Wednesday, April 8, 2009

Amazing Race Asia Alumna Paula Taylor Will do a Movie with Vic Sotto?

Sino sa inyo ang sumusubaybay sa sikat na Amazing Race Asia? I bet marami sa inyo ang katulad ko ang naaadik sa show na ito dahil ayon sa statistics, sa lahat ng bansa sa South East Asia, ang Pilipinas ang may pinakamaraming fans ng show na ito at sumusunod lamang ang Malaysia.

Kung napanood ninyo ang Season 2 ng programang ito, maaaring kilalang-kilala niyo na ang naging representative ng Thailand na balitang kasintahan ngayon ni Marc Nelson na siyang kumatawan naman sa atin kasama si Rovilson Fernandez. Si Paula Taylor ang aming tinutukoy na unti-unti na rin ginagalugad ang lahat ng opportunities meron sa Pilipinas.Naku, bawas trabaho ito sa mga authentic Pinoy. LOL

Interesado pala ang Eat Bulaga na kunin si Paula bilang isa sa mga hosts pero hindi ito natuloy dahil hindi marunong ang dalaga na magsalita ng Tagalog. Pero mukhang makikita natin siya sa big screen one of these days kung itutuloy ni Vic Sotto ang pelikulang pagtatambalan nila dahil mukhang nabighani rin ang ating Bossing sa dalagang Thai-Aussie-English.

Si Paula ay isinilang sa Thailand pero lumaki siya sa Australia. Ang nanay niya ay isang Thai pero ang ama niya ay British-Australian. Naging VJ siya ng MTV Asia at kilalang-kilala sa Thailand.

Pero alam ba ninyo na noong 14 years old pa lang siya ay in-offeran na pala siya na maging modelo dito sa Pilipinas pero tinanggihan niya dahil nag-aaral pa rin daw siya noon sa high school.

Sa Amazing Race Asia 2, tumapos sila ng partner niyang si Natasha Monks bilang panglima.

Hindi man inaamin nina Paula at Marc, ayon sa aming Pusang Gala, secretly dating daw ang dalawa at matagal na silang mag-on. Lagi nga raw sa bansa si Paula at ganun din daw si Marc sa Thailand.

Kasalukuyan nakikita si Paula sa Pilipinas sa pamamagitan ng kanyang mga commercials na Pantene, Myra-E, Nesvita at Folded 'n Hung. Nakita na rin natin siya sa Sports Unlimited bilang co-host nina Dyan Castillejos at Marc.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO