Wednesday, March 4, 2009

GPTV Updates: Sayang ang mga Boto nina Anne Curtis at Kim Chiu

GPTV Updates: Nasa pang-limang araw na tayo ng ating third week of elimination sa ating search for the Goddess of Philippine TV. Dalawang araw na lang ang natitira bago ito magsara at para buksan na rin ang botohan para sa pang-apat na batch.

Kasalukuyang nangunguna si Heart Evangelista sa ating botohan at isa itong patunay na hindi naapektuhan ang dalaga sa mga latest bad publicity about her caused by her refusal to do an afternoon soap. Heart is still the leading actress for GMA 7 on this batch. Pumangalawa naman dito si Kris Bernal na nagbibida na sa ngayon sa bago niyang afternoon soap with screen partner Aljur Abrenica. Mukhang hindi nagkamali ang Siete na i-launch na to stardom ang dalaga dahil mayroon na rin siyang fan base.

On the other hand, sa side naman ng Kapamilya, Bea Alonzo is still undoubtedly one of the brightest stars. Sa batch na ito ay siya ang nagdadala sa bandila ng Dos. Bitbit niya sa kanyang pakpak sina Maja Salvador at Angelica Panganiban. Pero isa sa rebelasyon dito sa side ng Kapamilya ang following ni Riza Santos. Marami rin palang nagkakagusto sa dalagang lumaki sa Canada. Pero mukhang hindi naka-capitalize ng Dos dahil parang bihira ang kanyang mga shows.

Ilan pa sa mga surprises na pinatunayang mali ang akala namin na hindi pa sila masyado sikat ay sina Rich Asuncion at Glaiza de Castro. At sa panig naman ng mga inakala namin na marami ang boboto sa kanila pero kabaligtaran ay sina Jennylyn Mercado, Camille Pratts, Maegan Young, Michelle Madrigal, Erich Gonzales at Jodi Santamaria.

Magtatapos ang ating weekly elimination sa ganap na 11:59 pm sa Biyernes kaya meron pa kayong dalawang araw para bumoto.

At para naman sa botohan natin sa Mister Poll, kahit sinong artista na paborito ninyo, kasali man siya o hindi sa weekly elimination, tuloy-tuloy pa rin iboto natin sila dahil kung pasok na sila sa Top 10 ay kukunin dito ang 15% ng kanilang final score.

Ang kasalukuyang nasa Top 10 sa Mister Poll as of 3 March 2009 ay sina:

Laarni Lozada - 3590
Marian Rivera - 2906
Aicelle Santos - 615
Jewel Mische - 580
Kim Chiu - 500
Rachelle Ann Go - 450
Angel Locsin - 304
Gee Ann Abraham - 191
Toni Gonzaga - 11
Anne Curtis - 107
Sarah Geronimo - 73
Maricris Garcia - 72

Mapapansin natin na nasa Top 10 sina Kim Chiu at Anne Curtis pero dahil hindi sila nakaabante sa Top 10 sa batch nila during their weekly eliminations, automatic na silang disqualified. Kaya importante na siguraduhin niyo muna na ang iyong paboritong artista ay makapasa sa kanyang weekly elimination para hindi masayang ang boto nila dito sa Mister Poll.

Mapapansin niyo rin na nasa listahan sina Jewel Mische, Sarah Geronimo at Maricris Garcia. Hindi pa sila naisasalang sa weekly elimination pero kung hindi sila maging Top 10 kapag naisalang na sila ay madi-disqualify din sila. Kaya siguraduhin din na iboto sila sa mga susunod ng linggo.

Ang mga nasa Top 10 na pumasa na sa weekly elimination ay sina Laarni Lozada, Marian Rivera, Aicelle Santos, Rachelle Ann Go, Angel Locsin, Gee Ann Abraham at Toni Gonzaga.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO