Showing posts with label Starstruck 4. Show all posts
Showing posts with label Starstruck 4. Show all posts

Friday, March 20, 2009

Tinitiis ni Prince Stefan ang Inang may Sakit; Charice Gagawa ng Hollywood Film

SHOWBIZ TIDBITS: Si Prince Stefan pala iyong laging laman ng mga blind items na may inang may karamdaman at kailangan sanang madala sa hospital pero tila pinapabayaan daw ng anak. Tinitiis daw ni Prince ang ina kahit kumikita naman daw siya sa showbiz na kahit konting pera man lang ay hindi daw makapagpadala.

Si Prince Stefan ay produkto ng Starstruck 4 kung saan kasabayan niya sina Jewel Mische, Aljur Abrenica, Kris Bernal at Rich Asuncion. Siya ang naging First Prince. Siya noon yung competitor na masyadong na-carried away sa halikan nila ni Jean Garcia sa isang hamon sa aktingan.

Si Prince din iyong madalas ma-blind item noon na sobrang pakitaang-tao daw ang PR. Kahit sino daw kasi na reporter ay binabati at mistula kilalang-kilala na niya pero kapag tinatanong daw ang pangalan ng bawat reporter ay hindi naman daw niya matandaan. Madali daw siyang makalimot ng mga pangalan.

Matindi daw ang hinanakit sa ina ni Prince dahil noong bata daw siya ay sinasaktan siya. Siya daw ay sinisisi kung bakit nakipaghiwalay ang kanyang ama sa ina at parang itinapon daw siya noon sa pangangalaga ng mga tiyahin. 

Nasabi noon ni Prince na ang kanyang ama ay isang miyembro ng royal family ng Saudi Arabia. Ang naaalala nga ni Prince tungkol sa ama ay ang madalas nilang pagtira sa mga penthouses ng mga hotels habang namamasyal sila sa iba't ibang bansa noong siya ay bata pa. Posible nga na mayaman ang tatay ni Prince dahil sa mga penthouses madalas mag-check in ang mga mayayaman na tao. Dating flight attendant ang nanay ni Prince at posibleng dito sila nagkakilala.

Hindi raw alam ng ina ni Prince kung ano ang gagawin para siya ay mapatawad. Na-stroke ito at isinugod sa hospital pero hindi pa rin dumadalaw ang binata dahil ang kanyang rason ay ipadala na lang daw na pera ang dapat sana ay pamasahe niya.

Naku, Prince, kung sakaling nagbabasa ka, hwag mong tiisin ang iyong ina kasi bali-baligtarin man natin ang mundo ay mananatiling ina mo pa rin siya. Naiintindihan ng Siete Contra Dos ang iyong nararamdaman pero kahit masakit sa iyong kalooban, pililitin mong bisitahin ang ina mo bago tuluyang maging huli ang lahat. Darating ang araw na matatanggap mo ang lahat at matututo kang magpatawad, at least sa araw man na iyon ay hindi ka masyado makonsensiya kung sakali man may mangyari sa iyong nanay. Hwag mong hayaan na mabulag ka ng iyong galit. Kahit napilitan ka lang bisitahin ang nanay mo, at least, makakagaan ito sa kanyang kalooban kung sakali man na may mangyari sa kanya.

***********
Sana nga ay tuloy-tuloy na ang pagiging international star ni Charice Pempengco dahil natutuwa at taas-noo kami dito sa Siete Contra Dos kapag nakakakita ng mga Pilipino na sa successful sa mundo. Hindi lang sa pag-awit sumisikat si Charice pero mukhang susunod na dito ang pelikula kung masusundan pa ng marami ang ginagawa niyang Hollywood movie.

Yes, you've heard it right. According to the scoop of Ricky Lo of the Philippine Star, Charice is about to fly back to the US to film Alvin and the Chipmunks 2, a live action-animation production by 20th Century Fox. But no one knows yet what role Charice is going to play.
Samantala, nagulat kami dahil mukhang ang Site Contra Dos yata ang unang nakapagbalita sa tunay na dahilan ng pagkakakansela sa concert ni Charice sa Dubai. Click here for the story. Nagulat kami dahil ang aming blog ay hindi namin layunin na makapaghatid ng mga scoops o magbigay lang ng showbiz news as it is. We are focusing on giving you opinionated news. Bale, we write more on our stands to certain issues or controversies.
Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa amin dito. Mula po sa puso iyan.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Monday, March 2, 2009

Paulo Avelino, Pumapatol nga ba sa mga Bading?

Isa sa dapat tutukan ang career o kailangan i-build up para gawing matinee idol ay si Paulo Avelino ng Starstruck Season 4. Kung ganda rin lang naman ng mukha ang pag-uusapan hindi pahuhuli dyan si Paulo na napakadaling mahalin ang mukha. Napaka-gwapo ng kanyang screen registration at marunong din siyang umarte dahil napanood ko noon siya sa Starstruck.

Ano ba ang ginagawa ng GMA at mukhang mabagal sila sa pag-build up ng isang talent. Bakit hindi si Paulo at mga home grown talent ang bigyan ng importansiya at hindi ang mga alaga ng kung sinong mga talent manager na wala namang utang na loob kapag sumikat na nang husto ang kanilang alaga. Sakit lang ng ulo ang mga ganitong manager na pilit hinihila ang imahe ng network dahil sa pakikipag-away lang ang inaatupag. Tama ba ako Annabel Rama?

Napakagandang project para kay Paulo ang Stairway to Heaven kung sakaling gagawin nga ito ng GMA. Malaki pa ang hawig niya kay Cholo, ang pangunahing lalaking character sa Koreanovelang ito. Isang plus factor na iyan.

Pero sa likod ng maamong mukha ni Paulo, hindi pa rin nawawala sa kanyang anino ang intrigang pilit na ikakabit sa kanyang pagkatao. Isa daw kabit si Paulo ng bading o pumatol noon si Paulo sa mga bading bago pa siya nagsimulang makilala sa Starstruck.

Lumalaban palang siya noon sa malawakang talent search nang pinag-uusapan na ang kanyang naging connection sa mga kabadingan. Actually, ang discoverer ni Paulo ay ang namayapang bading na entertainment writer - talent manager ni si Joey Diego.

Sabagay hindi na natin maiaalis ito sa kultura ng mga manonood ng telebisyon. Lagi ikinakabit ang pangalan ng isang aktor sa mga bading sa showbiz lalong-lalo na sa manager nito. Sino na nga ba ang mga aktor natin ngayon na na-tsismis ng ganito? Nandyan si Dingdong Dantes, Richard Gomez, Dennis Trillo at marami pang iba. At sino na nga ba ang mga artistang ito sa ngayon? Sila lang naman ang mga sikat at hinahangaan na.

Hindi malayong maging big name din si Paulo Avelino na tubong Baguio City. Nag-aral siya sa Saint Louis University at kaibigan ng yumaong aktor na si Marky Cielo. Mabigyan lang siya ng tamang break ay sigurado ako malayo ang mararating ng binata.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO