Wednesday, April 8, 2009

Kumustahin Natin sina Bruce Quebral at Jimboy sa Dubai

Naalala pa ba ninyo si Jimboy na muntik ng sumikat dahil lumabas sila ni Mahal sa telebisyon at inamin na magkasintahan o nagmamahalan sila ng bonggang-bongga. Naganap ito noong 2001 yata kung hindi kami nagkakamali sa bagong programa noon ni Boy Abunda sa Dos na itinapat sa Extra Extra ng Siete.


Marami ang nagulat dahil hindi nila inakala na ang isang malaki at may hitsura namang tao ay mai-in love talaga sa isang unano na katulad ni Mahal. Naalala namin na sobra ang "sweetness" nila sa telebisyon at pinanindigan nilang nagmamahalan talaga sila ng tunay.


Tumaas ang kilay namin na nalampasan pa ang Taipei 101. Alam namin na gimik lang iyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kami naniniwala na nagmahalan nga itong dalawa. Pakiramdam lang namin ay gumawa lang sila ng eksena sa pagbabaka-sakaling makapasok si Jimboy sa showbiz at bumango muli ang pangalan ni Mahal.

True enough, sayang ang effort ng dalawa dahil hindi sila sumikat ng husto. Agad na nalimutan ng publiko si Jimboy hanggang mabalitaan na lang na hiwalay na raw sila at si Mahal naman ay may sex scandal na raw.

At bakit naman namin naisulat ito? Kasi naman itong Pusang Gala namin ay parang wala lang na ibinalita sa Siete Contra Dos na kung hindi man sumikat si Jimboy sa showbiz, sikat naman daw siya sa mga Pilipino sa hotel na pinagtatrabahuan na niya ngayon.

Yes, tama ang narinig ninyo. Nagtatrabaho raw sa isang sikat na hotel sa Dubai, United Arab Emirates sa ngayon si Jimboy.

**********
Bilib din kami dito kay Bruce Quebral dahil nang mapagtantong walang mangyayari sa career niya sa showbiz ay minabuti niya itong iwan agad para pumasok na steward ng Emirates Airlines. Tama lang ang naging desisyon nitong si Bruce dahil habang bata pa ay kailangan magamit ang kanyang kaguwapuhan sa pagiging "flying waiter" (No pun intended.)

Pero kumusta na kaya siya ngayon sa nasabing airline dahil balita namin na nagkakatanggalan doon at marami na raw sa kanila ang walang schedule of flights? Nangyayari ito dahil sobrang apektado ang Dubai sa kasalukuyang economic crisis. "Last entry, first to go" pa mandin daw ngayon ang policy. Naku, sana naman ay okay pa rin siya dahil siya 'ata ang breadwinner sa kanyang pamilya.

Isa si Bruce sa mga artista natin sa ngayon na aming pinagpapantasyahan.  Tinutukan namin noon siya sa Pinoy Big Brother. Gandang-ganda kami sa katawan niya at sa kanyang kulay. Lalaki-lalaki siya sa aming paningin. Hwag lang siyang magkamaling makilala kami dahil siguradong iiyak si Wendy Valdez, huh!

Naku, patawarin niyo po ako. Holy week pa mandin ngayon.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO