Wednesday, February 18, 2009

Melissa Ricks, Goodbye Binibining Pilipinas na ba?

Napansin ko na tila pinapauso ng Channel 2 ang pagre-remake ng mga pelikula nong 80's na medyo sexy and daring ang dating. Nagsimula ito ng gawin ni Cristine Reyes ang Eva Fonda na binatikos ng ilang manonood ng telebisyon dahil sa mga sensitibong eksena o dialougue.

Ngayon naman ay ang Underage ang gagawin ng Kapamilya bilang susunod na feature sa Your Song Presents, palabas kada Linggo pagkatapos ng ASAP. At isa si Melissa Ricks nga raw sa mga gaganap dito at gagampanan niya yung character na binuhay ni Dina Bonnevie.

Yung Flash Bomba rin kaya ni Luis Manzano ay mala-bomba din kaya? Nagbibiro lamang po pero yung costume nga ni Luis ay mukhang may mali. Para sa akin lang naman ang ideyang iyan at hindi ko alam sa inyo kung may nakikita ba kayong kakaiba.

Balik tayo sa Underage, ito yung pelikula na kung saan nakilala sina Dina Bonnevie, Snooky Serna at Maricel Soriano bilang mga batang artistang naging "daring"sa pelikula mula sa mga sweet image.

So ganun din kaya ang i-expect natin sa TV version nito? Siguro ay hindi naman at baka silaý pagbalingan ng MTRCB.

Para sa akin, this is a good move for Melissa dahil hindi na siya forever pa-tweetum. Nagsisimula ang pagiging ganap na aktres ang isang artista sa pagganap sa kahit anong uri ng role kabilang na dito ang mga daring or mature roles. Kadalasan kasi ang isang pelikula na medyo seryoso ang paksa ang nagiging daan para makita ang akting ng isang artista. At kadalasan sa mga seryosong pelikula naman ay may mga eksenang maseselan. Hindi ito yung palabas na categorized as ST, TF, Bomba, at Indie movies ngayon ha. Siguro alam niyo naman ang ibig kung sabihin.

Ilan sa mga examples ng sinasabi ko ay ang The Notebook, Titanic, The Piano, Schindler's List,etc.

Pero isa sa ikinakabahala ko ay baka hindi na maipagpatuloy pa ng dalaga ang pangarap na maging beauty queen. Hindi lingid sa atin na pangarap ni Melissa na mag-join sa Binibining Pilipinas dahil gusto niya i-represent ang bansa natin sa Miss Universe or Miss World. Hindi kaya magiging rason itong pagganap niya sa Underage para hindi siya tanggapin bilang kalahok? Tandaan natin na istrikto ang Binibining Pilinas sa mga image ng mga kandidata nila. Ito yung dahilan kung bakit hindi na natupad ni Juliana Palermo ang kanyang pangarap na maging kinatawan ng Pilipinas sa mga international beauty pageants.

Incidentally, sa March 7 na pala ang coronation ng Binibining Pilipinas na ipapalabas naman sa GMA 7.

Si Melissa Ricks din ay kasama sa linggong ito para sa weekly elimination natin para sa search for the Goddess of Philippine TV. Mahina ang suporta sa dalaga at mukhang hindi siya aabante sa Final 50. Baka isa siya sa maunang mai-eliminate sa Biyernes, 20 February. Para maisalba si Melissa, bumoto na kayo dito sa site na ito. Nasa pinakagitnang column yung botohan.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO