Tuesday, March 3, 2009

Ano na ang Nangyari sa The Echo na Pelikula nina Iza Calzado at Yam Laranas?

Marami ang nagtatanong kung ano na ang nangyari sa The Echo, ang Hollywood movie na remake ng Sigaw, ang horror film nina Angel Locsin at Richard Gutierrez para sa Regal noong 2003. Ginawan ito ng isang remake sa Hollywood at ang original director pa rin na si Yam Laranas ang nagdirek. Kasama pa rin ang original cast na si Iza Calzado.

Matagal nang natapos ang shooting ng pelikula. Sa katunayan noong isang taon pa yata ito. Iisa ang pangamba ng mga nag-aabang na fans nina Iza at Direk Yam. Baka tuluyan nang hindi maipalabas ito sa mga sinehan sa US. Baka tuluyan nang maglaho ang pangarap nina Iza at Yam na ma-penetrate ng tuluyan ang Hollywood.


Nakakalungkot naman kung ganun nga ang mangyari. Sa katunayan very promising naman ang pelikula although puna ng iba na very amateur daw ang cinematography dahil kulang ang special effects ng ginamit. Actually, ang description pa nga ay "halos walang special effects." Ang ginawa ni Yam ay ginamit niya ang kanyang mastery sa lighting o ilaw para magmukhang nakakatakot nga kapag nakita ito sa screen pero talaga naman nakakatakot daw.

Actually maliban sa cinematography, marami ang pumupuri sa pelikula. Marami na akong nabasang magagandang reviews nito. Sabi nga "kung sa tingin niyo raw ay napanood niyo na lahat ng pwedeng makita sa isang horror film, nagkakamali daw kayo kapag mapanood ninyo ang The Echo "

Ang gumawa ng remake nito ay ang film outfit din na gumawa sa The Ring at The Grudge na Vertigo Entertainment.

Nag-try akong mag-research tungkol sa pelikula at nalaman ko na ipinalbas na rin pala ito last year sa mga film festivals like Cannes Film Festival in France noong 25 May 2008. Ipinalabas din ito sa Fantasia Film Festival ng Canada noong 17 July 2008. Nakatakda naman itong ipalabas sa Russia sa 23 April 2009.

Hindi nga lang namin sigurado kung tama ang nabasa namin na sa 19 March 2009 na ito ipapalabas sa mga sinehan sa US.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO