Showing posts with label Ruffa Gutierrez. Show all posts
Showing posts with label Ruffa Gutierrez. Show all posts

Thursday, April 2, 2009

Sino kina Ruffa Gutierrez at Annabel Rama ang nagsisinungaling?

Marami ang tumaas ang kilay, nagsilaglagan sa kanilang kinauupuan at baka marami rin na pustisong nagliparan sa naging pahayag ni Annabel Rama tungkol sa kanyang anak na si Richard Gutierrez kaugnay sa isyung pagkakasulat ng popular na showbiz website na PEP tungkol sa away diumano ng bida ng Zorro at ni Michael Flores.

Sinabi ni Rama na ang kanyang anak daw ang number one na artista natin sa ngayon. Sabi pa niya na hindi raw siya nagmamayabang at saka sinundutan na marami daw pelikula at commercial endorsements ang anak. Sikat daw siya. (Hindi nga raw siya nagmamayabang, eh)

Napalunok na lang ako nang ito ay aking mabalitaan. Ano kaya ang masasabi ng mga akala kong number one na sina Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz, Dingdong Dantes, Piolo Pascual, Judy Ann Santos, Marian Rivera, Sharon Cuneta at ilan pa?

Ito ay patunay na malaki talaga ang tingin ni Rama sa kanyang sarili at sa anak kaya kung umasta ay sila ang Diyos. Magising ka, Maruja, este Annabel Rama.

Marami ang umaayon na sobra na ang pagiging overacting nitong si Bisaya sa kabila ng naging public apology ng PEP. Nakikita niyo na ba kung ano ang tingin ni Bisaya sa sarili? Noong tinitira-tira niya at inaakusahan si Wilma Galvante ng kung anu-anong kasinungalingan, lagi niya sinasabi na siya ang  tama. Ngayon na ang panig naman niya ang tinira (Hindi ko sinasabi na nag-imbento ang PEP ng istorya dahil may mga witness naman pala sila.) - ngayon na nararamdaman ng pamilya Gutierrez ang ipinaramdam nila kay Wilma at sa pamilya Galvante - sinasabi pa rin ni Bisaya na sila ang tama.

Huh, double standard na iyan ha!

Siguro napapansin ninyo na lagi akong hindi naniniwala kay Bisaya? Bakit hindi? Sa bawat isyu kinakasangkutan niya kasi ay lagi akong may nakikitang loopholes sa mga salaysay niya.

Suriin natin ang isang punto ng isyung ito :

AYON KAY BISAYA: Sinabi ni Annabel sa naging reaksiyon niya sa press conference ng PEP, na tinawagan daw niya si Richard nang mabalitaan ang na-post na article. Bago raw niya tinawagan si Jo-Ann ay si Richard muna ang kanyang kinuntak at inaway-away ayon sa sarili niyang salita. Nagulat daw si Richard at itinanong kung ano raw ba iyon. "Ano bang kwento iyan," tanong daw ni Richard.

"Basahin mo sa internet," sagot daw ni Bisaya. At nang mabasa nga raw ni Richard ay galit na galit daw ito habang nagda-dialougue ng, "Mommy, sobra na iyan. Sobra na iyan!"  - Source

CONCLUSION: Si Annabel ang unang nakaalam tungkol sa paglabas ng article sa PEP at siya ang tumawag sa pansin ni Richard.

AYON KAY JO-ANN MAGLIPON: Nakatanggap daw siya ng tawag mula kay Annabel Rama tungkol nga sa nasabing artikulo na noong una ay walang kaalam-alam ang editor-in-chief. Nagtatanong nga raw si Annabel sa article na na-publish sa PEP.

Sabi daw ni Jo-Ann na wala daw article at imposible iyon dahil wala nga silang ideya sa pagkakamali ng staff ng PEP. Sumagot daw si Bisaya na "anong imposible, binabasa ni Chard, nasa PEP, tignan mo!"

Nang tanungin ni Jo-Ann nga sa staff niya kung meron ay natuklasan nga raw nila na may na-publish nga at na-pull out na raw ito. (Source -  Ilang oras din na-pull out ang balitang ito na sinulat ni Jojo Gabinete)

Ayon na rin sa aming Pusang Gala, narinig rin niya ang version ni Annabel na nagulat nga raw sila nang isumbong sa kanila ni Richard ang nasabing article.

CONCLUSION: Hindi malinaw kung kanino nag-umpisa ang awareness kina Annabel at Richard.

AYON NAMAN KAY RUFFA GUTIERREZ: Sa interview kay Ruffa sa Showbiz News Ngayon, ibinuking ni Ruffa na sobrang nasaktan ang kanyang kapatid sa nabalitaan at umiiyak daw siya na lumapit sa ina at nagsumbong.

CONCLUSION: Si Richard ang nagbalita kay Annabel Rama tungkol sa report. Sino ang sinasalungat ng statement ni Ruffa? Si Annabel Rama.

Ngayon kung hindi nagsisinungaling si Bisaya, ibig sabihin ay si Ruffa ang nagsinungaling. Basta, isa lang sa kanila, isa lang sa pamilya Zaragosa, este Gutierrez.

READ MORE >>

Thursday, March 26, 2009

Ruffa Mae Quinto, Nakitaan ng Boobs sa Dubai; Wendell Ramos, Ninakawan ng Halik

Follow up ito sa nangyaring live show ng Bubble Gang sa Dubai, UAE. May isa na namang Pusang Gala (Salamat, Kuh. Mas maganda nga ito kaysa sa Palakang Kokak) ang nagbalita sa amin tungkol sa mga nangyari. Kung yung una Pusang Gala ay isa sa mga nag-walk out, itong Pusang Gala natin ay tiniis ang oras at pagod matapos lamang ang palabas.

"Masaya," bungad sa amin nang tanungin namin siya tungkol sa palabas. "Nakakatawa at nag-enjoy talaga kami."

Kinumpirma niya na marami nga ang nagsipag-alisan pagkatapos i-anunsiyo na ititigil muna ang show para bigyan daan ang pagdarasal ng mga Muslim. "Marami na kasi ang pagod sa oras na iyon at gutom na rin. Mag-aalas dos pa lang kasi ng hapon ay napakarami na ang nasa park na naghihintay, kaya siguro hindi nila natiis kasi ubos na rin yung mga pagkain na itinitinda sa loob ng venue. Overprice talaga ang mga paninda sa loob pero naubos pa rin. Tapos kung gagamit ka ng CR, ang lalayo at hahaba ng mga pila para sa babae at lalaki kaya marami ang nainip at halos kalahati nga ang umalis."

Pero hindi  mapapansin na marami ang nagsipag-alisan dahil marami pa rin ang mga taong naiwan.

Hindi rin daw totoo na libre ang ticket dahil libre lamang yung mga subcribers ng GMA Pinoy TV sa Orbit. Kung subscriber daw kasi ay may 3 free tickets na siya. At dahil sponsor din ang Western Union, kapag nagpadala ka ng pera sa kanila ay may katumbas ng ticket. Pero ayon sa kanya, meron din mga ticket na ibinenta sa halagang 50 AED o UAE Dirhams.

Sinabi ng aming Pusang Gala na sobrang wild din daw yung mga tao at parang walang mga disiplina. Sigaw sila ng sigaw kahit pinapakiusapan. Isinisigaw daw nila ang pangalan ni Michael V na hindi nakasama dahil nanganak ang kanyang misis.

Pero hindi sina Ruffa Mae o Ogie Alcasid daw ang tinilian kasi si Diego ang may pinakamalakas at may pinakamaraming fans. "Gusto ako ng mga tao dito kasi nakikita nila ako araw-araw. Kamukha ko kasi ang mga camel," biro daw ni Diego na ikinatuwa ng mga nanood.

Sabi namin sa una naming report na isang oras at kalahati lang siguro ang itinagal ng palabas pero ayon sa aming Pusang Gala , mas matagal pa daw kasi nagsimula ito ng 7 pm at nagtapos ng halos alas-dose na ng madaling-araw. Sa makatuwid, halos limang oras ito dahil na rin daw sa dalawang beses na break. Yung pinakamatagal ay 40 minutes.

May isa pang ibinuking ang aming Pusang Gala dahil nag-hello daw ang dibdib ni Ruffa Mae na ikinagulat nito. Nagulat daw sila ng marinig si Ruffa Mae na nagsisigaw ng "Ang boobs ko! Nakikitaan na ako ng boobs!" True enough ay sumilip nga raw ang kanyang malusog na dibdib na ikinatuwa at ikinagulat ng mga manonood. Buti na lang daw at hindi ito nakaabot sa kapulisan dahil baka nahuli daw sila.

Isang eksena rin daw ang nangyari kay Wendell Ramos. Nagulat sila ng may magtangkang humalik sa kanya. Sa katunayan ay nahalikan na raw ang gwapong aktor at narinig na lang nila na nagpoprotesta ang ito. Sinasabi raw niya na hindi pwede siyang humalik dahil bawal nga raw sa public places ng Dubai. 

Salamat sa iyo Ms. H dahil ikaw ang aming Pusang Gala.
Get free website for your blog

READ MORE >>

Friday, March 20, 2009

Pauleen Luna, Patuloy na Idine-Deny ni Gerald Anderson; Sino si Kuh Chara?

Hey guys. I'm afraid my dear Karl Zada fires me if I don't update our blog regularly so here I am trying new things. This time, I try to attempt on bringing you some showbiz hot stuffs that might interest you.

But before anything else, let me inform you that I have changed my pseudonym from Bienvenue to Kuh Chara. Does it sound nice, guys? What can you say?

**********
Nagkaroon ng interview kay Gerald Anderson tungkol sa ibinuking ni Pauleen Luna na panliligaw niya noon pero sa nth time ay muling pinabulaanan ito ng ating binatang Fil-Am. Wow, sobrang gwapo naman si Gerald at talaga naman yatang wala siyang balak itigil sa pag-deny sa magandang si Pauleen. Kung sabihin ni Pauleen na niligawan ko siya ay sasabihin ko sa mga press na oo. Naku, hindi ito maganda para kay Gerald na bini-build up bilang isang barako. Nawawalan siya ng image na gentleman at baka isipin ng mga tao na bakla siya dahil parang siyang takot na takot sa magandang si Pauleen Luna.

Kaya Pauleen, you better stop mentioning Gerald's name on any form of interviews kasi baka isipin din ng mga tao na you are so desperate at naghahabol sa isang lalake na hindi ka naman kaya panindigan. Don't waste your beauty, honey.
***********
Dahil nagpasaring si Kris Aquino sa programa nilang The Buzz na pinapanood daw sila ng katapat nilang Showbiz Central at sila ay hindi (Click here for the story.), napilitan mag-react ang isang host ng SC na si Raymond Gutierrez at sinapawan ang kataklesahan ni Kris. 

Sabi ni Raymond, "Well, at least they gave us one segment. It’s mileage for us, it’s advantage for us. Kung ’di nila kami pinapanood, we don’t talk about them. Kami, pinag-uusapan nila.”

Nag-aabang ang showbiz kung papatulan ito ni Kris Aquino at kung lalaki ba ito o hindi. Pero with Raymond's sister, Ruffa Gutierrez on The Buzz, Siete Contra Dos doesn't think Kris will ever answer back. Hanggang doon na lang siguro iyon.

Pero hindi kaya naglitanya lang si Raymond ng ganito dahil he wanted to cover up something by jumping into  another issue? In that way, people will forget what Ruffa has revealed on her show about her spy inside Showbiz Central. Hindi kaya guilty lang si Raymond at kailangan matabunan ang anggulong iyon?

What do y'all think?

**********
Sa tingin ko ay parang ang ganda at nakakatakot nga pelikula ng GMA Films na sundo na pinagbibidaan nina Robin Padilla, Sunshine Dizon, Rhian Ramos, Katrina Halili at iba pa. Napanood ko ang trailer at nagandahan nga ako.

Nabasa ko rin ang reaksiyon ng mga taong nakapanood na sa pelikula at mukhang maganda nga itong pangalawang pelikula ng GMA Films ngayong taon na ito.

Meron lang akong gustong sabihin na noong pinapanood ko ang trailer ng Sundo ay napansin ko na hawig ito sa Hollywood remake ng Sigaw na The Echo kung saan kasama si Iza Calzado at sa direksiyon ni Yam Laranas.

Sa Sundo, nang bumalik si Robin mula sa hospital ay nagsimula na siyang makakita ng multo. Sa The Echo, si Jesse Bradford naman ay nagsimula makakita ng mga multo nang bumalik mula sa kulungan.

Panoorin niyo ang Sundo para mabuhay muli ang pelikulang Pilipino. Kailangan natin itong ibangon.

***********
Naku dumarami ang mga artista na nababalitaan namin dito sa Siete Contra Dos na susubok muli sa pulitika. Nandyan sina Willie Revillame, Alfred Vargas, Arnell Ignacio at ilan pa. Sa totoo lang ay hindi ako aminado sa ganitong nangyayari. Why don't they just leave politics to politicians and leave showbiz to actors.

Sa totoo lang ay pangit ang imahe ng mga actors na nasa politics. Hindi rin makatulong kung may mga dating actor man na sinasabi nilang naging mabuting pulitiko. Ganun na ba kawala ng opurtunidad sa showbiz at kailan na nilang kumita sa pamamagitan ng pagpasok sa pulitika?
Get free website for your blog

READ MORE >>

Wednesday, March 18, 2009

Kris Aquino at The Buzz, Nanonood din sa Showbiz Central

Nagpatutsada si Kris Aquino sa kanyang Sunday talkshow na The Buzz laban sa kanilang kalaban sa Siete na Showbiz Central. Nagsimula ang lahat noong nakaraang Linggo pagkatapos i-ere sa kanila ang interview ng host pa mandin ng SC na si Ruffa Mae Quinto tungkol sa galit niya sa co-host na si Mo Twister. (Huh, nasan ang professionalism mo Ruffa Mae? You're a host of SC but you agreed to be interviewed by your direct competitor? Is that right?)

Nabanggit kasi ni Ruffa Gutierrez na host naman ng The Buzz na meron siyang informant sa SC na nagsabi na si Mo daw ay ayaw niya sa The Buzz which is expected according to Kris. Idinagdag ni Kris na "at least daw ang SC ay may panahon na panoorin ang kalaban nila na The Buzz, pero sila daw ay wala!"

That's definitely a BIG lie from Kris Aquino. For those people who have knowledge how these two warring networks monitor the show of the competitor, they would definitely laugh over Kris' statements. These people definitely would brand Kris as really tactless. Pero sa mas nakakarami, pwede nila paniwalaan ang sinabi ni Kris kasi hindi naman talaga nila alam ang set up sa studio ng bawat networks.

Siguro ay naitanong niyo na kung bakit parang sabay lang kung mag-commercial gap ang dalawang magkatapat na palabas, in this case - Showbiz Central and The Buzz. Siguro ay napansin niyo rin na minsan ay parehas na mabigat na istorya ang sabay na ini-ere ng dalawang magkalaban na palabas upang maiwasan maglipat ng channel ang mga manonood. Ilang beses niyo na rin nasaksihan na kapag may isyu na pinasabog ng isa o guest ng isang show, asahan mo na meron sagot ng nasangkot o phone patch interview sa kabila o kalaban na palabas.

Kung napansin ninyo iyan, ang rason niyan ay dahil bawat show ay nakatutok din sila sa kalaban. Kung nanonood ang Showbiz Central ng The Buzz, it goes the same for the The Buzz. Nanonood din ang The Buzz ng Showbiz Central and I guarantee this is 100%  factual.

Di ba inamin din ito ni Joey de Leon sa isa niyang interview na mino-monitor nila ang Wowowee? Di ba, nabalitaan din ninyo na nanonood si Willie Revillame ng Eat Bulaga habang nasa hospital? Dapat lang dahil kailangan niyang malaman kung ano ang bago at dapat i-improve sa show niya sa pamamagitan ng pagpuna sa kabila.

Kaya buong tapang na sasabihin ng Siete Contra Dos na ang statement ni iyan ni Kris Aquino ay patutsada lamang at malinaw na gumagawa lang intriga. Pero ganyan na talaga si Kris. Kaya nga siya Tactless Queen, di ba?
Get free website for your blog

READ MORE >>

Monday, March 2, 2009

Pandadakma ni Ai Ai de las Alas sa Bukol Ni Piolo Pascual, Sang-ayon ba Kayo?

Sang-ayon ba kayo si ginawang pandadakma ni Ai Ai de las Alas sa harapan ng aktor na si Piolo Pascual?

Pinag-uusapan na naman ang ginawang pagdaklot ni Ai Ai de las Alas sa crotch ni Piolo Pascual sa stage ng Araneta Coliseum noong nakaraang Linggo habang ginagawa nila ang Pop Icons concert. Nabigla daw daw ang aktor sa ginawa ni Ai Ai pero nagpadala naman daw na ng apology ang komedyana thru SMS or text. Grabe naman si Ai Ai dahil ginawa rin niya uli ito kay Piolo noon, di ba?

Wala akong makitang maganda sa ginawa ni Ai Ai kahit sabihin nating magkaibigan sila. Come to think of the fact na marami ang mga bata o menor de edad na taga-hanga ng aktor ay napakalaswa ang senaryong ito. Ang tanong kung hindi kaya kumikita o sikat si Ai Ai ngayon, magagawa niya kaya ang bagay na ito? O malakas lang ang loob niyang gawin ito kay Piolo dahil pakiramdam niya sikat siya at hindi na lang iimik si Piolo.

Isa itong pagpapatunay sa kasabihang "tell me who your friends are and I will tell you who you are"." Sa ginawa na ito ni Ai Ai parang nakikita ko noon yung mga publicities ni Rosanna Roces lalo na noon sa Startalk. Mukhang nagmana na ang komedyana sa dati niyang kaibigan. O baka naman si Rosanna ang nagmana kay Ai Ai?

Napaka-cheap ng publicity na ito at ang mga pangyayaring ganito ang nagpapababa sa imahe ng showbiz sa publiko. Aware naman ang lahat na ang tingin ng mga ilan sa Philippine entertainment industry ay pugad ng kalaswaan, droga, kaplastikan, away-away, agawan, sulutan, etc.

Naku, kailangan na pangaralan si Ai Ai bago siya gumawa ng iba pang "kababuyan." Baka mamaya bigla na lang may ordinaryong taong mandakma din kay Piolo sa mga gigs nito. Maloloka ako kung idadahilan niya sa presinto na kaya niya dinakma ang aktor ay dahil "akala niya ay okay lang iyon dahil ilang beses nang ginawa ni Ai Ai at hindi naman pumalag si Piolo." Baka sabihin pa niya na "akala ko kasi si Piolo ay pwede dakmain na lang ng kahit sino!"

Speaking of Ai Ai, hindi maganda ang response ng mga manonood sa show nila ni Ruffa Gutierrez na Ruffa and Ai. Habang tumatagal ay lalong nakikita ang weakness nila na wala silang team work and chemistry. Nagsasapawan daw sila lagi sa kanilang morning talk show. Baka magkatotoo ang hinala ng marami na hindi ito tatagal sa ere.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO