Monday, April 27, 2009

Jonalyn Viray Leads 5th and Final Batch of GPTV Second Face-off

Now, it can be told. Jonalyn Viray is the leader of the final and last batch of our Second Elimination or Face-off of our search for the Goddess of Philippine TV.

Sa nagdaang buong linggo kung saan sampung artistang babae natin sa ngayon ang naglaban-laban para makakuha ng slot sa Final Top 25 ng Philippines 100 Top Female Young Stars at kung saan manggagaling din ang sole title na Goddess of Philippine TV, nagmukhang labanan lamang ito ng dalawang sikat at magaling na mang-aawit na sina Jonalyn at Sarah Geronimo. Pero sa bandang huli, si Jonalyn ang walang dudang nagwagi.

Sina Jonalyn at Sarah ay parehas na produkto at grand prize winners ng magkaibang singing competition ng dalawang magkaibang network.

Sa mga miyembro ng La Diva, ang unang grand prize winner ng Pinoy Pop Superstar lamang ang nakapasok  sa Top 25 at siya rin ang ka-isa-isang Kapuso talent (so far..hindi pa tapos ang Batch 3) na nanguna sa isang weekly elimination ngayong second face-off.
Mula sa 23,058 na botong nakalap natin para sa batch na ito, 38% o 8,835 na boto ang nakuha ni Jonalyn. Hindi naman malayo ang kay sa Sarah dahil 34% ang kanyang nakuha. Iyan ay katumbas ng 7,885 votes.

Malayo na ang agwat ni Sarah sa nasa pangatlong pwesto na si Angelu de Leon dahil 9% lamang ang kanyang nakuha. Katumbas ito ng 2,107 votes.

Ang dalawa pang nasa Top 5 at aabante sa Final Top 25 ay sina Angelica Panganiban at Sheena Halili. 899 votes ang para kay Angelica at 705 naman ang kay Sheena.

Nakakalungkot din  na tuluyang ng nae-eliminate sina Bianca King (695 votes), Rhian Ramos (625), Riza Santos (509), Chynna Ortaleza (488) at Isabel Oli (304) dahil sila ang nasa lower 5.

Magbabalik ang Final Top 25 sa Miyerkules, 29 April 2009, para sa race to Final Top 10.

**********
ANNOUNCEMENT: Hwag din kalimutan na bukas, 28 April 2009, sa ganap na 7pm Philippine time, magsisimula ang 10-hour poll extension ng Batch 3 na kinabibilangan nina Erich Gonzales, Ehra Madrigal, Iza Calzado, Jennylyn Mercado, Jewel Mische, Katrina Halili, Maja Salvador, Marian Rivera, Ryza Cenon at Toni Gonzaga.

Magtatapos ang special poll na ito sa madaling araw ng 29 April sa ganap na 5am.

Ang makakapasok sa Top 5 ang siyang magsasara sa Final Top 25 ng Philippines 100 Top Female Young Stars.

**********
Magtatapos na rin ang 15% poll natin sa 29 April, sa oras na magsimula ang botohan ng nalalabing 25 artists natin para sa Final 10. Ang poll na ito ay pakikinabangan lamang ng mga artista natin na mapalad na makapasok sa Final Top 10. 15% ng kanilang final scores ay mangagaling dito.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO