Wednesday, April 22, 2009

Jonaly Viray Currently Tops Weekly Elimination of Goddess of Philippine TV

GPTV Updates: Narito uli ang mga updates sa mga nangyayaring botohan para sa ating Goddess of Philippine TV search.

Pero bago namin ibigay ang mga updates, gusto lang namin liwanagin lalo na sa mga nagrereklamo na sayang naman daw ang mga boto nila sa 15% poll sa Poll Daddy.

Maliwanag naming sinabi, paulit-ulit pa, na iyon ay 15% lang ng magiging final score ng sinuman ang makapasok sa Final Top 10. Maliwanag din namin binanggit na mas importante ang nangyayaring weekly elimination.

WEEKLY ELIMINATION: Mukhang si Jonalyn Viray lang yata ang member ng SOP La Diva ang makakapasok sa Final Top 25 kung magpapatuloy ang suportang ibinibigay sa kanya ng mga fans. Kaugnay kasi nito, ang dalawa pang miyembro ng nasabing grupo na sina Mariciris Garcia at Aicelle Santos ay hindi pinalad na makapasok sa Top 5 ng kanilang weekly eliminations.

Si Garcia ay naisalang noon Week 2 ng Second Face-Off at si Santos naman ay noong nakaraang linggo lamang. Parehas silang nalaglag sa Final Top 25.

Pero nagbabadya ang hamon ng mga fans ni Sarah Geronimo para agawan ang unang pwesto mula kay Viray. Sa oras ng pagkasulat ng entry na ito, si Viray ay may 3,098 votes samantala 1,290 votes naman ang kay Geronimo.

Sina Angelu de Leon, Angelica Panganiban at Bianca King ang tatlo pa sa Top 5 pansamantala. May botong 859 si de Leon, 650 kay Panganiban at 549 naman ang kay King.

Hindi naman nalalayo si Sheena Halili na nasa Top 6 sa botong 546. Tatlong boto lang ang lamang ni King sa kanya.

Ang mga nasa Top 7-10 ay sina Rhian Ramos - 396, Chynna Ortaleza - 358, Isabel Oli - 211 at Ryza Santos na may 181 votes.

Magtatapos ang weekly elimination na ito sa Lunes, 27 April 2009.

15% POLL - Para naman sa poll na ito [Mister Poll + Poll Daddy 1 + Poll Daddy 2 (currently at the right side of this site)], wala rin masyadong pagbabago dahil wala pang rigodon na nangyayari sa ranking. Si Rachelle Ann Go pa rin ang nangunguna sa botong 857,844.

Sumunod kay Go sina Laarni Lozada - 677,896; Marian Rivera - 535,009; Jewel Mische - 404,199; Toni Gonzaga - 124,771 at Gee Ann Abraham na may botong 114,435.

Sila ang pansamantalang nasa Top 6.

Magtatapos din ang poll na ito sa April 29.

ANNOUNCEMENT: Uuulitin uli namin na magkakaroon ng 10 hour extension ang botohan para sa Batch 3 ng Second Face-Off sa 7pm ng 28 April hanggang 5am ng 29 April 2009.

Gusto lang namin na sagutin ang ilan ninyong katanungan.

Totoo na from 28-29 April ang extension pero hindi po iyan eksaktong dalawang araw. 10 hours lamang siya dahil magsisimula ito sa gabi ng 28 April at magtatapos naman sa madaling araw ng 29 April.

Ang rason kung bakit may extension sa batch na ito ay hindi dahil marami ang nagrereklamo na hindi pumapasok ang mga boto nila. Ang rason ay dahil may 10-hour deficit ang batch na ito sa normal schedule ng lahat ng batch. 3 hours late naming na-upload ang botohan ng batch 3 at nagsara naman ito 7 hours advance sa deadline na 7pm.

Sa mga nagsasabi na wala namang nakakaalam na 3 hours late namin na-upload yung botohan, mali po kayo dahil marami ang nakapansin. Napansin din nila na maaga itong nagsara.

Ang Batch lang na ito ang may extension dahil sila lang ang nagkaproblema.

Uulitin rin namin na ang extension ay para sa buong Batch 3. Ibig sabihin na lahat ng sampung artista na nasa grupong ito ay maaari ninyong iboto. Hindi lang lima o mas konti pa ang mabibigyan ng extension tulad ng pagkakaintindi ng ilan.

Ang mga artistang ito ay sina Erich Gonzales, Ehra Madrigal, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Jewel Mische, Katrina Halili, Maja Salvador, Marian Rivera, Ryza Cenon at Toni Gonzaga. Sampu po silang lahat.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO