Monday, April 13, 2009

Roger Federer, Ikinasal na

Kung kayo ay isa sa mga lubos na humahanga sa World's Number 2 tennis player na si Roger Federer ng Switzerland at umaasang magkakaroon kayo ng fairytale romance sa kanya, mabigyan lang kayo ng pagkakataon na makilala ang isa't isa, payo lang namin na itigil niyo na ang pagbasa sa blog entry na ito.

One last warning, kung magpatuloy ka sa pagbasa sigurado akong magiging heartbroken ka.

At bakit? Dahil ang dating number 1 tennis player sa mundo ay ikinasal na sa kanyang kasintahan na si Mirka Vavrenic sa kanyang hometown sa Basel, Switzerland.

Ipinahayag ito mismo ni Federer sa kanyang website at idinagdag pa niya na magsisilang si Vavrenic, dating Top 100 tennis player na nakilala niya sa Sydney, Australia noong 2002, sa susunod na summer.

At kung iniisip ninyong may honeymoon agad na magaganap ay mukhang hindi ito yata ang inakala ni Vavrenic dahil kailangan ipagpaliban muna ito ng bagong mag-asawa upang maagaw uli ni Federer ang number one spot mula kay Spain's Rafael Nadal.

Kasalukuyang nasa Monte Carlo si Federer para mag-ensayo agad sa nalalapit na Monte Carlo Rolex Master tournament. Business is business after the wedding.

Narito ang announcement ni Federer sa kanyang official website:
"Dear fans,

Earlier today, in my hometown of Basle, surrounded by a small group of close friends and family, Mirka and I got married. It was a beautiful spring day and an incredibly joyous occasion.

Mr and Mrs Roger Federer wish all of you a happy Easter weekend."

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO