Sunday, March 29, 2009

Remembering Rico Yan

Ngayong araw na ito ang death anniversary ni Rico Yan. Siguro naman ay kilala pa ninyo ang aktor dahil 2002 lamang noong siya ay bawian ng buhay sanhi ng bangungot. Nagulat ang mundo ng showbiz noon dahil Semana Santa nang mangyari iyon. Walang mga mabibigat na balita. Tahimik ang lahat ng mga tao. Saksi ako nang marami ang napaluha na mga taga-hanga.

Nagbabakasyon sa Dos Palmas Resort sa Palawan si Rico Yan nang mangyari iyon. Kasama niya ang mga kaibigan na sina Dominic Ochoa at Jana Victoria. Malakas ang hilik ni Rico nang gabing iyon at ayon kay Dominic hindi na raw nila ginising pa ito dahil snorer talaga ang binata. Nagulat na lamang sila nang hindi na ito magising kinabukasan.

Sa kanyang pagkamatay ay maraming intriga ang naglabasan. Sinasabi na namatay si Rico dahil sa sobrang sakit ng loob sa break up nila ni Claudine Barreto. Third party daw ang naging ugat ng kanilang  hiwalayan at ang lalaking iyon nga ay si Raymart Santiago na asawa na ngayon ni Claudine.

Nang mamatay si Rico, magkasama naman sina Claudine at Raymart sa isang beach sa Subic kaya naniwala ang mga tao na iniwan nga ng aktres si Rico para kay Raymart.

Lumitaw din ang anggulong gumagamit ng bawal na gamot si Rico at overdose ang naging sanhi ng kanyang kamatayan. Ikinasakit ng loob ng pamilya ni Rico ang tsismis na ito. Noong panahong iyon ay isa kasi si Rico sa mga spokepersons against drug. Kumbaga, isa siyang halimbawa sa mga kabataan.

Marso 29 ang eksaktong araw ng pagkamatay ng aktor. Naalala ko na Pebrero ng taong ding iyon, isang buwan ng mas maaga, naipalabas pa ang huling pelikulang pinagtambalan nila ni Claudine, ang Got 2 Believe. Paniwalang-paniwala ang publiko na super in-love pa noon ang dalawa pero hiwalay na pala sila that time.

Sa pagkamatay ni Rico, nabuhay din network war. Sobrang taas noon ang ratings ng MTB kung saan host ang binata na nakilala sa kanyang dimple. Ilang araw din sa MTB na si Rico ang inaalalayan ng kanta. At dahil doon, maraming araw sa loob ng isang lingo na natalo ng MTB ang katapat na Eat Bulaga.

Nagkaroon din ng tension nang gawin ng Dos na exclusive ang coverage ng wake at funeral ni Rico. Nagpamigay pa sila ng mga ticket upang malimatahan ang mga tao na gustong makita ang kanyang mga labi. Hindi sila nagpapasok ng mga mga taga-Siete.

Isa sa mga kuwento noon tungkol kay Rico ang nagpaiyak sa amin ay ang salaysay ng isang lola na kanyang natulungan. Nakita daw siya ng aktor sa kalsada habang nagbebenta ng sigarilyo at candy isang gabi. Tinanong daw siya kung ano ang ginagawa niya at sumagot ang lola na para sa mga apo niya ang kanyang ginagawa. Sabi daw ni Rico na hintayin siya at hwag umalis. Iniabot ni Rico ang isang supot sa matanda at saka umalis.  Nang buksan ng lola ang ibinigay sa kanya ay napagtanto niya na 10,000 pesos ang laman nito.

Kami rin ay may munting encounter sa aktor. Limang buwan siguro bago siya namatay ay nagkaroon ng segment ang MTB sa isang probinsiya sa norte. Isa si Rico sa mga hosts kasama sina Dominic at Marvin Agustin. Ang grupo namin ang umasikaso sa kanila dahil live din na napanood sa MTB Manila ang kanilang sayaw. 

Habang naghihintay kami sa live feed ng sayaw nila at habang inaasikaso namin sila, si Rico lang ang nagpakita ng pagiging humble o pagpapakumbaba. Habang tahimik ang mga kasamahan niya, si Rico ay abala na lumalapit sa kahit sino sa production at nakikipag-kamay habang naka-plaster sa kanyang mukhang ang kanyang signature smile at dimples. Nakuha rin nitong makipag-kuwentuhan kahit mabilis lamang.

Namatay si Rico sa edad ng 27.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO