Showing posts with label Angelina Jolie. Show all posts
Showing posts with label Angelina Jolie. Show all posts

Tuesday, April 7, 2009

A Night With La Diva

Ngayong Holy Week bigyan daan natin ang ilan sa mga e-mails at comments na aming natatanggap dito sa Siete Contra Dos.

Para sa ating mga kababayan na nasa Amerika o lalong-lalo na yung mga nasa California at kalapit na states, highly recommended ng Siete Contra Dos na panoorin ninyo ang unang-unang concert sa Amerika ng grupong La Diva na kinabibilangan ng tatlong magagaling na mang-aawit ng Siete na sina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia.

Ang tatlong nabanggit na mga singers ay produkto ng talent search ni Regine Velasquez na Pinoy Pop Superstar. Si Jonalyn ang winner ng first season. Si Aicelle naman ang runner up ng second season kung saan si Gerald Santos ang nagwagi. Samantala si Maricris naman ang winner ng third season.

Ang concert ay pinamagatang A Night With La Diva. Magpe-preform sila sa 18 April 2009, Sabado, sa Virgil Auditorium sa 152 N. Vermont Avenue, Los Angeles, CA 9004.

Magkakaroon naman ng repeat performance sa susunod na Sabado, 25 April 2009 sa Morongo Casino Resort & Spa 49500 Seminole Dr. Cabazon, CA 92230.

Pawang magagaling ang mga mang-aawit na ito kaya hwag ninyong palampasin ang pagkakataon na ito.

Dati-rati ay hindi kami mahilig sa panonood ng mga concerts pero nang mapilit kami ng isang kaibigan na manood ng Kundirana, nagbago ang aming pananaw at dito nag-iba ang ihip ng hangin. Naging adik na kami sa mga performance na ganito dahil kakaiba talaga ng pakiramdam kapag nasa venue ka mismo. Mataas ang energy doon at siguradong matutuwa ka sa mga acts ng mga artista.

Libreng promotion lamang ito at hindi po kami binayaran para dito. Kahit sino ay pwede po lumapit sa amin kung may gusto kayong iparating.

**********
Bigyan daan na rin natin ang comment na aming natanggap para sa aming blog entry na "Brad Pitt at Angelina Jolie, Hindi Matutuloy ang Bakasyon sa Boracay?; Rose Flaminiano, Nagdemanda".

Isa kami sa hindi naniniwala na darating nga sa bansa sina Angelina Jolie, Brad Pitt  at ang kanilang pamilya para magbakasyon sa Boracay kahit kalat na kalat na ang tsismis na ito.

Hindi kami sigurado sa katotohanan ng comment ni K kasi hindi pa namin ito na nave-verify pero ayon sa ilang kaibigan, ang alam daw nila ay nasa US nga raw sina Angelina at Brad sa oras na ito ayon na rin daw sa mga news report.

Basahin natin ang comment ni K (unedited) at kayo na ang bahalang humusga.
It was a rumor made up by the female version of the matapobreng Ben Fajardo named Cecile Van Zamora Straten from a political clan of corruption and even her friends also have her same kind of feather and they all flock together with their Gucci bags, shoes and jewelries.

It all started from her ridicolous blog and she confirmed Brangelina was indeed in here but has no proof to back it up. What a bitch! She made all this false alarm and a lot of people waste their time and money to go to Boracay hoping to see them and it also stresses our national security namely NAIA and damages our tourism. what should we call our selves now? A country of liers? And chizmosaz? Chuvaness should be jailed for this public scandal and Brangelina will never visit our country because of this rave attention.

The truth is Angelina is on shooting for her film in the US since March 18 and recently collapses and hospitalized while filming so how could she be here? I think this is God's works to slap the Cecile's face on her lies.

Liars go to hell!

Spread this to all your friends if you hate corrupt politicians, liars, matapobres and materialistc bastards and bitches.

READ MORE >>

Monday, April 6, 2009

Brad Pitt at Angelina Jolie, Hindi Matutuloy ang Bakasyon sa Boracay?; Rose Flaminiano, Nagdemanda

Naulinigan niyo naman na siguro ang tsismis na darating daw sa bansa sina Brad Pitt, Angelina Jolie at si George Clooney bilang sagot sa imbitasyon sa kanila sa pagbubukas ng Shang-ri La Hotel sa Boracay.

Nalaman ito dahil may nakakita daw sa kanilang mga pangalan sa reservation's list. Ang bilis naman ng balita. Ang mga Pinoy nga naman, oh. Reservation pa lang at hindi pa dumarating ang mga celebrities na nabanggit pero kalat na sa Pilipinas.

Sa aking palagay, tinatakot natin sila na tumuloy sa ating bayang magiliw dahil sikat na mga celebrities ang mga ito. Concern nila ang kanilang kaligtasan at sigurado ako na as much as possible ay gusto nilang tahimik na lumapag sa ating lupa.

Kung totoo man na may booking na sila, malaki ang posibilidad na hindi na nila itutuloy pa ang pagbisita sa sikat na Boracay lalo pa at umaalingawngaw na naman sa buong mundo ang ginawang pagdukot ng Abu Sayaff ng mga Red Cross workers.
**********
Naalala niyo pa ba ang sobrang taray na si Mommy Rose o Rose Flaminiano? Naku, bumabalik po siya sa eksena. Nagiging eksenadora na naman siya.

Nagsampa siya ng kasong libelo sa columnist/host na si Aster Amoyo dahil sa isinulat ng huli tungkol sa kaso niya kina Aubrey Miles at Ara Mina. May kaugnayan ito sa mga bahay na binili ng mga artistang ito pero never na naipatayo.

Ayaw kong isipin na nakiki-ride on si Rose sa mga demandahang naglulutangan ngayon sa showbiz.

Nagulat daw si Aster dahil hindi raw niya nabalitaan ito at nasabi na lang daw sa kanya ng isang kilala. Hindi pa pinapadalhan sila ng sub-poena kapag ang isang tao ay nademanda?

Sino kaya ang susunod na mabalitaan natin na magdedemanda maliban sa Gutierrez family?

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO