Showing posts with label Dos. Show all posts
Showing posts with label Dos. Show all posts

Sunday, May 17, 2009

Dos, Malapit na Uli Mag-Number 1 sa Rating?

Naku, dapat lang na matakot ang GMA network sa huling kaganapan sa ratings ng mga television shows in Metro Manila. Nanganganib na ang kanilang supremacy. Nabalitaan kasi namin na sa latest AGB ratings result naka-ungos ang dalawang programa ng Dos na dati-rati naman ay hindi nangyayari since the last quarter of 2004 when Kapuso managed to be on top of the ratings game.

Isang gabi na ang Tayong Dalawa nina Jake Cuenca, Kim Chiu at Gerald Anderson at ang Only You nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo ay naungusan ang lahat ng primetime shows ng Siete. Ang nakakatawa pa dito ay parehas na programa ay may mga artistang originally ay contract stars ng Siete mismo. Kaya parang ang mga talent na sinimulan i-build up ng Kapuso ang siya ring dahilan ng kanilang pagkatalo. Ang tinutukoy namin ay sina Jake at Angel.

Dapat lang na seryosohin ito ng GMA kung ayaw nilang maagaw muli ng Dos ang pagiging number one sa Metro Manila. Hindi maikakaila na dumidikit na talaga ang mga programa ng Dos sa mga programa naman ng Siete. Sooner or later, magugulat na lang tayo na Dos uli ang number one na TV station sa Pilipinas in terms of advertising.

Natatandaan tuloy namin na noong 2004 pagkatapos manguna ang GMA sa ratings game, may isang manghuhula na napanood namin sa Kapamilya na nagsabi na ang pagiging number one ng Kapuso ay pansamantala lamang. Sabi pa niya na hanggang third quarter lang  ng susunod na taon sila maghahari (so mga 2005 dapat iyon). Hindi naman nangyari ang kanyang hula pero mukhang nakakabahala (kung ikaw ay isang GMA fan) ang sinabi niya na pansamantala lamang ang pagiging number one ng Siete. Ibig sabihin ay darating ang araw na Dos uli ang hari sa ratings.

Pero may isa rin kaming  na-obserbahan sa mga fans ng dalawang network na nag-aaway sa internet. Noong kulelat ang Dos sa ratings, ang lagi nilang depensa ay hindi raw sila naniniwala sa ratings dahil may daya daw. Pero mukhang nag-iba ang ihip ng hangin dahil tuwang-tuwa naman sila noong maging number one ang Tayong Dalawa at Only You. Ano ba?

Ang mga fans naman ng Siete ay maingay sa pagkondena noon kay Annabel Rama na siyang sumisira sa imahe ng Kapuso kaya maraming na-turn off dito at naglipatan sa Dos. Kailangan daw maalis na si Annabel para hindi maapektuhan ang mga shows ng Siete by boycotting the shows of her alaga. Pero heto sila ngayon na mega suporta naman sa Zorro na kung saan bida ang anak ni Bisaya na si Richard Gutierrez.

Ang mga fans nga naman. Ang daming drama. Parang soap opera din.

READ MORE >>

Thursday, May 14, 2009

Lorna Tolentino, Imbiyerna sa bagong Soap?

Mukhang hindi pa yata nakaka-recover ang premyadong aktres na si Lorna Tolentino sa mula sa pagkamatay ng kanyang asawa na si Rudy Fernandez noong nakaraang taon kung tama ang tsika na aming natanggap sa aming e-mail mula sa isang reader natin.

Maraming salamat pala for the heads up, you-know-who.


Naging laman daw ng mga blind items ang pagiging irritable ni Lorna lalo na ang pagka-imbiyerna niya sa production ng bagong soap na gagawin niya sa Dos.

Pinatawag daw si LT para sa pangatlong workshop kung saan gagampanan niya ang isang role ng isang abogada. Nasabi daw niya na hindi na niya kailangan ng workshop lalo na at pangatlo ito dahil alam na raw niya ang kanyang papel. Isa pa ay nagampanan na raw niya ito sa mga nakaraan niyang pelikula.
Ang rason naman ng production, standard procedure kasi ng Dos para sa lahat ng mga soap na ginagawa nila  ang workshop. Layunin nito na ma-establish ang good rapport o magandang samahan ng mga artista na  kasali sa kanilang proyekto.

Hindi nga ba natagalan si LT na tumanggap ng proyekto dahil ayaw pa raw nitong magtrabaho? Baka kailangan pa niya ng mas mahabang pahinga kasi.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO