GPTV UPDATES: Todo ang Suporta ng mga Fans ni Laarni Lozada
GPTV UPDATES: Bigay todo ang ginagawang suporta ng mga fans ni Laarni Lozada, ang winner ng Pinoy Dream Academy sa ating search for the Goddess of Philippine TV. Walang oras na hindi sila bumoboto ayon sa aming statistics. Majority of her votes comes from the Philippines and USA. Sa ngayon si Laarni ang nangunguna sa batch na ito at mukhang sigurado na siya sa Top 50.
Pero hindi natin masasabi ito sa iba pang talents ng Channel 2 na kasama rin sa linggong ito ng kompetisyon. Mahina ang suporta ng mga Kapamilya afficionados sa iba pa nilang talent.s Sa katunayan, sa Top 10 as of 4 pm (Philippine time) ngayong araw na ito, tanging si Laarni lamang ang nakalusot. Hindi ito magandang senyales considering na ito ay Siete Contra Dos. Isa ito sa paraan namin para sukatin ang popularidad ng mga artista natin sa ngayon. Kung nagkataon, 9 na Kapamilya talents ang malalaglag sa elimination na ito at 9 naman na Kapuso talents ang aabante sa laban.
May isang fan ni Laarni ang nag-iwan ng mensahe sa ating blog. The poster is explaining why the fans of Laarni are solid in their support for the singer. Ayon sa kanya, gusto nila ipakita sa management ng ABS-CBN na sa kabila ng kokonting projects na ibinibigay sa dalaga ay may mga malawakang fan base pa rin ang mang-aawit na umaasang bigyan siya ng mas maraming exposure. Kumbaga, gusto nila iparating sa Kapamilya na hwag manghinayang sumugal ang network kay Laarni dahil meron na meron siyang nakaantabay na mga fans para sumuporta. Tama ba ako dito mga Laarnians? You can leave your comments.
Hindi namin ipinapangako pero sisikapin naming gagawin namin ang aming makakaya para maiparating sa Kapamilya ang inyong request at ang result ng poll nating ito. Gusto lang namin sabihin sa lahat ng sumusuporta ng Goddess of Philippine TV na pipilitin naming hindi masasayang ang inyong effort sa pagboto dahil ipapakita talaga namin sa tamang kinauukulan na abot ng aming connection ang magiging resulta nito at pati na rin analysis namin.
Gusto ko lang sabihin din na isa sa mga batayan ng pagbibigay ng projects sa isang artista ay ang kanyang kasikatan batay sa mga forums, polls, letters, private studies/analysis, endorsements, etc na natatanggap nila. Hindi namin sinasabi na makakatulong nga itong poll natin pero malay natin, di ba, lalo na kung binabasa naman nila ito? (*wink*)
Sa kabilang banda naman, kahit 9 na Kapuso talents ang kabilang sa Top 10, mabagal din ang boto nila mula sa mga fans. Si Aicelle Santos lang ang consistent ang pagtaas ng kanyang boto dahil sa masisipag niyang mga fans na base rin sa USA. Namo-monitor namin ang lahat na ito.
Sina Carlene Aguilar at Krissa Mae Arrieta ang may tremendous improvements sa ngayon. Mula pang-19 na puwesto, umakyat agad sa Top 10 ang ina ng anak ni Dennis Trillo. Si Krissa Mae naman ay muntik na rin makapasok pero nilisan na niya ang 20th position na kinuha naman ngayon ni Sheryn Regis.
Si Marian Rivera naman ay mabagal din ang pagdating ng kanyang boto pagkatapos magpakita ng pwersa sa unang araw ng elimination. Sa katunayan, halos 700 votes lang ang kanyang natanggap ngayong araw na ito. Isa kami sa nangangamba na baka apektado na nga yata ng mga negative publicities ang dalaga. Ganunpaman, si Marian pa rin ang isa sa nangunguna sa poll na ito at kasalukuyang nasa ikatlong pwesto. Ayon sa aming analysis sa data that we have, mas solid kasi ang fans ni Aicelle Santos kaysa kay Marian kaya naungusan ng La Diva ang isa sa pinakasikat na aktres ngayon ng GMA.
Si Pauleen Luna naman ay hindi nadagdagan ang kanyang boto kahit isa so far ngayong araw na ito.
Gusto lang namin linawin muli na ang contest na ito ay popularity. Ang pasya sa Goddess of Philippine TV ay nakasalalay sa kasikatan ng artista at ito ay nasa kamay ng mga fans na nagmamahal sa kanila at handang suportahan sila kahit anong laban. Kung anong votes na natatanggap namin mula sa mga fans ang siya naming binibilang na walang labis at walang kulang. Kaya kung ang paborito niyong artista ay wala sa pwestong gusto niyo para sa kanya, ibig sabihin na kulang ang malawakang suporta ng inyong grupo at nagkataon naman na merong fans na mas masipag or dedicated on their idols. Tulad ng sinabi ko, we are all analyzing these stuffs and we'll definitely find ways to bring these to someone who will benefit from these.
Uulitin uli namin na ito ay magtatapos sa 11:59 pm sa Sabado (Philippine time) o 20 February 2009 dahil ito ay ang ating first weekly eliminations. Pagdating ng Sabado ay iba namang set of 20 Kapamilya at Kapuso artists ang maglalaban-laban sa loob ng isang linggo muli. Yung Top 10 ay aabante sa Final 50 para sa Second Elimination na magsisimula by the end of March.
Uulitin uli namin na ito ay magtatapos sa 11:59 pm sa Sabado (Philippine time) o 20 February 2009 dahil ito ay ang ating first weekly eliminations. Pagdating ng Sabado ay iba namang set of 20 Kapamilya at Kapuso artists ang maglalaban-laban sa loob ng isang linggo muli. Yung Top 10 ay aabante sa Final 50 para sa Second Elimination na magsisimula by the end of March.
Maraming salamat uli at patuloy po natin suportahan ang mga artista natin.