila agad-agad pwedeng mag-retract tulad ng gustong mangyari ng mga Gutierrezes dahil meron silang dalawang sources. Ayon kay Jo-Ann, kailangan nilang imbestigahan muna ang mga sources nila at ang pangyayari. Kapag napatunayan nilang wala ngang naganap na engkuwentro doon lang sila pwede mag-retract. Malinaw iyan.
Pero alam ba ninyo na dahil sa pagsasampa ni Richard ng demandang ito, mismong bread and butter niya ang kanyang kinakalaban. Tama, kinakalaban ni Richard ang kumpanyang pinagkukuhanan niya ng pera. Ang PEP kasi ay pagmamay-ari rin ng GMA Network kung saan talent ang binata. Co-owner ang istasyon kasama ang Summit Publishing Company.
Like mother, like son. Totoo na naman ang matagal ng kasabihang ito. Habang abala si Annabel sa pang-aaway sa lady boss ng GMA, inumpisahan na rin ni Richard ang laban sa PEP. Saan ito hahantong?