Wednesday, April 8, 2009

Mark Herras - Isinugod sa Hospital; Andrew Wolff - Ligtas na sa Demanda sa Boracay

Lately ay marami sa mga artista natin ang isinugod sa hospital dahil sa mga karamdaman. Nangyari ito kay Pauleen Luna, Angel Locsin, Angelica Panganiban, Jennylyn Mercado at Aljur Abrenica. Ang latest ay si Mark Herras.

Nabasa po ninyo ng maayos, isinugod nga sa hospital si Mark dahil sa sobrang sakit na naramdaman sa kanyang tiyan na inakala noong una ng kanyang pamilya na atake ito sa kanyang appendicitis. Nangyari ito noon umaga ng Linggo at agad siyang isinugod sa Kidney Institute Hospital sa Quezon City.

Nasuri ng mga doktor na hyper acidity lang pala ang dahilan ng matinding pananakit ng kanyang tiyan. Ilang oras lang siya tumagal sa hospital at agad din lumabas pero hindi na siya nakapag-report pa sa SOP.

**********
Nabalitaan na rin natin kahapon ang nangyari sa guwapong modelo at aktor na si Andrew Wolff sa Boracay. Pansamantala siyang nakulong sa presinto dahil sa bintang ng pagnanakaw o robbery. Ito ang nakalagay sa police report ayon kay Gorgy Rula ng Startalk.

Ayon sa guwardiya ng D'Mall, inagaw daw ni Andrew ang baril sa kanyang holster pagkatapos itali ang kanyang kamay at saka nagtangkang nakawan ang isang bar sa loob ng mall. Isinuko lang daw ng binata ang baril nang siya ay ma-corner ng mga pulis.

Iba naman ang naging version ni Andrew, pinagtangkaan daw siyang tutukan ng baril ng guwardiya kaya inagaw niya agad ito sa kanya.

Dudugtungan namin ang kuwento ni Andrew batay sa aming pakiwari, posibleng ang kanyang pagkulong sa isang bar ay para ma-proteksiyunan niya ang sarili mula sa guwardiya na he percieved as a threat. Kaya siguro isinuko agad ang baril ng dumating ang mga police dahil inisip niya na ligtas na siya.

Sa oras na ito ay hindi na natuloy ang demanda kay Andrew at sa kaibigan niyang si Jay Olle dahil nag-withdraw na ang security guard  na si Rodolfo Norbi sa kasong isinampa. Nagkaroon daw ng amicable settlement sa harap ng governor ng Aklan.

Ano ba ang nangyayari kay Andrew?

Isa si Andrew sa mga pinagpapatasyahan namin sa showbiz maliban kay Bruce Quebral at iba pa. Matangkad kasi siya at ang bata at amo ng kanyang mukha. Maganda rin ang kanyang pangangatawan. Lumaki siya sa England kung saan taga-roon ang kanyang ama. Iba ang environment na kanyang kinalakhan.

Pero sayang ang binata dahil parang patapon ang kanyang buhay. Wala itong direksiyon. Ang balita ay lulong siya sa bawal na droga at ito rin ang dahilan ng pag-aaway nila ng dati niyang mga kasintahan na sina Gwen Garci at Ethel Booba. Hindi ko lang alam kung ito rin ba ang dahilan ng hiwalayan nila ni Keanna Reeves na naging dyowa rin niya.

Kailangan tumino ka na Andrew bago tuluyang masira ang iyong kinabukasan. Habang bata ka pa at guwapong-gwapo, pagbutihan ang modeling career o di kaya mag-aral ng Tagalog at mag-workshop para maging sikat na bida. Iyan ang mukhang bagay na bagay sa mga Pinoy.

Hwag sayangin ang buhay mo dahil sa droga. Oppps, hindi ko sinasabi na totoong gumagamit ka niyan. Ituring mo na lang yan na warning kung sakali man subukan mo.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO