Wednesday, April 1, 2009

Wilma Galvante Suportado ng GMA 7 sa Demanda niya Kay Annabel Rama?


Mukhang dalawang malalaking balita lang ang nagpapalitan umeksena sa ating showbiz sa mga nakaraan na araw. Humupa ang away nina Annabel Rama at Wilma Galvante at pumasok naman ang isyu kay Manny Pacquiao. Ngayon na nanahimik na rin pansamantala ang gulo na kinakasangkutan  ni Manny, muli yatang mabubuhay ang Annabel-Wilma dahil sa pagdedemanda ng huli sa una sa halagang 7 milyon na siya rin numero ng kanilang istasyon.

Matagal na rin namin narinig dito sa Siete Contra Dos ang balak nga ni Wilma na magdemanda laban kay Annabel pero hindi namin inakala na itinuloy pala ito ng lady executive noong March 17 habang nasa kasagsagan ang balita.

Pero kung sa tingin ninyo ay ito rin ang unang beses na inyong marinig ang balitang ito, sa totoo lang ay binigyan na tayo ng presidente ng GMA 7 na si Atty. Felipe Gozon ng idea na magdedemanda nga si Wilma.

Matatandaan na noong ihayag ng top honcho ng Kapuso na mananatili si JC de Vera sa kanila, nakalahad sa press release ng istasyon na sinabihan niya si Annabel na kung magdemanda si Wilma laban sa kanya ay walang magagawa ang GMA at si Atty Gozon tungkol dito. Sinabi rin niya na hindi niya mapipigilan si Wilma kung sakali man gawin nga niya ito dahil karapatan daw ng head ng entertainment section ng Siete.

Kung naalala niyo pa rin, pagkatapos mag-usap sina Annabel at Atty. Gozon tungkol sa contract ni JC ay nagpulong lahat ang mga executives ng GMA 7 at ito nga raw ang isa sa naging agenda.

Gumana ang makating dila ng aming Pusang Gala. Ayon sa kanya, suportado daw talaga ng network ang ginawa na paghahain ni Wilma ng demanda. Isa raw ito sa mga hakbang nila para sa damage control sa nangyaring negative implications sa publiko ng ginawa ni Annabel. Aminado daw sila na naging masama ang image ng network dahil sa naging akusasyon ni Annabel.

Pero sa tingin namin, lalo lang magngingitngit sa galit si Annabel dahil na rin sa kanyang ugali. Ayaw na ayaw niya kapag tingin niya ay kinakalaban siya o kapag natatalo siya. Well, what do we expect from a person with a behaviour like Annabel?

Wish lang namin na matuto dito si Annabel pero we doubt.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO