UPDATES on GPTV: Mahina ang Suporta ng Kapamilya Network Fans sa mga Artista nito
UPDATES: Goddess of Philippine TV
Pagkatapos ng halos 3 araw simula ng ilunsad noong Valentines Day ang Unang Elimination round ng first batch ng Goddess of Philippine TV search, 3 significant changes have been noted as of 5 pm today.
Una dito ay ang pag-akyat nina Pauleen Luna at Sunshine Dizon sa Top 10 bilang 10th and 8th placers respectively. Matatandaan na for the last 2 days, hindi binakante nina Sunshine at Pauleen ang bottom 2 spots sa poll of 20 leading female stars of both Kapuso and Kapamilya networks.
Nakakagulat nga na parang hindi nababahala ang mga fans ng dalawang aktress. Isa sa ibig sabihin nito ay walang malawakang fan base sina Pauleen at Sunshine na humihikayat sa iba para iboto sila. Maaring ang bumoto sa kanila so far since hindi naman kalakihan ng naidagdag na boto nila ay yung mga loyal na lang sa Kapuso network na dahil sa pagmamahal sa GMA ay sinuportahan na rin ang contract stars nila.
Pangalawang significant change na napansin namin ay ang hindi mapigilang suporta ng mga fans ng mga singers natin sa batch na ito katulad na lang nina Aicelle Santos, Jonalyn Viray at Laarni Lozada. Sa grupo ng 3 mang-aawit na ito ang pinagmumulan ng pinakamalaking porsiyento ng mga fans na bumoto na sa ating survey. Isa itong milagro sa amin dahil sila ang inakala namin noong una na weakest links sa field of 20 stars sa unang elimination. As of now, 50% of all the votes counted ay galing sa mga fans nitong mga future divas ng Pilipinas.
Si Aicelle Santos ay naungusan ulit si Marian Rivera at siya uli ang nangunguna. Kasama si Jonalyn Viray, karamihan ng mga bumoto sa dalawang La Diva ay mula USA at Canada. Ibig ba sabihin ay malakas ang pangalan ng dalawa sa mga bansang nabanggit? Hindi kaya sina Aicelle at Jonalyn din mismo ang nangangampanya para silaý iboto? :-)
Hindi rin matatawaran ang suporta ng mga fans ni Laarni Lozada. Masipag ang kanyang mga taga-hanga sa pag-iimbita na iboto nila si Laarni. In full force sila sa paghihikayat sa mga forums at blogs at ang effort naman nila ay hindi naisasawalang-bahala dahil si Laarni ngayon ang bumibitbit sa bandila ng Channel 2 sa labanang ito ng Siete Contra Dos.
Isa na namang rebelasyon ito sa amin dahil hindi namin inakala na si Laarni ang magdadala sa Kapamilya. Una naming naisip na sina Anne Curtis, Kim Chiu, Cristine Reyes, Karylle Tatlonghari, Melissa Ricks at Mariel Rodriguez ang mangunguna pero kahit pa yata pagsama-samahin natin ang mga votes nila ay lamang pa rin ang big winner ng Pinoy Dream academy. Mabuti pa si Cathy or Alex Gonzaga, kapatid ni Toni Gonzaga, kahit bago pa lang siya ay mukhang nagugustuhan na ng mga voters natin.
Since hanggang 20 February pa naman itong poll na ito, 4 na araw na lang, sana makita natin ang pagsuporta ng mga Kapamilya fans sa kanilang mga artista. Kung magpapatuloy na mababa ang kanilang mga boto ay masasabi na talaga natin na sa batch na ito, mas sikat ang mga talents ng Kapuso network.
At ang huli naming napansin ay ang parang bahagyang pagbaba ng popularidad ni Marian Rivera. Hindi maitatanggi na si Marian ang pinakasikat na artista sa ngayon dahil sa dami ng endorsements pero mukhang unti-unti itong bumababa. Kumbaga mas sikat siya noon kaysa ngayon. It's like saying na nasa peak na si Marian and there's no way to move on but to go down. Hindi maikakaila na ito ay epekto ng mga sunod-sunod na pambabatikos at bad publicities against her. Wish ko lang na makabawi nga ang dalaga sa lahat ng ito dahil sa tingin ko ay mabuting tao naman siya na mapagmahal sa lola. Isa pa ay isang napakatotoong tao nito. What you see is what you get from her.
Para sa complete list ng updates natin sa Search for The Goddess of Philippine TV, nakapaskil na ito sa right side ng iyong screen sa bandang 3rd column from your left. Sisikapin namin na araw-araw ay ma-update ito para sa inyo.
At baka nakalimutan niyo rin, meron pa tayong separate poll for this search na matatagpuan sa Menu Tab ng blog na ito. Hanapin ninyo itong VOTE FOR GPTV at i-click iyan. Ang result ng poll na iyan ay 15% sa kabuuang score ng iyong idol kapag siya ay pinalad na mapasama sa Final Top 10. Kung hindi nakasama ang idol ninyo sa Top 10 ay balewala ang mga votes na naipon niya sa separate poll na iyan.