Sunday, March 29, 2009

Away nina Richard Gutierrez at Michael Flores,Sino ang Bumunot ng Baril?

Muli na namang nasa gitna ng kontrobersiya ang Gutierrez family ng Philippine showbiz dahil sa kakalabas lang na balita na away nina Richard Gutierrez at isa sa dating miyembro ng TGIS na tinilian ko rin noong araw. Si Michael Flores na ngayon ay asawa na ng beauty queen na si Nina Ricci Alagao ay nagkaroon daw ng komprotnasyon sa lead star ng Zorro na si Richard sa parking lot ng Oceana Restaurant na matatagpuan sa Seaside Boulevard sa Pasay City.

Ayon sa report ng PEP, nangyari ang insidente kaninang hatinggabi, 29 March 2009, habang papauwi na ang mga kasangkot mula sa birthday party ng GMA 7 in-house director na si Mark Reyes.

Hindi pa masyado malinaw kung ano ang tunay na nangyari pero ayon sa ulat ay nagkaroon ng palitan ng masasamang salita. Nadamay din daw ang presensiya ng isang baril pero wala pa nakakaalam kung sino sa dalawang artista ang may dala nito.

Si Epi Quizon ay napabalita rin na kasangkot sa dramang ito.

Well, ano pa ba ang masasabi ng Siete Contra Dos kundi mapabuntong-hininga na lamang. Kahit hindi pa malinaw kung kanino nagmula ang away pero bilang unang reaksiyon ay nakaka-umay ang palagi na lang pagkakadawit sa mga ganitong away si Richard.

Mawalang galang na sa mga taga-hanga ng aktor at sa ina niya pero hindi namin mapigilan ang aming sarili sa aming komento. Anak nga ni Annabel Rama si Richard! Walang duda.

Tatlong beses nang nabalitaan ang away na ganito kung saan kasama si Richard. Hindi pa kasali dyan yung mga maliliit na away na naging laman  ng mga blind items.

Kung tama ang aking memorya, 2 years ago, ay nambugbog si Richard sa The Fort ng dalawang lalaki sa bar kung saan ginanap ang kanyang birthday party. Tapos noong nakaraang taon ay nabalitaan din natin ang paniniko niya kay Aljur Abrenica sa isang bar naman sa Makati. Kailan naman kaya sa Pasig, Mandaluyong o Quezon City, huh? Mukhang nililibot na ata ni Richard ang mga siyudad sa Kamaynilaan.

Ang simpatiya ng Siete Contra Dos sa ngayon ay nasa  panig ni Michael Flores (Well, pwede magbago ito kung malaman na namin ang tunay na dahilan.) Paanong hindi namin isipin na posibleng kay Richard nagsimula ang gulo, eh, may pattern na tayong nakikita. Sabihin natin na walang kasalanan si Richard, eh, bakit tatlo ng away ang sangkot siya? Kasalanan man ng binata o hindi, ang malinaw dito ay may mali kay Richard. Hindi man namin sinasabi na siya ang nanggugulo pero posibleng may problema siya sa pakikisalamuha sa tao.

Ito ba ay dahil sa hydrocephalus syndrome (read it as yumabang o lumaki ang ulo)? O nasa genes na ba ito? Hindi kaya ako awayin ni Annabel dito? Sabagay sinuman naman kami para pag-aksayahan niya ng oras? Kaya nga naniniwala ako sa sinabi na namin dito sa aming blog na ang katangian o ugaling nakikita ng isang bata sa mga taong nasa paligid niya noong siya ay lumalaki ay napupulot niya ito hanggang sa paglaki niya. Kahit turuan mo pa yung batang iyan ng tamang asal, mahirap mawala sa kanyang sistema kung ano ang kanyang kinamulatan. 
Hindi talaga magbubunga ng santol ang puno ng mangga.

Ang tinutukoy namin dito ay nakuha nga ni Richard ang palabang ugali ni Annabel dahil kung hindi siya palaban siguro naman ay pwedeng isa o dalawang gulong ganito lang natin siya mababalitaan. Sabi nga, once is enough, twice is too much, thrice is .....(nakalimutan na namin). Over ba o uber? LOL

Sana bigyan itong si Richard ng disciplinary action ng GMA management bilang talent nila na nagdadala ng imahe ng network. Kapuso pa mandin. Pero sa palagay ba ninyo ay kayang ibigay ito sa kanya, hindi man si Wilma Galvante, ay nina Felipe Gozon, Jimmy Duavit o Annette Abrogar?

Ano kaya ang masasabi rin ng mga babaing nali-link sa binata at ilan sa mga ito ay galing sa mga pamilya na pwede natin sabihin na talagang may breeding?

Georgina, Anne, KC and Jewel? Any comments?

Well, inaasahan namin na marinig ang tunay na dahilan ng kuwentong ito dahil gusto rin namin  na itama ang aming sarili kung sakaling mali kami sa panghuhusga.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO