Bakit ayaw mag-retract ang PEP sa nalathala na kwento ng away nina Richard at Michael?
Kung nahaharap sa isang demanda si Annabel Rama mula kay Wilma Galvante, mukhang this time ay turn naman ni Bisaya ang magdemanda.
Nope, posibleng mali kayo ang iniisip. Ang demanda ni Annabel ay hindi kontra demanda kundi para ito sa writer ng PEP na nagsulat ng away umano nina Richard Gutierrez at Michael Flores.
We are right in our observation when we were reading the apology letter of PEP coming from the editor-in-chief, Ms. Jo-Ann Maglipon. We mentioned here that PEP never retracted their story. Maglipon issued apology JUST for publishing the said article without investigating completely of the leads they have received from their sources.
Hindi nila kinumpirma o pinabulaanan kung may nangyari nga na away at tutukan ng baril.
Ito ngayon ang ikinagagalit ng ina ni Richard kaya itutuloy nila umano ang demanda laban sa writer ng PEP. Hindi pa rin daw sila masaya sa naging public apology.
Pero sa ipinatawag na press conference ng PEP kahapon ng hapon, pagkatapos nilang humingi ng paumanhin sa mga taong involved katulad nina Richard nga at ang kanyang pamilya, Michael, Leo Martinez, Epi Quizon at ang PEP readers, ipinagdiinan nila na ang dahilan daw ng pagkaka-publish ng article ay "inadvertent uploading".
Ano ba ang ibig sabihin nito? Na-publish nila ang article ng hindi sinasadya dahil sa kapabayaan nila. Mag-explain daw, huh? LOL. To give you an idea, posibleng nagawa na kasi ang umpisa o first paragraphs ng article na iyon at ie-edit na lang sana kapag mayroon ng confirmation o kapag tapos na ang imbestigasyon para mai-publish na agad.. Maaring na save na ito sa file nila at isang pindot na lang ay lalabas na sa homepage ng site. Ang posibleng nangyari ay nang maglabas na sana ang PEP ng bagong article sa oras na iyon, posibleng ang entry na ito ay ang katabi ng article tungkol kay Richard pero dahil sa kapabayaan, iyon na nga ang napindot.Voila! Huh, ang hirap din mag-explain!
Wala pa rin daw retraction from PEP's side dahil hindi pa raw nila nakakausap ang lahat ng mga taong sangkot. Hinihintay pa rin nila na humarap ang mga witnesses or sources kung kinakailangan. Hindi pa rin daw masasabi ni Ms. Maglipon kung imbento ang istorya o hindi.
Ayon pa sa lady editor, naudlot ang imbestigasyon dahil sa nangyari. Naninindigan sila na hindi sila naglalabas ng isang istorya na walang source. Naniniwala din daw sila sa mga sources nila o Pusang Gala dahil wala naman daw silang dahilan para siraan si Richard.
Nilinaw din niya na hindi sila nagbigay ng public apology dahil natatakot sila sa pagka-amasona ni Annabel. Knowing Jo-Ann Maglipon, siguradong palaban din siya basta alam niya na tama siya.
Kaya abangan na lang natin ito. Mukhang marami yata ang demandahan ngayon huh.