Saturday, March 28, 2009

JC Tiuseco is Still In Love With his Lawyer Girlfriend, Hindi Totoo ang Nabalitang Cool Off

Marami ang natuwa na mga kababaihan or at least mga nagpapantasya kay JC Tiuseco, ang unang winner ng Survivor Philippines, nang mabalitaan sa mga showbiz talkshows ang kanyang pag-amin na nasa cool off stage sila ng kanyang abogadang kasintahan na si Alu. Nakita natin si Alu sa telebisyon nang siya ang maging bisita ni JC sa isang challenge sa ginanap na first season ng Survivor Philippines.

Pero iba ang nasagap naming balita mula sa aming Pusang Gala dahil hindi raw totoo na nasa cool off stage sina JC at Alu. Very much in love ang description niya sa dalawa at ang announcement ni JC na iyon ay isang career move lamang na madalas namang mangyari sa mga baguhan sa showbiz na meron determinasyon na makilala ng lubusan.

Hindi mahirap paniwalaan ang aming Pusang Gala dahil sa nakita nating footage sa Survivor Philippines, sobra ang affection na ipinakita nina JC at Alu. Kung maalala ninyo, may isang eksena sa Koh Tarutao na bigla na lamang sumulat si JC malapit sa tree mail para sa girlfriend pagkatapos ng mahabang araw na hindi nakikita ang mga mahal sa buhay. In fact, ang una nga na pumasok sa isip namin that time ay talagang mahal na mahal ng binata si Alu dahil siya ang sinulatan at hindi ang pamilya nito.

Ngayon na marami ang kinikilig kay JC na mga kababaihan, mahihirapan nga naman i-build up siya ng isang loveteam with any actress kung ang alam ng publiko ay may ibang minamahal talaga itong si JC. At dahil matindi ang pagnanais ng binata na makilala sa showbiz, kailangan niyang magsakripisyo at ito nga iyong palabasin na wala na sila ng kanyang girlfriend at malaya na uli siyang umibig sa ibang babae.

Pwedeng-pwede kasing gawing isang matinee idol ang unang Sole Survivor at kahit paano ay mayroon na rin siyang fan base na mga kababaihan. Sayang nga naman kung hindi ito ma-exploit ng maayos.

Sitsit ng aming aming Pusang Gala, madalas magkita sina Alu at JC, palihim nga lamang tulad na rin ng naipangako nila sa isa't isa at sa utos na rin ng mga namamahala sa career ng dating basketball player na iniwanan ang hardcourt para sa limelight ng camera.

*******
Lalo pa yata iinit ang usapang Manny Pacquiao at ABS CBN-Solar Sports-GMA dahil sa naging pahayag ng dalawang sangkot sa isyu ngayon-ngayon lamang - si Manny mismo at si Gabby Lopez na may-ari ng Dos.

Pinaninindigan ni Gabby na si Pacquiao ang lumapit sa kanila upang ilipat sana ang coverage ng laban niya kay Ricky Hatton.

Samantala, nabanggit na nga ang pangalan ni Dyan Castillejos na siyang naging daan umano ng ABS CBN upang makumbinsi si Manny na lumipat sa kanila. Nabanggit nga namin ang anggulong ito sa blog entry naming ito.

Pinaninindigan din ni Manny na ang ABS CBN ang siyang unang lumapit sa kanya upang kumbinsihin siya sa pamamagitan nga ng pagbubulong daw ni Dyan sa kanya. Matigas pa rin siya sa pagsasabi na ang naging pahayag niya sa TV Patrol ay ginawa lang ng mga abogado ng Dos.

Asahan natin na isang araw ay magsasalita si Dyan on air at inaasahan ko rin na pabor ito sa Dos dahil ito nga naman ang kanyang bread and butter.

In fairness, tulad ng nabanggit ng aming Pusang Gala dito, lumalabas na unti-unti ang kanyang sinabi dahil naibalita na rin na binalak nga ng ABS CBN at si Manny na i-buy out ang kontrata ng boksingero sa Solar Sports kung papayag dito ang Solar mismo.

Sa totoo lang, kami na mismo dito sa Siete Contra Dos ang nababahala para kay Manny. Ayaw namin na makita siya na tinatalo ni Hatton sa lona pagdating ng May 2 dahil isang karangalan pa rin kung maipanalo ni Manny ang laban na ito. Pero dahil sa mental at emotional distress na nangyayari sa boksingero, naiisip tuloy namin na posibleng matalo siya. Tulad ng sinabi namin noon sa una naming entry tungkol sa isyung ito, baka magaya siya kay Erik Morales na sumampa ng boxing arena habang gulong-gulo ang isip, kaya siya natalo kay Pacquiao.

Ipagdasal na lang natin si Manny na sana ay ma-overcome niya ang lahat ng ito.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO