Sunday, April 26, 2009

Sarah Geronimo, Lumalapit ang Boto kay Jonalyn Viray

GPTV Update: Sa ginaganap na weekly elimination ng Goddess of Philipppine TV search, hindi pa rin natitinag sa unang pwesto ang pambatong diva ng GMA 7 na si Jonalyn Viray. Ilang araw na rin  walang kumakalaban sa kanyang unang pwesto pero lumalapit naman ang boto ang mahigpit niyang kalaban mula sa kalaban ding istasyon na ABS-CBN na si Sarah Geronimo.

Pero kahit mas mabilis ang pagdating ng boto ni Sarah sa mga huling oras, medyo malayo pa rin ang kanyang hahabulin para tuluyan ng maagaw ang liderato.

Isa rin sa kapansin-pansin sa araw na ito ay hindi pagbabago ng ranking ng mga artistang kasali sa grupong ito. Katulad sa mga nagdaang araw, si Angelu de Leon pa rin ang nasa ikatlong puwesto na sinundan nina Angelica Panganiban at Sheena Halili sa unofficial Top 5 ngayong linggo.

Nasa lower bracket pa rin sina Bianca King, Rhian Ramos, Chynna Ortaleza, Riza Santos at Isabel Oli at malaki ang posibilidad na sila na ang matatanggal sa grupong ito sa pagtatapos ng botohan bukas, 27 April 2009, sa ganap na alas-siyete ng gabi.

Kung hindi mababahala ang mga fans ng mga artistang nasa lower bracket, aabante sa Top 25 ang 3 Kapuso artists at 2 Kapamilya artists na kinabibilangan nina Jonalyn, Sarah, Angelu, Angelica at Sheena.

Sa kabuuan, meron na lamang 21 oras at trenta minutos na natitira bago magsara ang weekly elimination na ito.

ANNOUNCEMENT: Uulitin uli namin na magkakaroon ng 10-hour extension ang sampung artista na kasama sa Batch 3 ng Second Elimination ng GPTV. Magsisimula ito sa 7pm ng Martes (28 April 2009) at magtatapos naman sa 5am ng Miyerkules (29 April 2009). Ang lahat ng oras at petsang nabanggit ay ayon sa Philippine standard time.

Kasama sa poll extension na ito sina Erich Gonzales, Ehra Madrigal, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Jewel Mische, Katrina Halili, Maja Salvador, Marian Rivera, Ryza Cenon at Toni Gonzaga.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO