Thursday, March 5, 2009

Judy Ann Santos, Lilipat Pansamantala sa Siete?

Kung tama ang aming nasagap na tsismis, sa mga susunod na araw ay makikita natin si Judy Ann Santos sa mga programa ng Siete. Pero hwag kayong mag-aalala mga Kapamilya dahil hindi lilipat si Juday ng ibang bahay dahil meron pa siyang kontrata sa Dos. In fact, kakapirma pa lang niya late last year kaya wala kayo dapat ipag-alala.

Dahil wala pa naman shows si Juday sa Dos at matagal na rin siyang nababakante ay minabuti muna ng manager niyang si Alfie Lorenzo na ihanap muna siya ng mga guestings sa Kapuso network. Sayang nga naman ang oras at pera na kikitain, di ba?

Isa si Judy Ann sa mga artista natin sa ngayon na pwedeng magpabalik-balik sa dalawang magkalabang istasyon. Eh, galing naman kasi si Juday sa Siete at okay naman ang relasyon niya at ang manager niya sa mga executives ng Channel 7 kaya walang problema kung gustuhin man niya ang magtrabaho dito. Anytime ay welcome siya.

Kung matatandaan ninyo, hindi na ito bago para kay Juday kasi ilang beses na natin siyang nakita sa mga programa ng Siete habang meron siyang regular shows noon sa Dos. Nandyan noon ang Sunday hosting niya sa SOP at ang lagi niyang paglabas sa mga talkshows like S-files.

Sa kasalukuyan ay wala pang show si Juday sa Dos dahil hindi pa nasisimulan ang kanyang bagong soap about nurses. Dito sana ilalagay si JC de Vera kung walang aberya sa kontrata niya sa Siete. Pero kung totoo ang lahat, mukhang nabaligtad na ngayon ang pangyayari. Imbes na may Kapuso artist na sasama kay Juday sa teleserye niya, siya naman this ang ipinahiram for some Kapuso shows.

Bilog talaga ang mundo.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO