Tuesday, March 31, 2009

Jessa Zaragosa, Sobra na ang Pang-iinsulto sa Kanya

SHOWBIZ TIDBITS: Wala daw gulo na namagitan kina Richard Gutierrez at Michael Flores sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes.

Pinabulaanan ito mismo ni Michael Flores sa interview niya sa TV. Nagsalita rin sina Ruffa Gutierrez, kapatid ni Richard, at si Mark nga na walang insidente katulad ng nai-ulat sa PEP.

Ayon kay Ruffa, nag-iiyak daw si Richard sa kanyang ina dahil sa masamang balitang ito.  Another JC de Vera? Bakit puro nag-iiyakan ang mga talent ni Annabel, huh?

Balak daw ng pamilya Gutierrez na magdemanda sa PEP. Nakakatawa ang iba't ibang reaksiyon ng mga tao sa nagbabadyang demandahan na ito.

**********
Bakit kaya sobrang overacting itong si Ruffa Mae Quinto kapag napag-uusapan ang pagkaka-ugnay niya sa pangalan ni Hayden Kho? Hindi kaya guilty siya at defense mechanism niya na maggalit-galitan para siya ay lubuyan na ng mga tao sa pagtatanong tungkol sa isyung ito?

Aminin niyo na minsan ganyan tayo. Kapag ayaw na natin sila na ungkatin tayo ay magpapakita tayo kunyari ng konting pangil para mahiya o matakot na silang magtanong.

Kaugnay nito, hindi pa rin daw mapatawad ni Ruffa Mae ang kasamahan niya sa Showbiz Central na si Mo Twister na nagbantang magre-resign kung hindi na happy ang komedyana sa kanyang presence sa show nila. Nagkasama at nagkita na sila sa SC noong Linggo pero civil lang daw sila.

**********
Dahil nabanggit na rin lang natin si Ruffa Mae, connect na rin natin siya kay Jessa Zaragosa at Dingdong Avanzado.

Nasa hot seat din ngayon si Jessa dahil sa naging pahayag ng manager ni Rachel Alejandro against kay Jessa. Sinabi nito na tigilan na raw ni Jessa ang panggagamit kay Rachel para lang sa publicity. 

Nai-ulat kasi na nasasaktan daw at hindi comfortable si Jessa kay Rachel nang magkaroon ng concert ang husband niya na si Dingdong at sa ex-flame niya na si Rachel. Sabi daw ni Jessa na may special bond daw sina Dingdong at Rachel na pati siya ay hindi niya alam.

Sobrang pambabatikos at pang-iinsulto ang natatanggap ni Jessa mula sa mga nagre-react sa mga discussion boards and forums.

Sa totoo lang ay naawa rin ako kay Jessa. bugbog na bugbog na siya sa mga panlalait. Ang mali  niya siguro ay ang lagi niyang pagpapa-interview at pagre-react sa mga itinatanong sa kanya. Dahil dito ay napagbibintangan siyang matakaw sa publicity. Dahil sa mga reaction niya, ang tingin sa kanya ng publiko ay siya ang aggresive at hindi underdog. Ito ang posibleng dahilan kung bakit wala sa kanya ang simpatiya ng mga tao.

Pero wala naman masama kay Jessa kung makaramdam siya ng pagseselos. Tao lang naman siya pero dapat matutunan din niya na may mga bagay na sinasabi sa publiko at may mga bagay din na hindi na dapat nalalaman pa ng lahat.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO