Thursday, March 19, 2009

Sarah Geronimo, Kinukumbinseng Mag-endorse ng mga Presidentiables

Kinumpirma ng aming kaibigan na nakabase sa Pilipinas kung sino ang tinukoy ni Salve Asis sa kanyang column sa isang pahayagan. Tuwang-tuwa ang kaibigan naming ito na nagsilbing isa na sa aming Palakang Kokak dahil isa siyang diehard fan ni Sarah Geronimo. Siguro sa lahat ng humahanga o nagmamahal kay Sarah ay wala ng tatalo pa dito sa kaibigan kong ito.

Si Sarah kasi ay hinahabol sa ngayon, hindi ng mga pulis huh, pero ng dalawang presidentiables na gusto siyang ikampanya sa darating na national election. Ayon kay Salve ay "sky is the limit" daw ang offer pero ayon naman sa aming Palakang Kokak, hindi naman daw ganun pero talagang malulula ka sa taas ng presyo na inilalatag. Wala nga raw dahilan para tanggihan ang tumataginting na salapi pero natatakot daw ang Viva Artist Agency na baka maka-apekto ito sa kasikatan ng dalaga na talaga namang hindi maikakaila na kumita ng husto ang kanyang sunod na dalawang pelikula.

Ang worry lang daw ng Viva ay baka bumaba ang paghanga ng publiko kay Sarah lalo na kung matalo ang dalawang presidentiables. Dagdag pa ni Palakang Kokak, ito daw kasi ang isa sa mga dahilan ng pagbaba ng ratings ng isang network sa Kamaynilaan dahil nangahas silang mag-endorse noon ng isang presidentiable bagay na nakaapekto sa kanilang kredibilidad.

Tunay na ngang sikat si Sarah sa ngayon pero hindi rin biro ang kanyang pinagdaanan. Matagal din bago niya nakamit kung ano man ang kanyang tinatamasa sa ngayon. Halos 6 na taon din ang kanyang hinintay bago tuluyang nakilala parehas sa singing and movie scenes. Hindi nga nagkamali ang Viva na itali siya sa kanila ng mahabang panahon. Matatandaan kasi na noong manalo si Sarah sa Star for a Night, naging kontrobersiyal ang haba ng taon kung hanggang kailan siya ima-manage ng Viva. Sabi nga nila ay iyon na yata ang pinakamatagal na kontrata sa history ng Philippine showbiz. Hindi ko na maalala kung ilang taon pero kung hindi ako nagkakamali ay 20 years ito. Pwede niyo ako i-correct sa bagay na ito.

Naalala ko noong magsimulang mapansin ng publiko si Sarah dahil nasubaybayan ko rin siya at ito ay dahil na rin kay Palakang Kokak. Bilib na bilib kami noon sa taas ng kanyang boses considering na siya ay 14 years old lang noon. Tapos talagang na-carried away kami sa kahirapan na kanyang pinagdaanan bago siya manalo sa singing competition na iyon. Una namin siyang nakita sa IBC 13 tapos sa GMA 7 at tuluyan na ngang pumirmi sa ABS CBN nang gawin niya ang afternoon soap noon na Sarah: The Teen Princess.

Sabi nga ng kaibigan ko, napaka-humble daw kasi si Sarah at graceful ang kanyang mga galaw kaya sino naman daw ang hindi hahanga sa kanya. Naantig kami noon sa kwento niyang pinalalayas na sila ng apartment nila sa Maynila dahil hindi na sila nakakabayad pa. Mabuti na lamang at kumatok ang swerte sa kanya noong manalo siya. Isang halimbawa si Sarah ng mga classic Pinoy stories na kinagigiliwan natin kaya walang dudang sumikat siya. From rags to riches kumbaga ang drama kaya hindi siya mahirap mahalin.

Naalala ko rin na halos dalawang buwan din yata pinanood araw-araw ni Palakang Kokak ang concert ni Sarah sa VCD kung saan nadapa siya sa stage at ala-Miriam Quiambao na tumayo at nagpatuloy sa pagkanta. Kaya kapag nakakabasa ako ng paghanga kay Sarah, nakikita ko sa kanila ang aking kaibigan. Wala yata siyang pinalampas na album ng mang-aawit kaya siguro puro platinum ang nakuhang award ng karamihan nitong kanta.

Nasa kasikatan ngayon si Sarah at kung patuloy na malinis ang kanyang imahe sa publiko, with her talents, siguradong magtatagal pa siya sa industriyang ito.
Get free website for your blog

Click here to VOTE

Name:
Email Address:
Tell us your message:

create form

EX-LINK

Do you want an ex-link with my site? Just add my blog in your site and leave me a message. If I see my blog is included in your list, I will definitely add yours. Let's share!

  ©Template by Dicas Blogger.

TOPO