Wednesday, April 15, 2009

Away nina Cristy at Nadia, Posibleng Mabuhay dahil kay Aubrey Miles

Posibleng sa mga susunod na araw ay mabubuhay muli ang isyu nina Cristy Fermin at Nadia Montenegro dahil na rin sa pag-amin ni Aubrey Miles na totoo nga ang matagal ng tsismis na siya ay may anak na itinago sa publiko. O hindi man ang isyu ang mabubuhay, baka magiging mainit na paksa sa mga entertainment sections ng mga diyaryo ang mga pangalan na nabanggit.

Natawa kami dito sa Seite Contra Dos sa narinig naming comment mula sa isang Pusang Gala. Ngayon daw kasi na umamin na si Aubrey, naglulundag na raw siya sa tuwa at nag-celebrate ng bonggang-bongga hanggang malasing. Of course, exaggeration laman iyan pero balita nga raw na napa-smile ng pagkatamis-tamis ang kontrobersiyal na manunulat dahil pakiramdam niya ay vindicated siya sa nangyaring aminan.

Sa mga hindi pa masyadong pamilyar sa showbiz, nagkaroon ng away at sagutan sa ere noon habang pilit na pinaninindigan ni Cristy na may anak si Aubrey at JP Obligacion. Take note of that, pinangalanan din ni Cristy na ang ama ng bata ay si JP nga. Sa kabilang banda, pinanindigan din ni Aubrey na siya ay dalagang-dalaga.

Sundot pa ng aming Pusang Gala, baka sobrang nerbiyos na raw ngayon ni Nadia. Posible daw kasing magbago ang judgement ng mga tao tungkol sa pinasabog ni Cristy na may anak din siya sa labas.

Pati ang aming Pusang Gala ay kasalukuyan daw nagtatalo ang kanyang isip kung sino na ngayon ang kanyang paniniwalaan kina Cristy at Nadia. Ginulo daw kasi ni Aubrey ang kanyang tahimik na pag-iisip kaya ngayon daw ay sobra siyang nahihirapan. LOL.

Anyways, ang mali kasi kay Cristy, sa mga away niya sa ilang mga celebrities, ginagawa niya kasi itong personal. Wala siyang pakiaalam kung mandamay na siya ng mga inosenteng tao matira lamang ang kalaban. Ang lagi style niya ay atakihin ang pagkatao ng kalaban kahit hindi naman ito ang ugat ng away.

Well, sana lang let bygones be bygones.

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO