Annabel Rama, Vindicated Dahil sa Tagumpay ng Zorro?
Noong kasagsagan ng pang-aaway ni Annabel Rama sa lady boss ng GMA 7 na si Wilma Galvante, sobrang galit ng mga fans sa nanay ni Richard Gutierrez na talaga namang binanatan sila sa mga forums o internet. Of course, hindi na excluded dyan ang Siete Contra Dos dahil naniniwala kami na wala na sa lugar ang pagiging maldita ni Annabel dahil ang pangit ng impression talaga ng away nila lalo na sa mga bata na nanonood.
Dala ng damdamin ay marami ang nanawagan na bitawan na lang ng GMA si Annabel at hayaan na ilipat ang kanyang mga alaga sa ibang istasyon. Dahil naniniwala ang publiko na lumaki ang ulo ni Annabel sanhi ng kasikatan ng anak na si Richard, may ilan din nagtangkang mangampanya upang i-boycott ang launching ng bagong show ni Richard na Zorro.
Isang linggo ng ipinapalabas ang teleserye at mukhang hindi nangyari ang gusto ng ilan na i-boycott ito. Mataas ang rating ng Zorro lalo na sa Kamaynilaan na sukatan ng mga advertisers. Vindicated si Annabel na kahit anong gawin niya ay panonoorin ng tao si Richard.
Sigurado kami na malutong na malutong ang tawa ng asawa ni Eddie Gutierrez dahil pakiramdam niya ay siya ang nagwagi.
Ano na nga pala ang nangyari sa petition, Karl Zada, na iyong natagpuan at ibinalita pa rito sa Siete Contra Dos?
**********
Buong akala ko ay magpapatuloy ang drama ng Dos na sila ang underdog sa isyung lipatan ng network para sa coverage ng laban ni Manny Pacquiao at Ricky Hatton. Okay na sana dahil nakukuha nila ang simpatiya ng mas nakararami kaso lang pumiyok ang may-ari ng istasyon.
Naipalabas sa TV ang sinabi ni Gabby Lopez na tahasang pinangalanan ang kalaban na GMA 7. Sinabi ni Gabby na for "obvious reason ay mas malaki, malawak o malayo ang coverage ng Dos contra Siete".
Never ever rubbish the opposition! Gawin mo man, kailangan discreet at hwag magpahalata.
Pero sa sinabi ni Gabby, ang tono tuloy niya ay nagmamayabang. Tuloy hindi na sila ang underdog. Alam naman natin na mas kinakampihan pa rin o mas nagugustuhan ng mga tao kung sino ang underdog sa isang away o kontrobersiya.
Nabanggit pa ni Gabby na what they did to treat the issue were all ethical pero sumablay siya ng tahasang "siraan" ang GMA sa pag-i-insinuate na second rate, trying hard copycat lamang sila.
Agree ba kayo?
**********
Kung nadurog ang puso namin dito sa Siete Contra Dos sa nabalitaan namin na pang-iisnab ni Manny sa ipinangakong interview kay Dyan Castillejos, mukhang umiba ang ihip ng hangin nang malaman namin na hindi pala tumupad si Dyan sa napagkasunduan nila ng kampo ng controversial na boksingero.
Sinabihan na pala si Dyan na hwag muna kukunan ng interview si Manny pero sumugod pa rin ang lady host. Halimbawa na naman ito ng sinasabi namin na aggresiveness. Kaya pala ganun ang dialogue ng mga escorts ni Manny habang itinataboy si Dyan. "This can't be. This can't be!"
Ngayon naman ay tuluyan ng inilaglag ni Manny na parang bomba ang pangalan ni Dyan na siyang instrumental umano upang ipaalam sa kanya ang balak ng Dos na interesado silang kunin muli ang coverage ng laban nito.
Kaya hwag na tayo magtaka kung simula ngayon ay hinding-hindi na makakalapit pa si Dyan sa boksingero. Sigurado kami dito sa Siete Contra Dos na malayo pa lang si Dyan ay maamoy na siya ng mga escorts at tumutunog na ang mga alarm nila.
**********
Malapit na rin magsimula ang Pinoy Big Brother. Meron na naman tayong aabangan gabi-gabi tungkol sa drama ng totoong buhay. Pero nalulungkot lang ako sa nangyayari dahil umiiba na ito sa original na concept ng Big Brother. Ang Pinoy version ay nagiging talent search na siya para sa mga nangangarap makapasok sa showbiz.
At sana naman, Big brother, next time, gawin mo naman na challenging ang mga tasks na ipinapagawa mo sa mga housemates at hindi na lang basta-bastang tasks. Naku, ayaw ko na makakita pa ng task kung paano isasalba ang mga sinindihang kandila mula sa ihip ng electric fan. Ilan lang yan sa mga walang kabuluhan na task para sa akin.