Walk-out sa Show ng Bubble Gang sa Dubai; More on Charice Supposed Dubai Concert
Kung bawat gabi ng Biyernes ay nakatutok ang Philippine televiewers sa sikat na gag show na Bubble Gang ng Siete, kabaligtaran ang nangyari nang sila ay mag-perform sa Zabeel Park sa Dubai noong isang araw o gabi ng Sabado (21 March 2009) dahil na-bored daw ang mga tao at nag-walk out sa umpisa pa lang ng palabas.
Ayon sa isa naming Palakang Kokak na nanood sa nasabing palabas, marami daw ang nadismaya at nanghinayang sa ibinayad nilang 50 dirhams na ticket. Ang katumbas niyang sa peso ay halos 650 rin.
In fairness ay sobrang dami daw ng tao na sumugod nga sa venue dahil excited sila na makita ang tropa ng Bubble Gang. Nakita daw nila sina Ogie Alcasid, Ruffa Mae Quinto, Maureen Larazabal, Diana Zubiri, Wendell Ramos, Antonio Aquitania, Boy 2 Quizon at Rochelle Pangilinan. Alas singko pa lang daw ng hapon ay puno na ang open space na venue at nagsimula daw ang show ng mga bandang alas-siete ng gabi.
Kawawa daw ang mga tao na nasa bandang likod dahil hindi nila makita ang mga artista sa harap kaya nagtiyaga na lang sila sa napakaliit na monitor. Ang nakakaloka, may depekto daw ang screen at tumirik pa ito kaya wala daw magawa yung mga nasa likod na pwesto kundi magtiis at magreklamo.
Nagsimula ang show sa pag-awit ng cast ng mga kanta ni Francis Magalona. Tatlong kanta rin daw ang natapos nila nang magulat ang audience nang ipahayag na pansamantala pinuputol ang palabas ng 40 minutes break dahil bawal daw mag-ingay sa oras na iyon - oras daw ng pagdarasal ng mga Muslim.
Nabuwisit daw ang mga tao at dahil sa sobrang frustration ay kalahati ng audience ang nag-walkout at hindi na raw tinapos pa ang palabas. Kasama na dyan ang aming Palakang Kokak.
Nang tanungin namin si Palakang Kokak kung itinuloy ba ng Bubble Gang ang show after 40 minutes ay oo naman daw dahil isang oras at kalahati naman yung show. Kaso nga lang marami ang nadismaya dahil sa tagal ng pinaghintay nila tapos pinutol kaagad. Idagdag pa raw dyan ang sirang monitor kung saan nanonood ang karamihan.
**********
In connection with Charice Pempengco's supposed concert at Zabeel Park in Dubai, an e-mail sender is asking me how valid is my information that I posted here.
My source told me that he heard the news from someone who is working as event coordinator and that includes concerts in Dubai. But he declined to comment when I asked him if his source is one of those who handled this concert for Charice. He reiterated that the producer failed to secure a permit for the venue and only Charice was given a visa to fly to Dubai. He added that the producer continued to sell concert tickets despite of having no venue for the event.
I understand that what I have written is I think the first attempt to explain the reason behind the cancellation. I thought everyone knows it before I wrote the article. In fact, the e-mail sender asked me to read the translation of my article they made at www.charicemania.com
Thank you so much to Cha_rade, orangecountyfan and to all the fans of Charice for taking time to read my article. I've decided to write this in English since the website caters to all the fans around the world and not only to the Filipinos. I was overwhelmed actually and I would like to tell y'all, we at Siete Contra Dos are also fans of Charice.