Sunday, April 12, 2009

Akihiro Sato, Next Big Star ng Siete?

May bagong ide-develop ang Siete na aktor nila dahil napapirma nila ng kontrata ang tinitilian ng mga babae at bading sa mga rampahan na si Akihiro Sato, isang Brazilian-Japanese model.

Sino ba ang hindi nakakakilala kay Akihiro? Ito lang ang masasabi namin, super delicious hot papa siya at pamatay ang kanyang katawan.

Nakitaan daw kasi ng GMA Artist Center ng husay sa akting si Akihiro at ito ay agad nilang pinapirma. Sa kasalukuyan ay puspusan ang kanyang pag-aaral sa pananalita ng Tagalog upang sa gayon ay tuluyan ang kanyang pagsikat.

Bago napadpad ng Pilipinas itong si Aki, naging sikat muna siya bilang leading ramp male model sa ilang bansa sa South East Asia hanggang sa makilala nga siya sa Thailand. Pero sa kagustuhan na lalong maging international ang kanyang pangalan, sinubok naman niya ang Pilipinas at heto nga siya, mukhang handa na siyang lusubin ang telebisyon.

Sa aming palagay, kung maging bihasa si Aki sa pagsalita ng Tagalog, sigurado kami dito sa Siete Contra Dos na hindi malayong sisikat siya ng husto dahil pampakilig talaga ang kanyang mukha. Pero hindi kaya magaya lang siya kina Troy Montero at Brad Turvey na sa umpisa lang kinagiliwan ng publiko at hindi na nakapag-move on pa?

Aki prove to us that you can make it.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO