Saturday, April 11, 2009

JC de Vera is Out of GMA?; JC Tiuseco, Ipapalit Kay De Vera?

Sooner or later, JC de Vera will no longer be a regular face on your GMA screen if worse comes to worst.

Ang chika ng aming Pusang Gala, marami sa Siete ang turn off kay JC dahil sa naging pahayag niya sa naging affidavit ng kanyang manager na si Annabel Rama bilang depensa sa demandang inihain ni Wilma Galvante.

Sa affidavit, malinaw na pinabulaanan ni JC na umiyak siya kaya naman parang bomba itong nahulog from the seventh floor ng GMA building hanggang sa lobby ng first floor at nagpanganga sa mga empleyado ng network.

Ang ikinagulat raw nila ay ang daming nakasaksi ang cry a river ni JC pero may guts pa raw itong pabulaanan.

Ayon pa rin sa aming Pusang Gala, aware daw kasi ang kampo ni JC na marami ang mga panty na dating nalaglag ang nagsipagbalikan sa pwesto nila. Ibig sabihin, nawala ang ilusyon nila kay JC bilang tigasing lalake dahil sa balitang umiyak siya. Tinawag siyang bakla at walang balls kaya gusto raw niyang protektahan ang kanyang imahe.

Ang siste, frozen na raw ang kanyang career ng one year hanggang matapos ang kanyang kontrata at papalitan na raw siya ng isa pang JC sa katauhan ni JC Tiuseco, ang first winner ng Survivor Philippines.

JC's loss is JC's gain. Wait a minute. Nalito ako ha.
Sayang itong si JC de Vera na nasira ng bad publicities ng kanyang manager. Ang hangarin ni Annabel na maprotektahan si JC ay hindi nangyayari bagkus ay kabaligtaran.

Sigurado namang nagbubunyi ang mga JC Tiuseco's camp dahil sa balitang ito. Alam ba ninyo na sobrang impressed daw ang mga Siete executives sa naging performance ni hardcourt lover boy sa kanyang show sa Dear Friend kung saan nakipaglaplapan siya kay Jewel Mische?

Si JC Tiuseco na raw ang ipu-push through ang career dahil nakitaan nila ito ng determination at professionalism. Hindi kaya gagawin na ang JC Tiuseco-Jewel Mische loveteam?

Abangan natin iyan.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO