Wednesday, March 4, 2009

Ang Akting Nina Marian Rivera at Angel Locsin

Dalawa sa pinaka-sikat na artistang babae sa ngayon ang pinag-uusapan ang mga acting sa mga shows na nilalabasan nila. Parehas nilang pinupuri ang impresibong pagganap ng mga bituin na ito. Ang tinutukoy ko ay sina Marian Rivera para sa GMA soap na Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang at ang Maalaala mo Kaya episode ni Angel Locsin.

Hindi maikakaila na meron na nga improvement sa akting ni Angel mula sa mga role na ginampanan nito sa mga soap ng GMA network. Kahit sabihin pa natin na mas lumitaw ang akting ni Dimples Romana sa nasabing drama anthology, hindi pa rin natin makakaligtaan na purihin ang dalaga sa akting nito sa ngayon.

Meron naman talagang potential si Angel lalo na kung mas dalasan pa niya ang mga acting workshops. At kung palagi siya bibigyan ng mga projects na mabibigat ang role ay hindi malayong maging isang ganap na siyang aktres. Mabigat kasi ang ginampanan niyang role sa Maalaala mo Kaya at iba ito sa mga na-portray na niya sa mga soap opera kaya mapapansin mo talaga ang kaibahan. Makikita mo talaga ang improvement. Pero kung noon pa sana gumanap si Angel ng mga role katulad ng ginampanan niya sa MMK ay siguradong mas mahusay pa ang ipinakita niyang akting sa drama anthology ni Charo Santos.

Sa kabilang banda naman, marami ang nakakapansin na natural ang akting na ipinapakita ni Marian Rivera sa soap nito kasama si Dingdong Dantes. Bagay na bagay daw ang nasabing role sa dalaga at nagdududa na ang iba na baka talagang ganito sa totoong buhay si Marian.

Isa lang ang ibig sabihin niyan, nagagampanan ng maayos ni Marian ang kanyang papel. Napapansin ang kanyang akting. Hindi rin natin ito maikakaila.

Nasubaybayan ko ang mga soap ni Marian sa GMA katulad ng Muli, Super Twins at Marimar. Ang pinaka-gusto kong eksena niya ay noong nababaliw na siya dahil sa paghahanap sa dalawa niyang anak sa Super Twins. Para sa akin, napakagaling ang naging portrayal ni Marian in that specific scene. Hands down kumbaga.

Isa sa obserbasyon ko ay medyo katulad ng style ng akting ni Marian kay Vilma Santos. Powerful ang pagganap ni Vilma. Mas maganda siya panoorin na hindi tinitimpi ang boses. Kung kailangan ilabas ang damdamin ay hayaan lang itong sumabog. Diyan nakilala si Vilma at dito ko rin nakikita si Marian. Magaling siya sa mga eksenang ganito. Parehas silang mataas ang energy sa mga portrayals nila.


Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO