Magbabalik Si Laarni Lozada; Mahal ng Publiko si Annabel Rama?
Isa ang Siete Contra Dos sa nagpahayag ng paninindigan na ang kontrobersyang away ni Annabel Rama sa executive ng GMA 7 na si Wilma Galvante ay nakakasira (nakasira na actually) sa imahe ng Kapuso network at ang away na ito ay mas mali si Annbel kaysa kay Wilma. Hindi namin sinasabi na walang kamalian si Wilma pero kumbaga sa kasabihan, Wilma is the less evil between two evils.
Ang blog din namin ang isa sa nangunang nagbalita sa natanggap naming formal petition letter against Annabel (Click here for the story) at sa katunayan ay isa kami sa pumirma. Pero nadismaya kami noong huli namin itong suriin dahil mukhang na kay Annabel ang huling halakhak. Mabagal ang pagdating ng mga signatories sa nasabing petition. Sa katunayan, 93 pa lang na tao ang pumipirma. Malayo ito sa katotohanan na 100,000 na siyang target ng petition letter.
Kung malalaman ito ni Annabel ay siguradong matutuwa siya at lalong lalaki ang kanyang ulo. Lalo siyang maniniwala na konti lamang ang talagang galit sa kanya, hindi nega ang image niya sa publiko, at lalo siyang mang-aaway sa mga susunod na araw kapag siya ay hindi napagbigyan.
Nalulungkot lang kami dahil matibay ang aming paniniwala na talagang masamang ehemplo itong si Annabel pero parang hindi naman ito ang iniisip ng mas marami.
Kaya kung sa tingin ninyo ay mali si Annabel, pwede niyo ring i-forward sa lahat ng kakilala niyo ang site kung saan sila pwede pumirma. Pwede niyo rin itong ikampanya. Pero kung sa tingin ninyo ay tama si Annabel, pasensiya na lamang sa inyo at magkaka-iba tayo ng pananaw.
Ang url ng site ay http://www.thepetitionsite.com/1/boycot
*********
Isang sulat ang natanggap namin mula sa isang tagahanga ni Laarni Lozada at nagbigay ng reaction sa sa aming isinulat dito. Pinatotohanan niya ang aming nasagap na balita na si Laarni ay abala sa kanyang pag-aaral dahil graduating na siya ngayong April. Maraming salamat kay Ms. M.
Ayon kay Ms. M, hindi naging visible si Laarni sa buwan lang naman daw ng February dahil inaasahan daw na babalik siya sa telebisyon sa huling linggo ng buwang kasalukuyan o sa unang linggo ng April.
Nagpasya daw ang mang-aawit na mag-concentrate muna sa kanyang thesis na siyang huling requirement para maka-graduate siya sa course na kinuha niya sa Philippine Women's University. Excited daw na makuha ni Laarni ang kanyang diploma kaya ginusto niyang mapagtuunan ng pansin ang kanyang thesis. Pero nagulat daw siya nang malaman na meron pa raw isang subject na kailangan niyang tapusin maliban sa thesis. Dahil dito ay minabuti ng dalaga na ayusin muna ang kanyang problema sa unibersidad para maka-graduate na sa April.
Ayon kay Ms. M, excited daw si Laarni na matapos ang kursong kinuha dahil napakahalaga ito sa mga taong mahihirap na katulad ni Laarni. Bilib kami dito sa Siete Contra Dos sa determinasyon ni Laarni na makatapos sa pag-aaral dahil ganyan din kami noon.
Dagdag din ng isang fan dito na balitang pumirma na raw ng kontrata ang dalaga sa Star Magic. Ayon pa kay Ms. M. na under na siya ni Johny Manahan at ang current handler niya ay si Ms. Ein Lopez. Baka daw makita na natin siya sa ASAP sa March 22. Bago ang Star Magic ay hawak si Laarni ng Dream Big Production.
Magandang balita ito para kay Laarni dahil siguradong mas maalagaan siya under Star Magic at ni Mr. Manahan. Hindi biro ang qualifications ng mga nabanggit dahil sa dami na rin ng artistang ginawa nilang big names. Sana nga ito na ang big break for Laarni.
Baka sa mga susunod na araw daw ay makita natin ang interview ni Laarni sa Showbiz News Ngayon nina Boy Abunda at Kris Aquino.
Kaya sa mga fans na nagtatanong kung nasaan na si Laarni, hwag na kayong malungkot pa dahil isa sa mga araw na ito ay bubulaga siya sa inyong telebisyon ng bonggang bongga!
Balikan ninyo ang mga susunod namin blog entry dahil sinisimulan namin sulatin ang isa pang write up about Laarni. Sinubaybayan namin ang mga comments ng mga tao sa kanya kaya nagpasya kaming gawan ito ng reaksiyon.