Showing posts with label Carisheila May Kuijpers. Show all posts
Showing posts with label Carisheila May Kuijpers. Show all posts

Saturday, March 7, 2009

Binibining Pilipinas 2009 Top 12 - My Fearless Forecast

Mamayang gabi na ang inaantabayanang big night ng Binibining Pilipinas sa Big Dome. 23 na lamang ang mga kandidatang maglalaban-laban sa tatlong titulo pagkatapos ng hindi makatarungan na disqualification ng isa sa pinakamalakas na kalahok na si Sandra Inez Seirfet.

At dahil naipangako ko sa inyo na isusulat ko rin ang mga inaasahan kong magiging matagumpay ngayong gabi, narito ako beating the deadline dahil 5 oras na lang ay magsisimula na ang koronasyon.

Heto ang aking fearless forecast:
Inaamin ko na ang batch na ito ang isa sa pinakamalakas sa Binibining Pilipinas at nahirapan akong i-judge ang bawat isa. Dahil dito ay malaki ang posibilidad na mababa ang accuracy percentage ko sa aking forecast sapagkat bawat isa ay malakas ang laban. Dikit lamang ang difference ng mga scores nila kaya malamang na sumablay ako dito. Pero tignan natin mamaya kapag tagumpay ako dito.

Nakakalungkot lang dahil masakit sa loob ko na yung lowest 11 ko ay marami pa rin sa kanila ang deserving. Sana kapag hindi nga sila makapasok sa finals ay sumali pa rin sila next year.

Ang mga pangalan ng Top 12 ko ay sina Carishiela May Kuijpers (2), Richell Angalot (3), Diana Arevalo (5), Maria Paula Bianca Paz (6), April Love Jordan (9), Regina Hahn (11), Pamela Bianca Manalo (15), Marie Ann Umali (17), Stephanie Senires (19), Melody Gersbach (20), Priscilla Mae Honorio (22) at Abegail Lesley Cruz (24).

Walang dudang kasama sana dito si Sandra Inez Seirfet.

Tatlo sa mga kandidata dito ang may malakas na connection sa pageant organizers dahil ang mga nanay, kapatid o tita nila ay mga naging alaga at kaibigan ng isa sa namamahala sa Binibining Pilipinas na si Pitoy Moreno.

Sila ay sina Regina Hahn na ang nanay ay si Chiqui Brosas na naging Miss Universe 1975 4th Runner Up, Pamela Bianca Manalo na kapatid ni Katherine Manalo (Miss World 2002 finalist) at pamangkin ni Nini Licaros ( first ever Binibining Pilipinas- International) at si Abegail Lesley Cruz na 2nd Runner Up noong Bb. Pilipinas 2007.

Tignan natin kung silang tatlo ay may nakalaan ng korona para sa kanila dahil sa pulitika sa loob ng pageant na ito.

READ MORE >>

Monday, March 2, 2009

Sino ang Mga Binibini Candidates na may Dyowang Actors?

Dahil malapit na ang Binibining Pilipinas, I am now finalizing my prediction on who will barge to the prestigious Final 12. Hindi ko alam kung 12 ba ang semi-finalists ngayong taon or 10 lamang pero since there are 24 lovely ladies who are competing, I might just get the top and the bottom halves.

Matinik pala itong si Joross Gamboa na artista ng Dos. Akalain mo naging dyowa niya pala ang isa sa front-runner ng kompetisyon na ito. Ang tinutukoy ko ay ang candidate number 2 na si Carishiela May Kuijpers.

Maganda ang registration ni Carisheila sa camera at mga pictures at meron siyang background sa modelling kaya siya ay napapansin. In fact, sa mga beauty fanatics na hindi Pinoy ay si Carisheila ang napapansin nila at wish nilang manalo bilang Binibining Pilipinas-Universe. Ang magiging problema lang ng dalaga ay ang kanyang height dahil 5'6" lamanng ito. Sabagay, si Pornthip Nakhirunkanok nga ng Thailand ay 5'3"lamang noong manalo siyang Miss Universe noong 1965.

Isa pa si Polo Ravales ang meron nobyang kasali sa kumpetisyon. Siya naman ang candidate number 6 na si Ma. Paula Bianca Paz na kinakatawan ng Baguio City. Lumaki ng US ang dalaga at pumunta lamang dito sa Pilipinas para matupad ang kanyang pangarap na makasali sa paligsahang ito. Siguro halos isang taon na rin siya dito dahil sa patakaran ng Binibining Pilipinas na kailangan tumira ka sa Pilipinas ng 6 months before the registration para hindi questionable ang iyong citizenship. Ito ang naging problema noon nina Anjanette Abayari, Tisha Silang at Janelle Bautista.

Ayon sa mga nakakasaksi sa mga activities ng mga candidates, malakas din daw ang laban ni Ma. Paula Bianca pero kung hindi man siya palarin na hindi manalo sana hwag siyang mawalan ng gana na sumali uli sa susunod na taon. Pero malakas din ang kutob ko na papasukin niya ang mundo ng showbiz kapag maglagi pa siya dito sa Pilipinas.

Speaking of Binibini candidates na may mga dyowang celebrities, of course mawawala ba sa listahan si Abbegail Lesley Cruz na ipinakilala sa soap ni Richard na Lupin? Si Abbegail ang nobya ngayon ng magaling na host ng Philippine Survivor na si Paolo Bediones. Sumali na noon si Abby sa Binibining Pilipinas noong 2007 at siya ang naging second runner up. Noong taon din iyon ay nag-try siya sa showbiz sa pamamagitan nga ng Lupin pero wala ng sumunod na soap after that. Talagang pangarap niya na makasali sa mga international pageants kaya siya sumali uli ngayong taon. Si Abby ang candidate number 24.

Si Richell Angalot naman o Rich Asuncion ay napapabalitang girlfriend pa rin sa ngayon ng isa pang Kapuso artist na si Aljur Abrenica. Hindi pa raw naghihiwalay ang dalawa pero hindi nila inaamin ito sa mga press dahil pinoprotektahan nila ang loveteam nina Aljur at Kris Bernal na ipinapakilala sa bagong pang-hapong soap ng Siete na Dapat Ka Bang Mahalin? Malakas din ang laban ni Rich at namamangha talaga ang mga taong nakasubaybay sa kanya simula Starstruck dahil ibang-iba na raw ngayon si Rich. Ang laki raw ng ipinagbago niya. Siya ang candidate number 3.

READ MORE >>

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO